Part 6
Hindi makapaniwala si Stella sa nalaman. Kailangan nyang intayin si Adam para malinawan sya sa nangyayari.
Nakaupo sya sa kama nila ng bumukas ang pinto ng kwarto nila. Pumasok si Adam at lumapit agad sa kanya.
"Hey babe, bakit gising ka pa?" Tanong ni Adam kay Stella.
Nagkibit balikat sya bilang tugon sa tanong nito bago sya nagtanong. "Saan ka galing? Ginabi ka naman masyado."
"May business meeting pa akong tinapos. Sorry at late na ako nakauwi." Hinalikan pa sya ni Adam sa pisngi. "How's work?"
"Same old, same old..." Walang buhay na sagot nya dito.
He lied into my face! Sa isip isip nya.
"Stell, may gift na ba tayo sa twins?"
Umiling sya dito bago ito sinagot. "Wala pa, after work dito na ako dumiretso at nakatulog nga ako eh."
"Hayaan mo, ako na lang ang bibili. Magpahinga ka na lang dito sa bahay. Alam ko namang pagod ka sa trabaho mo." Sabi ni Adam na nahiga na sa tabi ni Stella.
"It's up to you. Pabor nga sakin na ikaw ang bibili para makapahinga ako."
"Okay, maganda yang magpahinga ka. Anyway I'm so exhausted right now, babe. Goodnight." He kissed her lips.
She didn't even bother to respond. Tumalikod na sya kay Adam at pinatay ang lampshade sa side nya. "Yeah, goodnight."
******
Two days before ang birthday ng twins ay dumating sa bahay nila Stella si Callie. Nagpapasama ito sa kanya na bumili ng regalo.
"Sige na naman, Stell. Samahan mo na ako pwease..." Pagpapacute pa ni Callie.
"Kay Eric ka magpacute ng ganyan tapos sa kanya ka na din magpasama. O kaya naman si Jelo, yung kapatid mo yayain mo!" Pang-aasar nya pa dito.
"Eric? Sino yun?" Pagmamaang maangan pa ni Callie.
"Wag kang maarte. Sino nga ba si Eric ha!? Ang taong pinakasasamba mo simula pa nung high school!"
"Lalalala.... wala akong naririnig." Nakatirik ang mata ni Callie habang niloloko si Stella.
"Oi Eric. Bakit?" Sabi ni Stella na kinabalikwas ni Callie sa pagkakahiga sa sofa.
"Ha!?" Palinga linga si Callie sa kahahanap.
Tawa ng tawa si Stella sa reaksyon ni Callie. "Gotcha! Sige na nga samahan na kita. Wait lang at magbibihis ako."
Umakyat si Stella papunta sa kwarto. Pagkapasok nya ay dumiretso sya sa closet at kumuha ng isang puting t-shirt at pantalong maong. Dali dali syang nagbihis at pinuntahan si Callie.
*****Mabilis silang nakabili ng regalo para kay Jesse. Naglalakad lakad silang dalawa ni Callie ng may mahagip ang mata nya.
"Si Adam yun ah." Bulong nya sa sarili habang nakatingin kay Adam na may kaakbay na babae. "Callie, yan din ba yung nakita mo?"
"Ibang babae ito. Kapal ng mukha ni Adam! Tara puntahan natin!" Aya ni Callie sa kanya.
"Wag na. Magmumukha lang akong kawawa." Tanggi nya.
"Pababayaan mo lang sya?" Tanong ni Callie.
"Sa ngayon lang naman. I'll talk to him sa bahay."
BINABASA MO ANG
That Secret Agent Is My Yaya
RomanceThe story after That Secret Agent is My Secret Love