Mishca P.O.V
"eh bakit ka sumisigaw-sigaw doon kanina?" umupo ako sa tabi niya at pinagmasdan ang araw "tinry ko lang kung mag e-echo hehe" childish.
"h-h-hindi ka'na galit?" tsk. Umiling lang ako tsaka siya tinignan "bakit ba hindi ka nag paalam na aalis ka pala?"
"biglaan eh" tama nga si Rence biglaan ang pag-alis nila, alam ko namang mag papaalam to kung aalis siya eh.. pinagmasdan ko ang mukha niya matangos na ilong, singkit na mata, makakapal na kilay, red lips, magandang kutis hmm...okay na kaya siya? "o-okay ka'na ba?"
"okay ako pero yung nararamdaman ko h-hindi." mukhang hindi pa rin siya totally nakaka-move on haist.
"alam mo? nalaman ko kanina na may boyfriend pala si mommy haha tangina lang" nakaramdam naman agad ako ng awa sakanya, pano niya nagagawang tumawa kahit nasasaktan na siya? "how to delete sadness? i'm t-tired."
"gusto mong sumaya? mahalin mo ako."
Mika P.O.V [Mother po ni Mishca]
"paano kuya? kailangan nanamin umuwi baka gabihin kami eh delikado sa daan" hinatid ako ni kuya palabas, siya lang mag-isa sa bahay matandang binata siya hindi siya nagkaroon ng asawa kahit girlfriend hindi siya nagkaroon.
nasaan na ba yun? agad-agad nakakalayo "Mishca?anak" nakita ko siya sa may tabi ng bangin nakaupo at may kasamang lalaki, jusko likod pa lang kilala ko na kung sino tong binatang to! "Mishca anak kailangan na nating umuwi" kita kong nagulat sila pareho, pfft bagay na bagay talaga sila maganda ang anak ko at gwapo si Bryce.
Bryce P.O.V
"bye Bryce, punta ka sa pasko iho magluluto ako ng marami pagluluto pa kita ng paborito mo" ngumiti lang ako kay tita Mika, napaka sweet niya talaga sana ganyan din nanay ko no? "ma malayo pa naman po yung pasko anong petsa pa lang ngayon...december 18?" pfft
"wag mong pansinin yan hilig talagang kumontra, basta pumunta ka ah? paano?kailangan na namin umalis baka gabihin kami umuwi ka na rin delikado sa daan"
"ingat po" sumakay na sila ng kotse at umalis,
"gusto mong sumaya? mahalin mo ako."
damn! bakit ako ngumingiti? i-i think i'm inlove again!
BINABASA MO ANG
Until We Met
RandomPaano kung umibig ka sa maling panahon?maling oras? maling araw? ipagpapatuloy mo pa ba?