#MMLChapter10
DONNY
Throughout the whole meeting, my mind was elsewhere. Ako pa man din ang nagsasalita pero mula sa harap ay natatanaw kong naguusap si Belle at Mikki. Nagtatawanan pa sila at mukhang nagkakatuwaan sa kung anumang pinaguusapan nila.
"Ms. Mariano." Tawag ko sa kanya nang hindi na makatiis.
Hindi man lang siya nagulat. Basta na lang siyang lumingon at nagawa pa talagang ngumiti!
Sinamaan ko siya ng tingin.
"Hmm?" May multo pa ng ngiti sa labi niya nang tignan ako.
"Nakikinig ka ba?" Bakas ang inis sa boses ko kaya natahimik ang lahat maliban kay Belle na hindi maalis ang ngiti sa labi.
Kung halikan kaya kita ngayon sa harap ng lahat ng taong narito, kakayanin mo pa rin kayang ngumiti?
Huminga ako ng malalim at sinubukang pigilan ang inis na nararamdaman.
"Yes, sir." Mapangasar ang tono niya kaya kumunot ang noo ko. "Go on." She commanded like she was the boss of me!
Well... She is, pero kailangan niya pa ba talagang ipamukha sa lahat?
"Please don't sit beside Mr. Claver if you're just going to gossip while I speak." I calmly said, kahit pa gusto ko nang baliktarin ang lamesa sa sobrang inis. "It's disrespectful."
Umakto siyang nagulat.
"Oh, sorry. I didn't know you were paying attention to me this whole time." Nakangisi niyang binalingan si Chelsea na ngayon ay mukhang galit na rin.
I sighed and just didn't answer back. Nagpatuloy na lang ako sa pagsasalita, but my eyes would wander to her... To see kung nakikinig nga siya. And this time, she really was paying attention. Hindi na muling kinausap si Mikki na hanggang matapos ang meeting ay titig na titig sa kanya.
Badtrip.
Tuloy ay nang matapos ang meeting ay hindi maipinta ang mukha ko. I impatiently answered all the questions thrown at me while stealing glances at Belle who was now busy talking with Mikki... again!
"Sa'ng restaurant mo gustong kumain?" Tanong ni Mikki nang matapos ang meeting.
Sabay sabay kaming apat ngayon na nakasakay sa elevator. Inip na inip kong pinanood ang pagpapalit ng numero ng elevator sa bawat palapag. Gusto ko nang makalabas kaysa marinig ang bulok na pagpapa-cute ni Mikki kay Belle.
"Kfc." Parang wala sa sariling sagot ni Belle.
Bigla akong nangiti sa sagot niya.
Same old Belle.
"Kfc?" Bakas ang pagtataka sa boses ni Mikki kaya napangisi ako.
I bet you didn't know that. Ako lang ang may alam non.
"Mm. May iba ka pa bang gustong puntahan?" Tanong ni Belle.
Silang dalawa lang ang naguusap habang kami naman ni Chelsea ay tahimik lang at parehas nakikinig.
"I was thinking of bringing you to a five star restaurant." Sabi naman ni Mikki. "Since this is a date."
Kumunot ang noo ko.
"Well, a group date." Dagdag niya.
"Sabagay... Nalimutan kong sosyalin pala ang mga kasama ko." Bahagyang natawa si Belle. "Sige, ikaw bahala kung sa'n mo gusto. Libre mo ba?" Biro niya.
BINABASA MO ANG
The Perfect Storm (Perfect Duology Season 2)
Romance"We could have been happy - I know that. And it is perhaps the hardest thing to know."