Part 2

3.1K 70 0
                                    

Hindi makapaniwala si Stella sa ginawa ni Adam na pagsasabi sa mga kaibigan nila about sa kasal. Hindi pa sya handa na sabihin sa mga kaibigan nila. Hindi pa nga sya sigurado na magpapakasal sya dito!

Naramdaman nyang nag-vibrate ang phone nya, may text sya galing kay Callie.

(Callie: Girl, okay ka lang? What happened?)

Sakto si Callie, kailangan nya ng makakausap. Dali-dali syang nagreply dito.

(Stella: Girl nasa Oasis ako. Gora ka dito I need someone to talk to eh.)

(Callie: Wait mo ko dyan. Be there soon.)

Pagkabasa ng reply ni Callie ay hinarap ni Stella ang inorder nyang inumin.

"Hey, Flores!" Tawag sa kanya ng isang pamilyar na boses. Paglingon nya para makita kung sino ang tumawag sa kanya ay nakita nya si Dave.

Pwede kaya mahimatay kahit isang minuto lang? Tanong ng isip nya.

"Dave! Kumusta?" Bati nya dito.

"Ayos lang, Stella." Lumingon ito na parang may hinahanap. "Solo ka?"

Umiling sya. "On the way na si Callie, saka biglaan lang naman ang pagpunta ko dito. Ikaw, sino kasama mo?"

"Mga pinsan ko, nandun sa kabilang side. Wanna join us?" Aya pa nito sa kanya.

"Maybe later, hihintayin ko muna si Callie." Natanaw nya si Jesse na sumesenyas na lalapit ito. "Saka yung kaibigan ko papunta na dito." Tinuroni Stella si Jesse kay Dave.

"Jeez! Kaibigan mo ang may-ari nitong Oasis? That's so cool!" Amaze na sabi nitokay Stella.

"Yup, friend ko nga. Actually barkada. Kapatid ni Eric at Lindsay ang may-ari nitong Oasis."

"Ayos ah! Anyway if ready ka na magjoin samin or kayo ni Callie don't feel shy na lumapit ha." Humalik ito sa pisngi ni Stella. "Nice to see you, Stella."

Iyon lang at umalis na ito at iniwan ang natulalang si Stella. Ng biglang may umakbay sa kanya.

"Sino yun? Grabe pamumula mo, Stell." Tanong ni Jesse sa kanya.

"Kasamahan namin. Mainit dito! Nagtitipid sa aircon ang may-ari? Kuripot!"

Bigla syang inipit ni Jesse sa braso nito. "Yeah, right! Mainit my ass!"

"Jesse!" Saway nya dito. "Ayan na pala si Callie. Wanna join us your royal hotness?" Aya nya dito.

"Maybe after ng mga trabahong natambak sa office." Alanganing ngiti nito bago sinalubong si Callie. "Hello, Mrs. Buenavista!" Kinindatan pa nito ang bagong dating na si Callie.

"Hello there, royal hotness." Bumeso pa si Callie kay Jesse at Stella. "Hey, Stella!"

"Wow ha, Mrs. Buenavista talaga!? Pagkaharap si Eric plain na Callie lang!" Pang-aasar ni Stella kay Callie.

"Pagbigyan mo na ko!" Tumatawang sabi ni Callie bago nito hinarap si Jesse. "Brother in law, hindi ka yata busy?"

"As a matter of fact, I'm very busy kaya lang I don't want to leave Stella alone dito sa bar." Inakbayan pa nito si Stella. "Kaya iiwan ko na din kayong dalawa dito. Order lang kayo kung ano ang gusto nyo ha."

"Thanks, Jesse. We'll see you in a bit." Paalam ni Stella.

"Stell, what happened kanina?" Tanong ni Callie.

Napailing si Stella bago sinagot si Callie. "Yes it's true. Ikakasal na kami ni Adam. Mapipikot si Adam paghindi ko sya pinakasalan."

"Bakit?" Nalilitong tanong ni Callie.

That Secret Agent Is My YayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon