#MMLChapter12
BELLE
"Ano?!" Halos isigaw na 'yon ni Criza sa sobrang gulat. "Nawala lang ako ng ilang linggo... Pagbalik ko, kasal ka na? At kay Donny pa? 'Yong ex mong iniwan ka sa altar at pinagpalit sa iba?" Malakas na malakas na sabi ni Criza habang nakapamaywang.
She had just gone back from Batangas when Mama told her about what happened. One question led to another... And now here we are.
"Sige, ilakas mo pa!" Inis na sabi ko sa takot na baka marinig ng anak ko ang sinasabi niya.
"Ano ka bang gaga ka?" Mas malakas pang tanong niya, neverminding my rage. "Akala ko ba gusto mong iwasan si Donny dahil ayaw mong malaman niya ang tungkol sa anak niyo?"
Hindi ako nakasagot.
"Tapos ngayon pinakasalan mo?" Gulong gulong aniya at halos sabunutan na ang sarili. "Hindi mo ba alam na sa ginawa mo, mas lalo mo lang nilapit ang landas ng mag-ama?"
Hindi ulit ako nakasagot.
"Katipunera ka ba sa past life mo at napakatapang mo para gawin ang lahat ng 'to?" Aniya pero inirapan ko lang siya.
Bumuntonghininga ako at pabagsak na umupo sa higaan. I planned this out so well in my head... But now that it's already here, biglang hindi ko na alam ang susunod kong gagawin.
Ang akala ko kasi ay kamumuhian niya ako especially because I tricked him. Akala ko ipagtutulakan niya ako palayo at ipipilit ko naman ang sarili ko para lalo siyang mainis. I didn't know he'd acknowledge this marriage with open arms! To the point na talagang kukuha siya ng bahay para sa'ming dalawa!
Mabilis lang ang naging paguusap naming dalawa kagabi. He went home shortly after that. Ni hindi na niya hinintay pa ang magiging desisyon ko sa kagustuhan niya. It was as if he assumed that I'd just agree with what he wants.
Pero hindi ako makakapayag. Kahit pa kaladkarin niya ako ay hindi ako sasama!
"At ano itong narinig ko na bumili pa raw ng bahay para sa inyong dalawa? You're going to live with him?!" Her eyes were full of judgement.
"Sa'n mo naman nakuha 'yang impormasyon na 'yan?" Takang tanong ko dahil hindi ko naman nabanggit kay Mama ang tungkol roon.
"Kanino pa? Edi kay Joao!" Nakapamaywang na sagot niya. "'Yang asawa mo, nanghingi ng tulong sa boyfriend ko sa paghahanap ng bahay niyo!" Nakangiwi niyang sabi.
"Would you stop referring to him as that?" Iritang saad ko.
"Ano? Na asawa mo?" Ulit niya pa, lalong nangiinis. "Eh totoo naman talagang asawa mo siya!"
"We're married in papers! Hindi ko siya mahal!"
"Pero asawa mo pa rin siya!"
Hindi na ako nagsalita. Gusto kong sabunutan ang sarili.
"Oh eh ano nang balak mo ngayon? Nakabili na ng bahay... Nakalipat na siya roon at ikaw na lang ang hinihintay." She continued. "Bakit 'di mo na lang kaya sabihin sa kanyang anak niya si Leon tutal parang doon na rin naman ang punta nito?" She suggested na parang 'yon na ang pinakamagandang ideya.
I glared at her and rolled my eyes.
"That's never going to happen." Angil ko kaagad. "Pinakasalan ko siya dahil gusto kong sirain ang buhay niya. I wanted so much to sabotage his engagement with that bitch that I tricked him into marrying me!"
BINABASA MO ANG
The Perfect Storm (Perfect Duology Season 2)
Romance"We could have been happy - I know that. And it is perhaps the hardest thing to know."