Part 3

2.3K 71 0
                                    

Part 3

Isang araw bago ang civil wedding ni Stella at Adam ay may dumating na bisita sa mansyon ng mga Tiu.

"Good evening, Mr.and Mrs.Tiu or should I say balae?" Bati ni Mr. Garcia sa mag-asawang Tiu. Ito ang ama ng babaeng gustong pumikot kay Adam, si Laura Garcia.

"Balae? Sa pagkakaalam ko matagal na akong may balae at sigurado akong hindi ikaw yun." Nakataas ang kilay na sagot ni Mrs. Tiu.

"Nagpunta kami dito para pag-usapan ang kasal ng mga bata." Prangkang sabi ni Mrs. Garcia.

"Kasal? Mga bata? Iisang lang ang anak namin at kasal na si Adam matagal na." Sagot ni Mr. Tiu.

"Paano ang anak ko! Pinakialaman ng anak mo!" Hirit pa ni Mr. Garcia.

Hindi nakatiis at sumingit na si Adam. "Excuse lang po pero wala po akong ginawa kay Laura. Nagtataka nga ako at paggising ko nasa condo na nya ako at kumpleto kayo! Kung hindi ba naman talaga isang malaking set up."

"Panagutan mo ang anak ko!" Galit na sigaw ni Mr. Garcia.

"Hindi pwede ang gusto mong mangyari. Meet my daughter in law. Five years na silang kasal ni Adam." Pakilala ni Mr. Tiu kay Stella na nakaupo lang sa isang tabi.

Natawa ng palihim si Stella sa ginawang kasinungalingan ng daddy ni Adam.

Biglang tumayo si Mr. Garcia at ang pamilya nito. "Tandaan nyo ang araw na ito!" Binalingan nito si Stella. "Mag-iingat ka..." Yun lang at lumabas na ito sa mansyon ng mga Tui kasunod ang pamilya nito.

"Pinagbantaan ka pa, Stell!" Nakangising sabi ni Adam.

"Stella, iha dapat lagi kang mag-iingat ha. Kumuha kaya tayo ng bodyguard para sayo?" Suhestyon ni Mrs. Tiu. Wala itong kaalam-alam sa kakayahan ni Stella.

Ngumiti ng makahulugan si Mr. Tiu kay Stella. "Don't worry, kami ng bahala nila Stella at Adam about sa bodyguards, okay?" Si Mr. Tiu ang pinakamalaking sponsor ng secret group ng gobyerno na kinabibilangan nila Stella kaya alam nito na hindi kailangan ni Stella ang bodyguards. "Paano mga bata magpapahinga muna kami ng mommy nyo. Nakaka-stress ang mga unwanted visitors natin."
*****

Nairaos ng matiwasay ang kasal ni Adam at Stella.

Dahil ang kasal nila ay hindi matatawag na normal ay napagkasunduan nilang gawing outing ng buong barkada ang honeymoon nila.

"Ready na ba lahat?" Tanong ni Adam.

"Ui excited sa honeymoon!" Kantyaw ni Jesse kay Adam.

Binatukan ni Stella si Jesse. "Asa naman!"

"Mrs. Tiu naman! I'm just kidding." Natatawang inakbayan ni Jesse si Stella. "I'm excited! I'm planning to get some hot summer fling!"

"Jesse, utang na loob! Keep it to yourself!" Reklamo ni Natalia sa kakambal. "Asan na ba si Callie? Sya na lang kulang ah!"

"I'm trying to call her but she's not answering her phone." Iritableng sagot ni Eric.

Ng biglang may nagpark na sasakyan sa harap ng mansyon ng mga Tiu. Maya-maya pa ay nakita nilang bumaba si Callie kasunod ang isang lalaki. Tinulungan nito si Callie sa luggage nito.

"Hey guys, sorry late ako." Hingi nito ng paumanhin sa mga kaibigan. "Guys meet Angelo, anak ng stepmom ko. That makes him my step brother!"

"Hello!" Sabay sabay nilang bati dito.

"Nice to meet you all." Ganting bati nito.

"Angelo, would you like to join us sa bakasyon namin?" Yaya ni Stella.

"Oo nga, Jelo. Para naman may mapuntahan ka sa bakasyon mo dito sa Pinas." Pangungulit ni Callie dito.

"Well, kung okay lang sa inyo I'll gladly tag along." Nahihiyang turan nito.

******

Nakarating sila sa resthouse na pag-aari ng nga Tiu bago magtanghalian.

"Mga tol, bahala na kayo sa pagpili ng gagamitin nyong kwarto ha." Sabi ni Adam sa mga kaibigan.

"Share na lang kami ni Jesse ng kwarto." Sagot agad ni Eric.

"Yes! Sa kwarto ko si Lindsay." Hirit naman ni Danny.

Hinila agad ni Jesse si Lindsay papunta sa pagitan nila ni Eric. "Dude baka nananaginip ka, same room kaming magkakapatid. Oo, pati si Natalia kasama namin."

"Busted!" Pang-aasar ni Lindsay sa boyfriend.

Nagkanya kanya na ng pagpunta sa mga kwarto ang magkakaibigan.

"Adam, okay ka lang?" Tanong ni Stella sa hindi mapakaling si Adam.

"Oo naman."

"Wag mo nga akong lokohin, para kang di mapaanak ng pusa eh!"

Natawa si Adam kay Stella. "Pusa talaga!? Nahihiya kasi ako sayo kasi nga napasubo ka sa sitwasyon."

"Ngayon ka pa talaga nahiya na kasal na tayo!? Umayos ka nga. Andito na to, ano pa ba magagawa natin?" Saway ni Stella Kay Adam.

"Salamat talaga ha Stella." Niyakap ni Adam si Stella. "So... Honeymoon natin ngayon..."

Hinampas ni Stella same braso si Adam. "Asa much! We need to talk about that at marami pa."

"Pwede after na lang nitong bakasyon natin?"

"Oo na nga lang!"

That Secret Agent Is My YayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon