Mishca P.O.V
"ang ganda mo sa suot mo" agad naman nag-init ang mukha ko sa sinabi niya "p-paano mo nalamang ako y-yung katextmate mo?" mahinang tanong ko, kahit kaming dalawa lang dito sa labas baka may makarinig no!
"ewan.....basta sinabi lang ng puso ko" hindi agad ako nakasagot, bakit ba ganito ang nararamdaman ko? pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko. "thankyou..."
"saan?" bakit ba siya nag t-thankyou? may binigay ba ako? nababaliw na ba ito? umiling lang siya tsaka ngumiti
nabalot kami ng katahimikan, pareho kaming nakatingin sa mga bituwin pinapanood ang pagkislap nila sana.....sana sa susunod ako na ang buwan niya na magsisilbing ilaw sa bawat daan at takbo ng kanyang buhay...ngunit isa lang ako sa mga bituwin na nangangarap na maabot siya haist!!
"bakit hindi ka sumipot?" sabay naming tanong kaya pareho kaming natawa "pfft w-what do you mean?" natatawa pa rin tanong niya nagkibit balikat lang ako saka muling tumawa "ang usapan di'ba sa waiting shield?" tanong ko sakanya, agad naman kumunot ang noo niya
"huh?oo iniba ko pero ang sabi ko sa court" court? binuksan ko ang cellphone ko at hinanap ang pangalan niya pinalitan ko na kasi kahapon, paano naging court yon? niloloko nananaman ba nya ako?
From: BRYCE
"hintayin kita sa court."
"pfft now tell me paano naging waiting shield yan?" malabo na'ba mata ko? jusko
"parang kailangan kong ipatingin ang mga mata ko"
Rence P.O.V
"opo tita uuwi na kami" jusko! saan ba nagpunta ang bruhang yon "tara na, nagagalit na si tita oras na pala" nakita namin sa labas yung dalawa busy sa pagtawa, kung titignan ko dito mula sa kinatatayuan namin ni Aly para silang mag jowa!
"hi pwede ba namin kayong ma-istorbo?" tumayo naman agad sila sa kinauupuan nila shock na shock ang mga shukla "te tama na landi no? yung nanay mo sasabog na sa galit"
"a-ah hatid ko'na kayo?" tatango na sana ako ng sumumpong nanaman ang pagiging pabebe ni Mishca kaloka naman to wag niyang sabihing tatanggi pa siya? "ah hindi na malapit lang naman eh" kakasabi ko lang, uupakan ko talaga to makita niyo.
Mishca P.O.V
"malapit?ha!malapit pala ah tignan mo lang kung hindi mamanhid ang mga paa mo sa sobrang layo ng uuwian natin punyeta ka" kanina pa siya ganyan, reklamo ng reklamo tss kunyari pang ayaw mag lakad eh ayaw lang naman talaga niyan napapagod si Alyssa! hindi ko siya pinansin at binaling na lang ang atensyon sa daan "tatlong mga bibe, mataba at payat dalawang tenga dalawang mata ilong na maganda~~"
"boba! iba na yon" t-tangina kaibigan ko'ba talaga ang mga to?
"sige salamat sa paghatid" ngingiti na sana ako ng makitang nakasimangot si Rence habang si Alyssa hingal na hingal "welcomeeeee mrs. alastre." he said sarcasticaly, ngumiti ako sakanya tsaka sinarado ang pinto ng bahay.
"bakit ngayon ka lang?" nakaupo si mama sa sofa at nanonood ng t.v "a-ah napahaba ho kasi yung kwentuhan namin hehe" tumabi ako sakanya tsaka tinignan ang pinapanood niya "may namamagitan ba sainyo?"
"p-po?wala ho ah!" ano bang pumasok sa isip ni mama at naitanong niya yon? nakatingin lang siya saakin habang nakataas ang isang kilay haist talo na ako!! "c-crush lang naman ho"
hinawakan niya ang buhok ko at sinuklay yon gamit ang mga kamay niya "wala naman masama kung hinahangaan mo yung tao pero....mahal mo ba anak?" napaisip ako sa tanong ni mama, mahal ko ba siya? "siguro ho?" dinig ko ang mahinang pagtawa ni mama, may nakakatawa ba don? o baka naman mali yung sinagot ko? "kung magmamahal ka siguraduhin mo yung kaya kang ipanalo, wag mong ilalagay ang sarili mo sa sitwasyon na talo ka..para hindi ka masaktan." tama si mama pero bakit niya sinasabi saakin mga yan? para naman akong bubukod sakanya pfft "pero nasa sayo kung sino ang pipiliin mong mahalin, nakasupport lang si mama nak" ngumiti ako sakanya atsaka siya niyakap, napaka swerte ko at siya ang naging nanay ko..
BINABASA MO ANG
Until We Met
De TodoPaano kung umibig ka sa maling panahon?maling oras? maling araw? ipagpapatuloy mo pa ba?