Chapter 23

51 3 0
                                    

Bryce P.O.V

Dumiretso ako sa bahay nila Xian dahil ayoko munang umuwi.
"kingina naman dre moment na sana namin eh!!" muli siyang lumagok ng alak pfft nabadtrip pa ang gunggong! "dre hindi naman masamang mainlove sa isang t-t-tomboy diba?" wala sa sariling tanong ko dinig ko ang malakas na pag tawa niya,tsk...

"anong sabi mo dre?mainlove sa isang tomboy?HAHAHAHHA ulul anong tinira mo ah?" ikaw nga nainlove sa katulong eh!.
"tinatanong ko lang okay?y-yung ka office mate ko k-kasi nag tatanong." pag papalusot ko argh kinginang tomboy yun kung mag comfort kasi nakakainlove eh!!

"bakit ka nauutal?" hindi ko siya sinagot "alam mo dre hindi masamang mainlove sa kahit na sino!!basta kaya ka rin mahalin pabalik?...HAHAHA" napaisip ako,mukhang babae rin hanap nun eh!

"hindi ko nga alam kung inlove ba talaga ako...kasi non natakot na akong mag mahal ulit si Pearl pa 'rin kasi tinitibok nito eh" masyado kong mahal si Pearl kaya kahit anong hinanakit ang iparamdam niya saakin mamahalin ko pa 'rin siya....kahit meron na siyang iba.

t-tomboy ba talaga si Mishca? parang hindi naman eh! lalaki nga siya kumilos pero babaeng babae parin siya pumorma bumabanat pa nga, pfft.

"teka nga doc nag lolokohan ba tayo dito? hindi ba't doctor ka? paanong kaoffice mate? ginagago mo ba ako?" lasing na ang gago, sabagay bakit ko nga ba nasabi yon eh doctor nga pala ako susmaryosep.

"lasing ka'na dre, tsaka mukhang nag hihintay na doon si Mrs.Herrera pfft, mauna na ako." hindi ko na siya hinintay makasagot, lumapit na ako kay Althea at nagpaalam.

Mishca P.O.V

"Merry Christmas anak" yan agad ang bumungad saakin pag-gising ko, "Merry Christmas ma" hinalikan niya ako sa pisngi at ganon din ang ginawa ko sakanya, sabay kaming bumaba ng hagdan ni mama at syempre dinig na dinig ko na ang boses ni Rence.

"hay nako papa Captain halos hindi na nga yan kumain simula nung umalis ka eh tignan mo nagmukha ng kalansay hahaha" t-tangina nandito siya? tumigil ako sa pag lalakad nasa hagdan parin kami ni mama "ma nandito siya?" mahinang bulong ko tumango naman si mama at ngumiti.

pagbaba namin ng hagdan ay tanaw ko na ang tatlo na nag tatawanan sa kusina habang nilalantak ang mga pagkain  "kumain lang kayo ng kumain ah? wag kayong mahiya tayo lang naman ang tao dito"

"hay nako tita alam mo naman walang hiya itong si Rence" pfft HAHAHA nag sisimula nananaman sila "hoi anong walang hiya? eh kung ikwento ko kaya sakanila ang pag halik mo saakin? eh hindi ba yun ang walang hiya?" tangina?! hinalikan ni Alyssa si Rence?!! WAHHHHHH!

"mahiya nga kayo nasa harap kayo ng pagkain!" bulyaw ko sakanila, tumahimik naman sila at muling kumain "nag papakabanal si ateng nandyan kasi si forever niya" dinig kong bulong ni Rence kaya sinipa ko siya sa ilalim ng lamesa tumungin naman siya saakin pero pinanlakihan ko lang siya ng mata "eto kare-kare paborito mo ito diba iho?" f-favorite ko rin yun eh!! kita kong binigyan siya ng ulam ni mama sa plato niya wow! señorito ampeg! "ma kakain din po ako hehe"

"ayon!yung adobo at menudo mag sandok ka ng sarili mo matanda ka'na Coleen" haist!! agad naman akong tinawanan ng mga demonyo kong kaibigan dinig ko din ang mahinang pag tawa ni Bryce.

"bakit ka nandito?" inis na tanong ko, "h-hindi ba pinapunta ako ng mama mo? hehe" tsk.

"pagkatapos mo dyan umalis ka na, ayoko ng nakikita ang pag mumukha mo." pagkatapos kong sabihin yun ay pumasok ako ng kwarto ko at umupo sa kama, kita ko kung paano nagulat sina Rence at mama sa sinabi ko, alam kong napahiya siya doon pero yun ang kailangan kong gawin, sorry....

Until We MetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon