Chapter 13

2.9K 156 140
                                    

DONNY

Wala na ako sa sarili matapos marinig ang pagsigaw ni Belle sa kabilang linya. I heard glasses breaking, and then the line got cut off after that. Nakakabaliw na hindi ko alam kung anong nangyayari sa kanya. Ni hindi ko alam kung sino ang kasama niya para abutin niya ang ganitong sitwasyon?

I called the ambulance and police after that. It was a good thing that I had her phone tracked before the call got disconnected. Hindi na ako nagtaka nang makita ang mga pulis at ambulansya na naroon.

Nong kausap ko si Belle kanina, I knew something bad happened to her. I already expected that. Pero hindi ko inaasahan na ganito kalala. The impact of the accident must have been so brutal because the SUV looked so crushed!

Halos itulak ko na ang mga taong nakaharang para lang makadaan ako. Pero agad rin akong natigil nang makita ang pagbuhat nila sa katawan ni Belle palabas ng halos durog na durog ng sasakyan.

And I felt all the blood drained from my face when I saw how her whole body was almost covered in blood. Kinabahan lalo ako nang makita na maging ang ulo niya ay punong puno ng dugo. Tumutulo 'yon kaya halos buong mukha niya ay mayroong dugo na rin.

"Sir, dadalhin na po namin siya sa ospital." The paramedic said as he placed Belle on the stretcher. Wala siyang malay and I feared that she was dead already!

"Sasama ako." Mabilis na agap ko at sumakay na sa loob ng ambulansya kasama nila. Ipapakuha ko na lang siguro ang sasakyan sa driver.

Maingat kong hinawakan ang duguang kamay ni Belle. I couldn't even hold it tight because I was so afraid she'd break. Pero napabitaw rin agad ako roon nang makarinig ng malakas na tunog galing sa machine!

Nagmamadaling dumalo ang paramedic na naroon. Pilit niyang nilagyan ng oxygen si Belle dahil pababa ng pababa ang heart rate niya. With frightened eyes, I watched as he tried to revive her.

No!

Hindi ko na alam ang dapat na gawin. Hindi ako makagalaw. Hanggang pagdating sa ospital ay nagaagaw buhay siya. Halos itakbo na ng paramedics ang stretcher papasok dahil sa palalang palala na kondisyon ni Belle! Tumakbo ako at sinabayan sila at wala ng tigil ang pagbuhos ng luha ko habang tinatanaw ang duguang mukha niya.

"Sir, dito na lang po kayo." Hinarangan na ako ng doctor nang tuluyan nang maipasok si Belle sa loob ng emergency room.

Wala na akong nagawa. Napailing ako at hinilamos ang kamay sa mukha. I feel so useless!

"Please... Do everything you can."

Tumango lang siya at tinalikuran na ako. Pasalampak akong naupo sa upuang naroon at yumuko.

"What the hell happened?!" Umangat ang tingin ko nang marinig ang pamilyar na boses ng kaibigan.

Robi and the rest of my friends came running towards me. Nagulat pa sila nang makitang may dugo ang damit ko.

"Bro, are you okay?" Nagaalalang tanong ni Rhys.

"This is Belle's blood, not mine." Nanlalambot kong sagot at mas lalo naman silang nagulat.

"Anong nangyari?" Gulantang na tanong ni Gello.

"She..." Umiling ako. "She got into an accident."

"Accident?" Criza asked with so much fear and shock in her eyes. "Pa'no nangyari 'yon? Eh kanina lang kasama ko siya bago ako umalis." Para siyang hinahapo sa sunod sunod na pagsasalita. "Ang sabi niya ipapasundo mo raw siya sa driver—"

The Perfect Storm (Perfect Duology Season 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon