PROLOGUE
I woke up with the biggest smile on my face. I can't believe I get to marry the love of my life tomorrow. Sa lahat ng pinagdaanan namin, sinong magaakala na magtatagpo pa rin pala kami sa wakas?
Napahawak ako sa tyan ko. Hindi pa man halata ang umbok niyon ay ramdam ko na ang buhay na naroon. Hindi pa namin alam ni Donny ang kasarian ng anak namin at mas pinili na lang namin na 'wag na munang alamin. Currently, only the doctor knows the gender and it will stay that way until I give birth. We wanted it to be a surprise.
Tinignan ko ang cellphone at kumunot ang noo ko nang makitang wala pang text si Donny roon. Kagabi ginanap ang bridal shower ko at sa kanya naman ay bachelor's party. Sila Gello ang kasama niya at siguro tulog pa ang mga 'yon.
"Oh, ano? Gutom ka?" Salubong sa'kin ni Criza nang lumabas ako ng kwarto. Sa isang resort kami ng Batangas nag check in para mag celebrate. Sila lang ang uminom habang ako naman ay nabusog na lang sa chikan nila.
"Nagluto ka ba?" Tanong ko at naupo sa mesang naroon.
Ngumisi siya. "Oo. Para sa buntis." Sabi niya at nilapag ang plato sa harap ko. "Tulog pa sila Kaori. Bumangon ako ng maaga dahil naisip kong baka magutom ka pagkagising. Ipinagluto ko na rin sila para mamaya."
"Salamat." Ngumiti ako.
"Susunduin ka raw ba ni Donny?" Tanong niya at napatingin naman ako sa cellphone ko.
Wala pa ring text galing sa kanya.
"Hindi naman kami pwedeng magkita." Pairap kong sabi. "Bukas ang kasal."
"Oo nga pala." Sabi ko. "Ako na lang maghahatid sa'yo pauwi. Roon rin naman ako matutulog sa inyo eh."
Hindi na lang ako nakipagtalo dahil mas maganda nga naman kung ganon ang gagawin namin. Criza is my maid of honor kaya roon siya makikitulog sa'min. She'll be assisting me with all the preparations for tomorrow.
"Hindi ka susunduin ni Rhys?" Tanong ko kay Kaori nang marinig na kausap niya ang driver niya kanina. Nauna na ring umalis si Ashley at hindi rin si Gello ang sumundo.
"Hindi eh." Sabi niya at itinago na ang cellphone. "Hindi nga macontact."
Kumunot ang noo ko.
"Hindi ba magkakasama sila nila Donny?" Tanong ko at tumango naman siya.
"Kaya nga. Nakausap mo na ba si Donny?"
Umiling ako. "Hindi pa."
"Baka mga pagod lang." Sabi niya. "Anyway, see you sa wedding bukas! Mag-beauty rest ka!" Nakangiting sabi niya. "Narito na ang driver ko. Ingat kayo ah!" Paalam niya sa'min ni Criza bago umalis.
Hindi nagtagal ay umalis na rin kami ni Criza at umuwi sa bahay. Nakakapagtaka lang dahil hanggang sa sumapit na ang gabi ay wala pa rin akong natatanggap na text mula kay Donny.
"Kanina ka pa tingin ng tingin sa cellphone mo. Hindi naman mawawala 'yan." Sabi ni Criza nang makapasok sa kwarto ko.
"Hindi pa kasi tumatawag si Donny." Nababahalang sabi ko. This is so unusual of him. "Baka mamaya kung ano nang ginagawa non ah." Inis na sabi ko.
"Ano ka ba? Ikakasal na kayo bukas pero pinaghihinalaan mo pa siya?" Natawa siya. "Tingin mo ba mangbababae pa siya?"
Kumunot ang noo ko.
"Ako na lang kaya ang tumawag?" Sabi ko pero mabilis niyang kinuha ang cellphone ko.
"Para kang tanga." Sabi niya at inilagay ang cellphone ko sa side table na naroon. "Malapit na akong magtampo sa'yo!"
BINABASA MO ANG
The Perfect Storm (Perfect Duology Season 2)
Romance"We could have been happy - I know that. And it is perhaps the hardest thing to know."