Chapter 32

3K 144 167
                                    

Endless

DONNY

It was the end for me. Seeing her in my arms — almost lifeless, was the end for me. We've been through a whole lot, but I never thought we'd end up this way.

Belle is brave, I know. Not even death could scare her especially when it's her family at stake. Handang isakripisyo ang sarili para sa mga minamahal.

I know it might sound selfish... Pero, paano naman ako? Lagi siyang handa na isakripisyo ang sariling buhay para sa iba, pero hindi niya kailanman naisip kung anong mararamdaman ng mga taong maiiwan niya. Ang pamilya niya, ang mga anak namin... Ako.

I always look strong on the exterior, pero pagdating sa kanya ay mahina ako. The reason why I am able to pull myself together is her. Because at the end of my everyday, I know I get to go home to her. Na mayroon akong katulad niya na naghihintay sa bawat pag-uwi ko... At ganon rin ako sa kanya.

Siya ang pahinga ko, kaya paano na ngayon kung mawawala siya? Ano pa ang magiging saysay ng lahat ng ipinaglaban namin kung mawawala siya?

Napalingon ako nang makarinig ng ingay mula sa likuran ko. I turned only to see Harvey angling his gun towards me. He missed the first time kaya ngayon ay susubok siya ulit.

Gamit ang isang kamay ay inabot ko ang baril at itinutok 'yon sa kanya. I was so ready to pull the trigger when he suddenly collapsed. He fell face flat on the floor. Sa ulo tumama ang bala kaya agad itong binawian ng buhay.

Gulat akong napalingon sa likod niya at nakita na si Mikki ang bumaril. 

"You traitor!" Sigaw ni Chelsea.

From the corner of my eye, I saw Tito Arthur move a bit. Nakita kong aamba siyang sasaksakin na si Archer kaya walang pagaalinlangan kong binaril ang kamay niya. Tumilapon agad ang hawak nitong patalim. Napasigaw siya at sumubok pa ulit na gumalaw pero bago pa niya magawa ay binaril ko na ang magkabila niyang tuhod.

He fell on the floor, at tuluyan nang hindi nakabangon.

"Dad!" Sigaw ni Chelsea at lalapit na sana kung hindi lang humarang si Trish.

Gamit ang baril ay hinampas nito ang mukha ni Chelsea. Hindi na siya nakapalag lalo pa nang hawakan na siya ng mga pulis at hilahin palayo. Bea, on the other hand, still tried to escape and even screamed like a lunatic.

"Bitawan niyo 'ko! Bitawan niyo 'ko!" Paulit ulit nitong sigaw na umalingawngaw sa buong lugar. "Mikki, anong ibig sabihin nito?!"

"Isa lang naman ang ibig sabihin ng lahat ng 'to." Humakbang si Trish palapit sa kanya. "Mali kayo ng taong pinagkatiwalaan." She said, "Anong pakiramdam?" Ngumisi siya, "How does it feel to be betrayed by the people you trusted the most?"

Imbes na sumagot ay sinubukang humakbang ni Bea palapit para saktan si Trish pero masyadong mahigpit ang hawak ng mga pulis sa kanya.

"Ngayon, sisiguraduhin kong mabubulok kayong lahat sa kulungan!" Trish shouted.

"I'd rather die than to get stuck in that hellhole again!" Sigaw ni Bea, pilit pa ring kumakawala sa hawak ng mga pulis.

Nagulat siya nang biglang ikasa ni Trish ang baril at idinikit sa noo niya. Bigla ay hindi na siya makagalaw.

"Okay." Tipid na sabi ni Trish at mas lalong idiniin roon ang baril. "Madali lang naman ako kausap."

"Trish." Pigil agad ni Mikki bago pa man ituloy ni Trish ang dapat na gagawin. "Let the police deal with them." Aniya at ibinaba na ang kamay ni Trish nang makalapit rito. "Hulihin na ang mga 'yan." Utos niya sa mga pulis na agad namang kumilos.

The Perfect Storm (Perfect Duology Season 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon