Chapter 11

50 3 0
                                    

Bryce P.O.V

"baka nakakalimutan mong may girlfriend ka dre?" epal talaga tong babaerong to!! makikipag-kita lang naman ako masama ba yon? "hi" halos mahulog ako sa kina-uupuan ko dahil sa gulat ng biglang sumulpot si Pearl "b-babe.."

"pfft maiwan ko muna kayo" patakbong umalis si Xian ng quadrangle "babe punta ka mamaya sa bahay ah?" ha? anong meron? baka itanan ako nito jusko! "b-bakit?"

"aishhh birthday ko today nakalimutan mo na ba?" fuck!! bakit ko nga ba nakalimutan? "babe? parang lagi kang nawawala sa sarili mo may iniisip ka'ba?"

"iniisip? sino? hahah wala yun sa Friday pa yun" natatawang saad ko sakanya kita ko naman ang pagkunot ng noo niya

"what's with friday?"

"mag m-meet kami ng ka-textmate ko hehe" wala sa sariling saad ko, p-puta "a-ah cr lang ako s-s-saglit lang a-ako" hindi ko'na siya hinintay makasagot at tumakbo na paalis, ano ng gagawin ko?

babalikan ko paba siya? damn!! dahan-dahan akong lumabas ng banyo at nakita ko siya sa may upuan malapit dito hinihintay siguro ako...dala niya yung cellphone ko tangina, dumaan ako sa likod niya ng hindi gumagawa ng ingay nakadikit ang likod ko sa pader walang estudyante dito dahil breaktime kaya walang makakakita sa kalokohang ginagawa ko, tahimik lang na naghihintay si Pearl saakin habang ako hirap na hirap makadaan sa likod niya "BOOH!!" napatalon ako sa gulat dahil kay Xian, bago pa man lumingon sa gawi namin si Pearl ay hinila ko'na agad siya palayo.

Pearl P.O.V

"nakakainis!!" padabog akong umupo sa armchair ko, agad naman lumapit si Sandra saakin friend ko. "what happen?"

"none of your business." mataray na saad ko, nakakainis talaga argh!! "grabe maka-none of your business to ano nga nangyari?" mangungulit talaga to hanggat hindi ko sinasabi sakanya ang nangyari!! kinwento ko sakanya ang nangyari kanina at talagang nilinaw ko pa dahil hindi niya maintindihan ang iba dahil sa pagiging slow niya!

"omg dapat may gawin tayo!!" yan din ang iniisip ko kanina pa tsk, ano nga bang dapat kong gawin?

"wait girl, sino ba yung MS.STRANGER na yan?"

"Mishca...." saad ko tsaka ngumisi, humanda ka saakin. "Mishca?you mean Mishca Coleen Alvera?!!" tumango ako bilang sagot. "nabanggit mo na siya dati di'ba?"

"yes, isa lang naman siya sa mga ume-epal sa mga plano ko...idagdag mo na rin yung dalawang buntot niya tsk." naramdaman kong umakyat ang mga dugo ko sa ulo argh nakaka-stress!!

"so what's your plan?"

Mishca P.O.V

"bakit ka ba nagmamadali?" hindi ko pinansin ang tanong ni Rence, nagpatuloy lang ako sa pag hahanap sa cellphone ko bakit biglang nawala yun? halos ilabas ko'na lahat ng gamit ko dito sa locker wala talaga "yung cellphone ko...." nanlulumong saad ko, umupo ako sa sahig dahil sa pagod "eh? di'ba ngayon kayo magkikita?" tumango lang ako bilang sagot,

"teka Claire!!" siya kasi yung last kong nakita kanina dito sa locker room bago ko linagay yung phone ko sa locker dahil P.E day, pero pagbalik ko dito para kunin sana eh wala na aist!!! "why?" maarteng tanong niya, tsk maganda nga maarte naman!

"may nakita ka bang nakialam nitong locker ko?" saglit siyang nag-isip tsaka siya ngumiti "yeah meron, si Vanessa i saw her on your locker then she kuha your cellphone girl....why naman kasi you forgot to lock your locker? so kastress ka!" tanginang Vanessa to wag lang talaga siya magpakita saakin!!!

"sige layas ka'na sakit sa tenga ng boses mo kaloka!!" tinaboy siya ni Rence palayo, jusko ano ng gagawin ko? "gaga talaga yang Vanessa na yan eh no? biruin mo cherry mobile pala pinag-iinterasan" sinamaan ko ng tingin si Rence dahil sa ingay ng bunganga.

nasa labas na ako ngayon ng AU, hindi na ako nagpasama kina Alyssa dahil ayoko ng maingay! nagdadalawang isip ako kung tutuloy ba ako o hindi bakit ba kasi nawala yung phone ko!! last na text niya saakin ay dito sa waiting shield daw kami mag kita iniba niya rin yung oras, ang gulo niya kausap di'ba? maraming waiting shield dito kaya pinili ko yung walang tao 'a.y.o.k.o n.g m.a.i.n.g.a.y'

malapit ng dumilim pero wala parin siya haist!! balak niya ba talagang makipagkita? o plano niya lang talagang iprank ako? unti-unti na din umaalis yung mga estudyante dahil gabi na argh!! naghintay pa ako ng ilang oras ngunit walang Bryce na nagpakita saakin kaya ang ending naglakad na ako pauwi!!

walang gaanong tao sa kalsada puro sasakyan lang ang mga kasabay ko, para akong pulubi sa daan dahil sa itsura ko hayst "bakit ba kailangan mo akong iprank ng ganto? mukha ba akong nakikipag-lokohan? masyado pa naman akong naghanda para dito sa pagkikita natin tapos hindi ka naman pala sisipot!!" pagkasigaw ko ng mga katagang yon ay tsaka naman bumuhos ang malakas na ulan, hilig talagang sumabay nito sa pag e-emote ko eh no?

Until We MetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon