Return 1

2K 62 1
                                    

Part 1

Nakita ni Stella si Adam sa kasal ni Valerie at Ryan. Kasama eto ng iba pa nilang kaibigan nilang lalaki. Hindi pa sya nakikita nito dahil nasa loob pa sya ng bridal car kasama si Valerie.

Ng bumaba sila ay pumunta na sya sa pwesto ng mga abay. Napalingon si Adam sa side nya at nanlaki ang mata nito pagkakita sa kanya. Ngumiti sya dito at kumaway. Napangiti din ito sa kanya.
****

Ng matapos ng kasal ay nagsilipat na sila sa reception. May isang lamesa na para talaga sa kanilang magkakaibigan. Nag-umpisa ang program para sa ikinasal habang kumakain ang lahat at ng matapos ay may mga nagsipagsayaw pa. Habang busy ang ibang mga bisita ay nakaupo lang si Stella lumapit si Adam sa kanya.

"Stell, kumusta na?" Nahihiyang bati nito sa kanya.

"Okay naman, ikaw kumusta na?" Civil na sagot nya.

"Ayos lang naman, nakakatuwa diba? Imagine si Val at Ryan pala magkakatuluyan." Kwento ni Adam.

"Oo nga eh. Si Danny at Lindsay kaya kelan naman?" Natatawang tanong ni Stella.

Natawa din si Adam sa tanong nya. "Ewan lang kung kelan papayag si Eric at Jesse."

Bago pa nakasagot ulit si Stella ay narinig nyang tinatawag sya ni Jesse kaya napalingon sya. Nakita nyang papalapit si Jesse sa kanila habang karga nito si Ethan.

"Stell, nasan ang diaper bag? Nappy change na kami." Sabi pa ni Jesse bago eto lumingon kay Adam. "Tol."

"Na kay Nanay ang bag, may damit din sya pangpalit na nakaready." Paliwanag ni Stella bago bumaling kay Adam. "Uhm Adam, meet Ethan."

Dinugtungan agad ni Jesse ang sinabi ni Stella. "Ethan Ryder Buenavista."

"May anak ka na Jesse?" Naguguluhang tanong ni Adam sa kaibigan.

Bago pa nakasagot si Stella at Jesse ay lumapit si Callie sa kanila.

"Ay may reunion?" Sabi ni Callie bago hinarap si Ethan. "Hello there my poging pamangkin. Sama ka sakin dali, iwan natin ang mommy at daddy mo." Kinuha nito kay Jesse si Ethan at iniwan silang tatlo.

"Ikaw ang mommy ng baby?" Naguguluhang tanong ni Adam kay Stella. "Si Jesse ang daddy.?" Unti unting umatras si Adam hanggang sa tuluyan na itong tumalikod at naglakad palayo.

"Baliw talaga si Callie!" Natatawang sabi ni Jesse.

Napailing na lang si Stella at kumapit sa braso ni Jesse. "Hayaan na muna natin si Adam kung ano ang iniisip nya. Nasan na si Ethan, kala ko ba nappy change?"

"Tara huntingin si Callie."

******

Hindi makapaniwala si Adam sa narinig, anak ni Stella at Jesse ang bata kanina. "Kelan pa naging sila? Bakit walang nagsasabi sakin?"

Naalala nya ang itsura ni Stella kanina. Ang laki ng pinagbago nito, lalo itong gumanda at medyo nagkalaman din ang katawan. Siguro gawa ng motherhood, bumagay dito ang pagiging isang ina.

Kanina ng nilapitan nya ito ay balak nyang humingi ulit ng tawad at sabihin kung pwede silang mag-umpisa ulit. Pero sa nakita at narinig nya kanina ay nag-alangan sya. Ayaw nyang guluhin ang relasyon nito at ni Jesse. Sa grabeng sakit na binigay nya kay Stella ay wala syang karapatang guluhin pa ang buhay nito.

That Secret Agent Is My YayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon