Part 7

2K 63 1
                                    

Part 7

Isang araw bago ang party ni Jesse at Natalia ay tinext ni Stella ang mga kaibigang babae na magkita sila sa Sweet Surrender. Kailangan nya ng advice ng mga kaibigan. Hindi pa din nya nagawang kausapin si Adam.

Habang nakaupo sa usual table nila ay nilapitan sya ni Natalia at hinainan ng cookies and cream flavored ice cream at chocolate cake.

"Girl feel ko na need mo ng mga yan. You looked down." Sabi ni Natalia.

Bago pa nakasagot si Stella ay nakita nila si Callie at Valerie na papalapit na sa lamesa nila.

Niyakap sya agad ni Callie. "Meeting ng mga girls?"

"Sort of. Alam mo naman diba ang problema ko." Explain ni Stella. "Hi, Valerie."

"What's wrong bff? Parang pasan mo ang lovelife ni Callie ah." Biro ni Valerie.

"Start na tayo?" Tanong ni Natalia.

"Wala pa si Lindsay, intayin na natin." Sagot ni Stella.

"Hey, girls! Late na ba ako?" Bati ng kadarating lang na si Lindsay na may kabuntot.

"Diba ang text ko girls lang? Bakit nandito ka ha, Danny!? Clingy much?" Pang-aasar ni Stella kay Danny.

"All girls ba? Teka!" Bumaling si Danny kay Lindsay. "Babe, pahiram ng lipstick."

Kahit nagtataka ay inabutan ng lipstick ni Lindsay si Danny. Natawa silang magkakabarkada ng maglagay si Danny ng lipstick . "Ayan girl na din ako. Pwede na makijoin?"

"Danny, utang na loob umuwi ka muna. Balikan mo na lang si Lindsay mamaya." Natatawang sabi ni Stella kay Danny.

"Sige na nga iwan ko na muna kayo." Bumaling ito kay Lindsay at binigyan ito ng smack sa labi. "See yah later, babe."

Ng maiwan na silang puro babae ay nag-open na si stella sa mga kaibigan sa problema nya kay Adam.

"He's such a jerk!" Galit na sabi ni Valerie.

"Anong plano mo?" Tanong naman ni Lindsay.

Napabuntong hininga si Stella bago sumagot. "Hindi ko alam. Actually ilang araw ko na sya gustong kausapin pero wala lagi sa timing."

"Girl, kailangan mo na syang diretsuhin. Hindi pwedeng timing ang intayin mo. Ano ka reserba nya pag wala syang babae?" Gigil na sabi ni Natalia.

"After ng party I'll talk to him, sa ayaw at gusto nya."

"That's the right thing to do!" Sabi naman ni Callie bago bumaling kay Natalia. "Nat, I heard madalas dito si Jelo ah!?"

"Ha!? Oo!? Minsan!?" Magulong sagot ni Natalia.

"Nat, Oo, hindi at pwede lang ang pwedeng isagot!" Patay malisyang pang-aasar ni Valerie. "What!? Akala ko kasi pinoy henyo nilalaro ni Natalia eh!"

Pabirong sinabunutan ni Natalia si Valerie. "Bruha ka talaga! Oo na madalas tumambay si Jelo after work. Sobrang stressed daw sya sa training kaya he needs some dessert to chill."

"At nandito ka din lagi?" Intriga ni Callie.

"Malamang, gaga! Kanino ba etong bakeshop? Diba akin?"

"Defensive, ate?" Nakisali si Lindsay sa pang-aasar.

"Teka nga, bakit ako nakita nyo eh si Stella ang reason ng girls meeting na eto?" Turo ni Natalia kay Stella.

"Eh settled na plano ko. Maybe need ko lang talaga opinions nyo kaya ako nagpatawag ng meeting." Paliwanag ni Stella.

"So that means uwian na?" Tanong ni Lindsay.

That Secret Agent Is My YayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon