Chapter 2

3K 132 382
                                    

#TPStorm2

BELLE

Halos bumaon na ang kuko ko sa kamay sa sobrang pagpipigil ng emosyon. Sinisikap kong hindi ipakita ang totoong nararamdaman. Deretso lang akong nakatingin sa kanila na parang hindi ako naaapektuhan. Sinisikap kong magmukhang walang pakialam.

Kahit na ang totoo ay tahip tahip na ang kaba ko sa puso. Punong puno ako ng tanong sa isipan... Dahil hindi ko maintindihan kung bakit sila magkasama. At kung totoo man ang sinabi ng katulong nila kanina, si Donny ang nobyo ni Chelsea?

Pa'no nangyari 'yon?

"I'm sorry..." Nahihiya at naiilang na panimula ni Dad. "If I had known that you'd visit, hindi na sana—"

"I don't think it's a problem, Dad." Sabat ni Chelsea, hindi na pinatapos ang sasabihin ni Dad. "Is it, Belle?" Nilingon niya ako.

Sa sandaling 'yon ay gusto ko siyang singhalan. Gusto kong tanungin kung anong ginagawa niya kasama si Donny. Kung nobyo niya ba ito at kung bakit, gayong alam niya ang nakaraan namin.

Pero lahat ng 'yon ay hindi ko ginawa.

Instead, I gave her a small smile. Walang emosyon sa mga mata ko. Mukhang nagulat pa siya sa naging reaksyon ko. Inaasahan niya yatang magwawala ako.

But I won't give her the satisfaction of watching me break down. She doesn't deserve that. My tears are too expensive. Hindi basta basta nakikita ng kung sino lang.

They want to hurt me?

I can hurt them back thrice as much.

"Wala namang problema sa'kin." Kaswal na sagot ko. "Matagal na panahon na ang lumipas. Kalimutan na natin 'yon." Walang habas na sabi ko at nakita ko namang kumunot ang noo ni Donny.

"Kumain ka na ba?" Pagiiba ni Dad sa usapan. "We're just about to eat dinner."

Bumuntonghininga ako.

"Hindi ho ako pwede magtagal." Pagpapakatotoo ko. Hahanapin na ako ni Leon. Hindi pa naman 'yon makatulog sa gabi na hindi ako ang katabi.

"Saglit lang naman ito, anak." He gave me a sad smile and it tugged my heartstrings. He was begging for my time. "Ang tagal kitang hindi nakita eh. Pagbigyan mo sana ang Daddy. Kahit ngayon lang?" He pleaded.

I sighed, and gave him a warm smile.

"I'll be visiting you more often, Dad. Don't worry." I assured him. "Pero sige. Dito na lang po ako magdidinner kung 'yon ang gusto niyo."

"Talaga?" He beamed. "Bibisitahin mo ako palagi?"

Tumango ako at ngumiti. "For sure."

"Kailan ka pa nakauwi? At saan ka ba nagpunta?" Malungkot na tanong niya. "Nito ko lang nakausap ang Mama mo, pero hindi naman niya binanggit sa'kin kung saan ka nakatira. You were gone for 3 years... without leaving any trace."

I gave him a small smile.

"I got busy trying to heal." Pagpapakatotoo ko at natahimik naman silang tatlo. Hindi nakatakas sa paningin ko ang biglaang paglambot ng expression sa mata ni Donny.

He looked like he was sorry for me.

Sorry for what?

For leaving me alone at the altar?

"But I'm more than okay now. Hindi naman ako babalik kung hindi." I assured my Dad at umaliwalas naman agad ang mukha niya. "Let's head inside?" I said to divert the topic.

The Perfect Storm (Perfect Duology Season 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon