BELLE
Nagising ako sa nakakasilaw na liwanag ng araw. Unti-unti akong dumilat at bumungad sa'kin si Donny na nakatayo sa may balcony. Nakabukas na pala ang glass door at roon nanggagaling ang sikat ng araw na nakakasilaw.
Mukhang kanina pa siya gising. He was wearing a black sweatpants with nothing on top. From here, I could see his perfectly sculpted back. He had bed hair that looked like a hot mess.
Nag-init tuloy ang pisngi ko nang biglang maalala ang mga ginawa namin kagabi. Hindi lang isang beses naming ginawa 'yon.
Nahiya tuloy ako. Baka mamaya iniisip niyang uhaw na uhaw ako sa kanya! E siya naman ang may gusto na umulit pa kami kahit antok na antok na ako!
"Anong akala mo sa'kin? Gago?" Napalingon ako sa kanya nang marinig ang galit niyang boses. Ngayon ko lang napansin na may kausap pala siya sa phone. "The hell I care! No, I'm not going to fucking do that!" Galit na sambit niya at mabilis na tinapos ang tawag.
Kumunot ang noo ko at nagtaka kung sino ang kausap niya. He was fuming mad at mukhang hindi nagustuhan ang narinig mula sa kausap niya.
Nang makitang palingon na siya ay mabilis kong pinikit ang mga mata ko — nagkukunwaring tulog para hindi niya mahalatang narinig ko ang pinagusapan nila.
Naramdaman ko siyang maglakad palapit kaya kinabahan ako. Alam niya kayang narinig ko?
Ilang saglit lang ay biglang tumahimik. Hindi ko na naririnig ang mga yapak niya. Naisip ko tuloy kung lumabas ba siya o ano? Wala naman akong narinig na tunog ng pagbukas ng pintuan.
Out of curiosity, I opened my eyes. Pero nagulat ako dahil pagkadilat na pagkadilat ko ay naramdaman ko kaagad ang labi ni Donny sa labi ko. It was as if he was just waiting for me to open my eyes!
"Morning." He greeted in a low voice before kissing me softly again.
"Good morning." Bati ko rin, "Kanina ka pa gising?" I asked, kahit alam ko naman na ang sagot.
Umayos siya ng tayo kaya natanaw ko ang breakfast table na naroon. May mga pagkain na roon pero mukhang hinintay niya akong magising dahil wala pang bawas ang mga 'yon.
"Yeah. I ordered breakfast for us." He held my hand and pulled me para makabangon na. "Let's eat."
Sumunod ako sa kanya at tabi kaming naupo para kumain. He ordered bacon, eggs and fried rice for breakfast. There was also a pitcher of mango juice on the side.
Siya na ang naglagay ng kanin at ulam sa plato ko pero kumunot ang noo ko nang makitang halos mapuno na ng kanin 'yon!
"Hey! That's too much!" Pigil ko na sa kamay niya.
"What do you mean too much? You barely eat!" Nainis siya kaagad.
"Hindi ko mauubos 'yan. Masasayang lang!"
"Finish it, then." His voice was full of authority. "There must be something wrong with your appetite. Ang payat payat mo na nga e."
Wala na akong nagawa nang marinig ang galit sa boses niya. I just crossed my arms over my chest and pouted as I watched him put more food on my plate. Nakakainis! 'Pag ako nasuka, siya ang sisisihin ko!
"Stop pouting and eat." Aniya at nagsimula nang kumain.
Umirap ako. Ang sungit naman!
Padabog kong kinuha ang utensils at masama pa ang loob nang nagsimulang kumain. Mukhang hindi naman niya napapansin dahil panay lang ang tingin niya sa cellphone. Napapatingin rin tuloy ako roon dahil panay ang tunog, pero hindi niya naman sinasagot.
BINABASA MO ANG
The Perfect Storm (Perfect Duology Season 2)
Romance"We could have been happy - I know that. And it is perhaps the hardest thing to know."