Part 5

2.1K 58 0
                                    

Part 5

Nagising si Stella na masakit ang ibabang parte ng katawan nya. Naalala nya na may nangyari na sa kanila ni Adam. Napangiti sya sa naisip ng may biglang gumalaw sa kanyang tabi, pagtingin nya ay nakita nya si Adam na natutulog pa sa tabi nya.

Naalala naman nya ang mga pinaggagawa nila ng gabi. Bila syang namula sa naisip.

"You look cute when you're blushing, Stell." Biglang nagsalita si Adam at bigla sya nitong niyakap ng mahigpit.

"Heh! Tigilan mo ako. Let's go na sa baba. Gutom na ako." Reklamo nya kay Adam.

"I can always ask someone to bring us food here." Sabi pa nito.

Umiling si Stella kay Adam. "Nah, hindi porke't asawa mo na ako eh hindi na ako kikilos dito."

Binuhat sya ni Adam at dinala sa banyo. "Okay, sinabi mo eh. Maligo na tayo para makakain na."

****

Pagkatapos nilang maligo ay bumaba na sila para kumain. Pagkatapos nila ay may inabot na sobre si Adam kay Stella. Napatingin si Stella kay Adam at saka nya binuksan ang sobre. Nakita nya na may dalawang plane ticket na papuntang El Nido, Palawan.

"Palawan? Bakit?" Tanong nya kay Adam.

"Kasi diba nung honeymoon natin kasama natin ang buong barkada. This time I want to go somewhere na tayo lang dalawa." Paliwanag ni Adam.

"Kelan mo naman naisip ang byahe na eto?" Tanong nya kay Adam.

Natawa si Adam kay Stella. "After natin maglakad-lakad."

"Ano pa hinihintay natin? Tara na mag-pack ng dadalhin. I'm so excited. Hindi pa ko nakagala sa El Nido. Nung pumunta kami dun dati eh para sa trabaho." Hinila na ni Stella si Adam papunta sa kwarto nila.

*****
Umalis sila Adam at Stella pagkatapos nila maglunch.

Pagdating sa beach house nila Adam ay tuwang tuwa na napasugod si Stella sa buhanginan. "Ang ganda talaga dito!"

"Ipapasyal kita bukas, babe. We have all the time together." Niyakap ni Adam si Stella mula sa likod.

"Adam, totoo ba itong ginagawa natin? Baka mamaya mahulog ako ng tuluyan sayo pero hindi ka pala handa para saluhin ako."

"You just have to trust me, Stella. We've known each other since we're young. Kung meron man akong mga taong ayaw masaktan ay isa ka sa mga yon. We'll try to make it work ha, babe?"

Napatango na lang si Stella kay Adam. At hinila na sya ni Adam papasok ng beach house.

****

Isang linggo na sila Adam at Stella sa El Nido ng makatanggap si Stella ng tawag galing kay Eric. Pinapabalik na sya nito sa Manila dahil may naka-set silang mission kasama ang bagong member ng team na si Jelo.

"Adam, sorry dahil naputol ang bakasyon natin pero kailangan na ako ng team." Paghingi nya ng paumanhin ni Stella kay Adam.

"Okay lang, alam ko naman na kailangan ka ng team nyo. Tamang tama din kasi baka tambak na ang trabaho ko sa office." Sagot ni Adam.

"Anong oras ang alis natin?" Tanong ni Stella.

"After breakfast, yung chopper na gagamitin natin pauwi." Sagot ni Adam na nagpatuloy na sa pagkain ng almusal.

****

Pagdating nila ng Manila ay kinontak agad ni Stella si Eric. Pinapunta sya nito sa headquarters nila at binigay ang detalye ng susunod na mission. Nalaman nya na si Callie at Jelo ang mag-uundercover pero isa sya sa kasama ni Eric para sa paghuli sa pinuno ng sindikato. Ipapaubaya nila sa mga pulis ang pagsugpo sa mga galamay ng lider ng sindikato. May apat na araw si Callie at Jelo para alamin kung sino at nasaan ang lider.

Nasa ikatlong araw ni Callie at Jelo ng pag-uundercover ng malaman ng mga ito kung nasaan ang lider. Sinabihan na silang tatlo ni Eric na maghanda. Sya, si Ryan at Danny ang kasama ni Eric. Si Lindsay ang naiwan sa command center nila kagaya ng mga naunang misyon nila.

Sa tatlong araw na naging abala sya sa trabaho ay hindi sila nagkakausap ni Adam. Nahihiya sya sa asawa at napaka busy nya at nawalan sya ng oras dito.

"Stella, ready ka na?" Nadinig nyang tawag ni Eric sa kanya. Hindi sya dapat ma-distract. Nangyari na dati na na-distract sya dahil kay Adam at nadaplisan sya sa braso. Hindi na dapat maulit iyon.

"I'm ready. Position set!" Sagot nya kay Eric.

Sinugod na nila ang lungga ng sindikato. Sya at si Eric ang nagcover sa ground pero nasa paligid si Danny at Ryan na mga sniper ng team. Ng mahuli nila ang lider ay nagreport na si Eric sa chief nila para ipaubaya sa mga pulis.

Pagkatapos ng mission ay nagsibalik na sila sa headquarters para sa meeting. Ilang minuto pa ay pinauwi na sila para magpahinga.
Pagdating nya sa bahay ay wala pa si Adam. Inayos nya ang kwarto nila bago sya nagpahinga. Babawi sya dito...
Ilang minuto pa ay nakatulog na sya.
*****

Hindi nya namalayan ang oras, nagising sya sa katok ng isa sa kasam-bahay.

"Stella, nasa ibaba si Callie hinahanap ka." Tawag sa kanya.

"Sige po ate, pakisabi bababa na ako. Salamat." Magalang nyang sagot dito.

Naghilamos lang sya at bumaba na. Nakita nya agad ang nag-aalalang mukha ni Callie.

"Miss mo agad ako, Cal?" Biro nya dito.

"Medyo. Pero Stell, okay ka lang ba?"

"Ayos naman, bakit?" Kinakabahan sya sa pakikipagusap ni Callie.

"Sabi mo sakin inaayos nyo na ni Adam ang relasyon nyo diba. Ayaw ko sana sabihin sayo eh pero kailangan." Inabot ni Callie ang kamay nya. "Stella, nakita namin si Adam may ka-dinner. Hawak kamay pa sila. Nagdesisyon akong sabihin sayo para maging handa ka lagi. Okay di na kami magtatagal ni Jelo." Hinalikan sya ni Callie sa pisngi at umalis na ang mga ito.

Napabuntong hininga sya. Kaya pala okay lang dito na sobrang busy sya. Kailangan na nilang mag-usap.

That Secret Agent Is My YayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon