Part 1

3.5K 104 1
                                    

Part 1

Bahagyang nailagan ni Stella ang bala ng baril ng isa sa russians. Kung hindi sana lumilipad ang isip nya ay hindi nya aabutin ang ganito. Naramdaman nya ang sakit sa braso nya, nadaplisan sya.

"Leche ka, Adam! Kasalanan mo lahat to!" Galit nyang pinagbabaril ang russian. Ng makita nyang bumagsak na ito ay sumigaw sya. "All clear!"

Hinanap ng mata nya si Callie. Ng makita nya ito ay dali-dali nya itong pinuntahan.

"Stell, okay ka lang? May tama ka girl!" Nag-aalalang sabi ni Callie.

"Wala to, just a graze."

"Himala na daplisan ka!" Natatawang turan ni Callie.

Napabuntong hininga si Stella ng maalala kung bakit sya wala sa sarili kanina. "Mabilis lang talaga galaw nung impaktong russian na yun. Nakaswerte sakin."

Nakita nilang papunta si Danny sa pwesto nila, buhat nito si Lindsay. Nawala na sa isip nya ang kanina nya pa problema.

*****

After ng meeting nila sa headquarters ay kinausap inimbitahan silang lahat ni Eric na magdinner sa bahay ng mga ito. Nagkanya kanya na sila ng labas pagkatapos ng meeting.

"Stell, uuwi ka na?" Nadinig nyang tanong ni Callie.

"Yep! Alam mo naman may trabaho pa ko."

"Sabay na tayo para di ka na magcommute." Yaya ni Callie sa kanya.

"Thanks, girl. Makakabili din ako ng sarili kong sasakyan. Malapit na yung ipon ko eh."

"It's nothing really, same area naman tayo." Callie flips her hair. "You know pwede naman kita pahiramin kung magkano pa kulang mo sa pambili eh. Malaki na yung perang binibigay sakin ni dad monthly. Nasa bank lang kasi I have my own income na naman." Ang daddy ni Callie ay may-ari ng mga kilalang company sa Australia at Southeast Asia.

"Yaman! Pero no kidding, Cal. Thanks pero okay lang. Mga 2 to 3 months na lang ay sakto na ang ipon ko. Tiis ganda muna." Natatawang tanggi nya dito.

"Basta if you need help, just holler, 'kay?"

"Oo naman."

*****
Pagdating nya sa mansion ng mga Tiu ay dumiretso sya sa bahay nila na nasa loob ng bakuran ng mga Tiu. Nagbihis lang sya at dumiretso sa kwarto ni Adam. Dirediretso syang pumasok ng hindi kumakatok. Naabutan nya si Adam na kalalabas lang ng banyo at walang ibang saplot kundi ang tuwalyang naka palibot sa ibabang bahagi ng katawan nito.

"Stell!!! Anong ginagawa mo dito?" Natatarantang tanong ni Adam.

"Malamang aasikasuhin ka! Bilis magbihis ka na nga!" Nakatakip ang matang sigaw nya dito.

Dinampot ni Adam ang mga damit at nagbihis sa banyo. Ng lumabas ito ay naka cargo shorts at t-shirt na ito.

"Adam, we need to talk." Sabi nya dito.

"I know."

"About sa kasal, umurong ka na lang please." Pakiusap nya dito.

"I can't, Stella. Mapipikot ako ng pamilyang yun alam mo yan." Tanggi nito. "At least sayo man ako makasal tiwala ako sayo at magkaibigan tayo."

"Kasi naman eh! Napakalikot mong lalaki ka!" Pinaghahampas nya si Adam.

"Uy! Aray! Aray!" Hinawakan nito ang mga braso nya para mapigilan. "Hindi ko pinatos  yun ha! Nasa Oasis ako at umiinom basta nagising ako nasa kama ako ng babae yun. At masaklap biglang dumating yung parents at kuya nya. Kung hindi ba naman halatang set up."

"Ako tuloy ang mapapahamak!" Protesta nya.

"Ganun ba kasaklap para sayo ang makasal sakin ha?" Mahinang tanong ni Adam.

Hindi nakasagot si Stella. Napaiyak na lang sya.

Sinugpd sya ng yakap ni Adam para aluin. "Sorry, Stell. Pero mas okay ng sayo ako makasal kesa sa babaeng yun."

"I hate you, Adam." Bulong nya sa pagitan ng pag-iyak. "Paano na lang si Dave...?"

"Dave? May boyfriend ka na?" Nabibiglang tanong ni Adam.

"Uhmm... Well, di ko pa sya boyfriend. Gusto ko sya. Kasamahan namin sa trabaho."

"Nanliligaw ba sayo?"

"Hindi eh..." mahina nyang tugon.

"Hindi naman pala eh, di sakin ka magpapakasal!" Sigaw ni Adam bago ito lumabas ng kwarto nito.

That Secret Agent Is My YayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon