Part 8
Nakausap ni Stella ang chief nila at si Eric at tinanggap na nya ang matagal ng ino-offer sa kanya na training/mission sa ibang bansa.
Kahit ayaw ni Eric ay tinanggap nito ng maluwag ang desisyon ni Stella. Mabilis na naisaayos ang mga dokumentong kakailanganin nya. Naka set ang flight nya papuntang Germany sa loob ng dalawang araw. Sa Germany mag-uumpisa ang advance training nya pagkatapos ng dalawang buwan ay lilipat sya ng Switzerland para ipagpatuloy ang training.
Nakita nyang palapit si Eric sa kanya.
"Hi. Sorry sa gagawin kong pang-iiwan sa inyo ha." Nakayukong sabi nya dito.
Niyakap sya nito ng mahigpit. "I know you need to get away from everything." Hinagod pa nito ang buhok nya. "Pagnakarecover na ulit yang puso mo at tapos na ang training eh welcome ka pa din naman sa team at syempre sa tropa."
Napaiyak si Stella sa sinabi ni Eric. "Kailangan ko na ding magsabi sa iba, hindi ko alam kung kailan ulit ang balik ko. Mamaya sa Sweet Surrender tayo. Kung kaya nyong dalhin si Adam pakisama sya. Gusto kong umalis na walang iniiwang gusot. Mainam pa na tapusin na namin ito ng maayos."
"Kaya mo ba syang harapin?" Nag-aalalang tanong ni Eric.
"Kakayanin." Matapang nyang sagot dito.
******
Tinawagan ni Stella si Jesse para magpasama bumili ng hapunan para sa kanilang magbabarkada. Habang nasa sasakyan ay pasimple syang tinitignan ni Jesse.
"Knock it off!" Kunwari ay galit na sita nya dito.
"Ang weird kasi, broken hearted ka pero pinatawag mo kaming lahat para makasama magdinner. I was expecting na magmumukmok ka lang."
Napabuntong hininga sya. "Since dati tayong magpartner at syempre best buddies na din aaminin ko na sayo ang reason ng dinner... I'm leaving in two days."
"What do you mean!?"
"Technically training ang gagawin ko, pero at the same time, to mend my broken heart."
"Pero Stell... If ever naman madali ka lang mapupuntahan diba?"
"I'm not so sure, I'm going to Germany then Switzerland." Paliwanag nya kay Jesse.
"For how long? Ang layo naman!" Reklamo nito.
"How long, hindi ko din alam eh. A year or two siguro."
Napamura si Jesse. "Babanatan ko ulit yung Adam na yun eh!"
"Jess wag na. Invited ko si Adam sa dinner."
"Bakit mo pa pinapunta!? Baka makapatay ako, Stell!"
"Jess try to be civil mamaya. Do it for me. May reason kaya ko sya pinapunta. Makikipaghiwalay ako ng maayos. I want to ask him for annulment."
"I'll try, no promises."
Saka lang nya napuna na kanina pa pala naka-park ang sasakyan sa harap ng Sweet Surrender. Mula sa labas ay kita nila na kumpleto na sa loob ang mga kaibigan.
Lumabas na si Jesse ng sasakyan at umikot papunta sa side nya at inalalayan sya nitong bumaba ng sasakyan. Pinagtulungan nilang bitbitin ang mga pagkaing binili nila.
Pagpasok sa pinto ay sumalubong si Ryan para tulungan sya sa dala nya.
Nahagip ng mata nya si Adam na nakaupo sa pagitan ni Eric at Danny.
"Hello, gutom na kayo?" Bati nya sa mga eto.
"Anong meron at nanlibre ka?" Tanong ni Valerie.
"Dapat ako manlilibre kaso si Jesse di pumayag na ako magbabayad." Paliwanag nya.
"So ano ngang meron?" Kulit ni Lindsay.
"Kain muna tayo." Pambibitin nya sa mga kaibigan.
After ng dinner ay naglabas si Natalia ng dessert at coffee para sa kanilang magkakaibigan.
"Guys, I'm leaving in two days papuntang Germany." Pag aanounce ni Stella sa mga kaibigan. "Kaya ako nagyaya ng dinner, farewell dinner kumbaga." Biro ni Stella sa mga kaibigan.
Isa-isa syang sinugod ng yakap ng mga ito. Ng makawala sa mga ito ay nilapitan nya si Adam.
"Pwede ba tayong mag-usap." Tanong nya dito.
"Sige." Sang-ayon nito at lumipat sa isang lamesa na medyo malayo sa mga kaibigan.
"Stell, sorry sa mga ginawa ko. I can't give any excuses cause I don't want to. Inaamin ko na malaki ang kasalanan ko. I won't ask you to come back kasi sa totoo lang eh naguguluhan ako. Hindi ko alam kung ano talaga ang gusto ko." Mahabang paliwanag ni Adam.
"I don't want your apology, Adam. Alam ko sa sarili ko mapapatawad din kita at makakalimutan." Nag-umpisang tumulo ang luha ni Stella habang nagpapaliwanag kay Adam. "I just want to start a new life without you." Hinubad ni Stella ang wedding ring nila ni Adam at iniabot ito sa huli. "Give me back my freedom, Adam. Siguro pagbalik ko pwede na ulit tayong maging magkaibigan katulad ng dati. Pero sa ngayon mas mainam na pakawalan na natin ang isa't-isa para wala ng nasasaktan pa. I want an annulment please." Umiiyak na sabi pa nya.
Natigilan si Adam sa hinihingi ni Stella, annulment. Naisip nya bigla na wala syang karapatang tumanggi sa hinihingi nito pagkatapos ng mga ginawa nya. "Sige, I'll call my lawyer. Bukas I'll send you the documents that we need to sign. How can I reach you para masabi ko ang resulta?""Kay Eric or Callie. Pwede din kay Jesse."
"Can I hug you one last time?" Tanong ni Adam.
Tumango si Stella.
"I'm really sorry. Goodluck." Bulong nito habang yakap sya.
Kumalas na sya sa pagkakayakap sa kanya ni Adam. "Tara balik na tayo sa kanila." Yaya nya dito.
******A/N
Hihinto ko po muna ang story ni Adam at Stella kasi magmomove muna ako sa story ni Nat at Jelo. Sadya kong ibibitin si Adam at Stella, I'll continue sa story nila pagbalik ni Stella ng Pilipinas. Sa ngayon po let's move muna sa next couple.Thanks!
BINABASA MO ANG
That Secret Agent Is My Yaya
RomanceThe story after That Secret Agent is My Secret Love