BELLE
"Ano bang nangyayari sa'yo? Namumutla ka!" Sabi ni Criza nang mapansing kanina pa ako walang imik sa may counter.
Matapos ang hindi inaasahang pagkikita namin ni Donny ay nagmadali akong pumunta sa shop. Mula non ay hindi na ako nakaimik ng maayos. Hindi ako makapagisip ng maayos... My head is filled with so much questions.
He has a daughter?
Napatingin ako kay Criza na ngayon ay mukhang nagaalala na sa inaasta ko.
"Alam mo na ba 'to?" I asked. My tone was slightly accusing.
Naguluhan naman siya. "Ha? Ang alin?"
"Na may anak na si Donny?" Tanong ko at agad naman siyang natigilan. The shock on her face was enough to confirm that she knows about it. "Jasmine..." I said — my voice laced with so much disgust.
"Nagkita kayo ni Donny?" Gulat na tanong niya.
"Unfortunately." Mapait na sabi ko. "Nakita ko rin ang anak niya." Kumunot ang noo ko nang maalala kung paano ako kausapin ng batang 'yon.
"Sorry... Hindi ko nabanggit sa'yo. Akala ko kasi hindi na kayo magkikita. I didn't think it mattered." Pagpapaliwanag niya.
Tama siya.
It shouldn't matter to me. Ano naman ngayon kung may anak siya?
Pero sa kabilang banda... His daughter looks like she's the same age as my son. Hindi ako pwedeng magkamali — magkaedad sila. At kung totoo nga 'yon, ibig sabihin...
"He cheated on me." Wala sa sariling usal ko at natigilan naman si Criza. Tumingin ako sa kanya. "That bastard... He cheated on me!" I was so sure of it this time.
"Kilala mo ba ang ina ng batang 'yon?" Tanong ko at hindi naman siya kaagad nakasagot. "Sino?" I asked again, but she was still hesitant to answer. "Sino!"
"Si Chelsea." Mabilis na sagot niya at agad napakagat sa labi nang makita ang naging reaksyon ko.
"Si Chelsea?" Halos ibulong ko 'yon... Hindi makapaniwala sa narinig. "Kay Chelsea niya ako pinagpalit?" May pangaakusa sa tono ko. "Ang hayop na 'yon!"
"Hoy! Kumalma ka muna!" Pigil sa'kin ni Criza at nilibot ang paningin sa mga taong napapatingin na sa'min.
Umirap ako. Wala akong pakialam.
"Nagkita kayo ng anak niya?" Hindi makapaniwalang tanong niya pa ulit kahit nasabi ko na kanina.
"Oo nga sabi!" Inis na singhal ko.
"Edi nakita rin ni Donny si Leon? Oh my God!" Napatakip pa siya sa bibig dahil sa gulat.
"Hindi." Sabi ko. "Nasa loob na si Leon nang magkasalubong kami."
"Eh anong sabi mong dahilan kung bakit naroon ka?"
"Na naghatid ako ng orders sa mga teachers." Sabi ko at nakahinga naman siya ng maluwag. "Alam mo bang doon nagaaral ang anak niya? Hindi mo man lang sa'kin sinabi. Edi sana hindi ko doon inenroll si Leon."
"Hindi mo naman sa'kin binanggit kung saan mo ieenroll ang anak mo noh. Kung alam ko lang, nasabihan sana kita." Sabi niya.
Bumuntonghininga ako.
"Grabe, paliit ng paliit ang mundo. Bukas makalawa, magkikita na 'yang mag-ama mo."
"Tss. Manahimik ka. Hindi pwedeng mangyari 'yon." Kontra ko kaagad sa kanya. "Ikaw ang sumundo kay Leon mamaya ah."
BINABASA MO ANG
The Perfect Storm (Perfect Duology Season 2)
Romance"We could have been happy - I know that. And it is perhaps the hardest thing to know."