BELLE
I shifted uncomfortably on my seat as I awkwardly took in the weird looks from my friends. Just a few weeks after Donny found out about Leon, I finally found the courage to tell the rest of my friends about it.
Tinaon ko talaga sa araw na abala si Donny at wala sa mansyon dahil alam kong magkakagulo ang lahat. And I was right.
They went here thinking we'd just have a normal lunch together, pero ikinagulat nila nang bigla kong sabihin sa kanila ang tungkol sa lahat. Lalong lalo na ang tungkol kay Leon. Meanwhile, Criza, Joao, and Gello were just there listening. Compared to before, they were more composed and calm now. Still a bit tensed, but unti-unti na nilang natatanggap ngayon.
"So matagal nang alam ni Criza? Kailan pa?" Tanong ni Joao.
"Right before I came back to the Philippines." Sagot ko. "Kung hindi lang ako bumalik rito ay wala naman talaga akong balak pagsabihan. Pero may sakit si Papa kaya wala akong choice. I needed Criza's help."
"I knew something was off." Ani Joao at nilingon si Criza. "Wala ka naman talagang kapatid kaya nagtaka ako."
"This is a lot to take in..." Imik ni Ashley. "We were there the night you were rushed to the hospital. I remember that night very clearly." Pagkukwento niya pa. "We were told that you lost the baby... It didn't ever cross my mind that you could be carrying triplets."
"Nong gabing 'yon ko lang rin nalaman." I said. "Pero matapos ng lahat nang nangyari, mas pinili ko na lang munang lumayo. Kung nanatili pa ako, baka pati si Leon, nawala na rin sa'kin."
"Sabagay, tama ka naman." Gello agreed. "Ang daming nangyayari non eh. Nagkakagulo ang lahat. Hindi lang siguro namin inaasahan na tatagal ng tatlong taon bago pa malaman ng lahat."
"I'm actually more shocked that it took this long for Donny to find out about it." Bigla ay nagsalita si Robi kaya sabay sabay namin siyang nilingon. He looked more amused that shocked. "What?" He asked defensively nang mapansing lahat kami ay nakatingin sa kanya. "Sobrang halata kaya!"
Napailing na lang ako. Umpisa pa lang ay alam ko nang nakakahalata na si Robi. Hindi ko na lang pinapansin dahil ayokong kumpirmahin ang mga nabubuo sa isip niya.
"Eh bakit hindi ka man lang nagsalita?" Inis na asik ni Gello na animong concerned talaga. Kahit ang totoo naman ay naiinis lang 'to na mas naunang nalaman ni Robi kaysa sa kanya.
"Because it's not my story to tell." Seryosong sagot ni Robi pero nginiwian lang siya ni Gello.
"Inenglish pa." Bulong niya pero sinadyang iparinig kay Robi kaya ito naman ang nainis.
"Kasalanan ko bang mahina ka sa English?" Ayun nanaman ang mapanginis na balik ni Robi. "Sa sobrang hina mo, kahit si Ashley hindi alam kung pano ka kakausapin."
"Sumusobra ka na ah!" Inis na sigaw ni Gello at handa na sanang saktan si Robi pero pumagitna na sa kanila si Joao.
"Enough!" Awat sa kanila ni Joao at sabay naman silang natigil. Pero nang malingat si Joao, they started making faces at each other again at umaabang magsasapakan. Natigil lang ulit sila at nagpanggap na walang nangyayari nang lumingon ulit si Joao.
He shook his head in dismay.
"Hindi talaga matatapos ang araw nang hindi kayo nagbabangayan noh?" Puna niya sa dalawa. "Maghiwalay nga kayo!" Aniya at tinulak ang dalawa palayo sa isa't isa.
Napailing na lang ako at nagiwas ng tingin. Eksakto namang tumama 'yon kay Kaori na pansin ko'y kanina pa tahimik at hindi nagsasalita. I looked around to see if Rhys is here, but he was nowhere in sight.
BINABASA MO ANG
The Perfect Storm (Perfect Duology Season 2)
Romance"We could have been happy - I know that. And it is perhaps the hardest thing to know."