Chapter 31

3.3K 150 145
                                    

BELLE

Nagising ako nang masakit ang katawan. Unti-unti akong dumilat at agad nanlabo ang mata ko sa pinaghalong dugo at pawis na tumutulo mula sa ulo ko. I thought I was dead... Until I heard faint whispers from somewhere. Naramdaman ko rin ang paggalaw ng paligid.

Only then did I realize that I was inside a moving vehicle! Gagalaw na sana ako para magpumiglas nang marinig ko ang pinaguusapan nila.

"Sigurado kang pinuruhan mo ng bala 'yan ah?" Hindi pamilyar sa'kin ang boses nang nagsalita. Judging from how his voice sounded, it seems like he was the one driving.

"Oo." Nakilala ko kaagad ang boses ni Mikki.

And then everything hit me all at once.

Ako ang sumalo sa balang dapat kay... Archer. Saying his name and just the mere thought that he's alive still feels so surreal to me. Hindi ako makapaniwala.

Is this just a scheme to trick Donny and I? Para paglauran nanaman kami? Pa'no nangyari 'yon?

But then again, Jasmine's alive... At sa kademonyohan ni Chelsea, hindi na ako magtataka kung may ginawa nanaman siyang kahayupan.

Wala na akong oras para mag-isip ng kung ano pa. Ang nasa isip ko lang ngayon ay kung ligtas ba ang mag-ama ko roon. Ang alam ko lang ay ako ang binaril ni Mikki. I blacked out after I got shot.

"Dito na." He said, making the car stop.

Naramdaman kong bumaba sila ng van kaya kinabahan ako. I heard footsteps from outside... Pigil ko ang hininga lalo nang buksan nila ang likod ng sasakyan.

Hindi man lang sila nagulat nang makitang gising na ako. Instead, the unfamiliar man just smirked while Mikki looked at me with no emotions in his eyes.

"Kaladkarin mo na 'yan para maihulog na natin roon sa ilog." Utos ng lalake kay Mikki na agad naman nitong sinunod.

Marahas niyang tinanggal ang pagkakatali ng paa ko at hinila ako pababa ng sasakyan. Ang mga kamay ko ay nanatiling mahigpit na nakatali sa harap ko.

Naunang maglakad ang lalake at sumunod ako. Sa likuran ko ay si Mikki na tinutulak ako gamit ang hawak na baril para bilisan ko ang paglalakad.

My legs were shaking as I followed him through a wooden creak leading to a dark river. It looked so deep, I don't think anyone could ever survive it.

Tumigil siya sa dulo non kaya napatigil rin ako. Sa likod ay narinig ko ang pagkasa ni Mikki sa baril.

My breath hitched when he pushed me towards the edge of the creak. Nasa tabi ko ang isa pang lalake habang si Mikki ay nasa harap ko, ang baril ay nakatapat sa'kin.

"Patayin mo na." Utos niya pa kay Mikki.

Mikki smirked and looked at the man beside me.

"Sige." Kinasa niya ang baril. "Pero mauna ka." Aniya at tinapat ang baril sa lalake.

Napaatras ito sa gulat, pero bago pa man siya makapagsalita ay pinutok na ni Mikki ang baril. Ang bala ay deretsong tumama sa dibdib niya.

Napalingon sa'kin ang lalake pero ngumisi lang ako.

Mapangasar akong kumaway, "Adios." Paalam ko pa bago siya tuluyang nahulog sa ilog.

Mikki chuckled from behind me kaya napalingon ako sa kanya.

"Ang higpit ng pagkakatali mo! Tanggalin mo na 'to!" Ipinakita ko ang kamay kong nakatali pa rin.

The Perfect Storm (Perfect Duology Season 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon