Mishca P.O.V
"ma, nababagot na po ako dito" ang tagal kasi mamili ni mama mag tatatlong oras na ata kami dito sa palengke! "aba! kailangan marami tayong handa sa pasko no! maglibot kamuna dyan hintayin kita mamaya sa parking lot" tumango lang ako tsaka nagsimula ng maglakad, may mabibili ba ako dito? parang ngayon lang ako nakapunta ng palengke amp si mama kasi lagi ang namamalengke at naghihintay lang ako sa parking pero ngayon kailangan kong sumama hanggang sa loob dahil marami siyang bibilhin, malapit na nga ang pasko ano? hmm... parang kailan lang cinelebrate namin ang birthday ko ah? pft.
patawid na ako sa pedestrian lane ng may bumunggo saakin putragis bakit ba nakatingala to doon ba niya nakikita ang daan? "sorry miss" tinulungan ko siyang makatayo sa pagkakadapa niya, tumingin pa siya sa likod niya anong ginagawa nito? bago lang ba to sa manila? "miss naliligaw ka'ba?" umiling siya kaagad tsaka humarap saakin, maganda siya pero mas maputi ako at mas maganda ako dah.
"ako nga pala si Mishca" siniko ko yung braso niya trying to scared her pfft tignan natin kung di ka tatamaan ng kabaliwan ko, "a-ah Althea hehe,s-sige bawal akong mag tagal eh" tumakbo siya agad palayo pfft "BWAHHAHAHA"
"baliw ba yan?"
"baka wala ng makain kaya nababaliw?"
tangina.
Bryce P.O.V
"why she took so long?" inis na tanong ni Xian sa sarili, tangina HAHAHAHHA tinamaan na nga to sa katulong niya! "uuwi na ako dre baka ako pa pag-initan mo eh pfft" tumango lang siya kaya lumabas na ako ng mansion nila, minsan nakaka inggit talaga si Xian laging buo pamilya niya eh...kung buhay lang siguro si daddy masaya din ako ngayon..hindi ko nararamdaman ang nararamdaman ko ngayon malungkot, masaya ako sa trabaho ko pero parang laging may kulang... si Mishca..
pero parang may nagsasabi saaking...mali na mahulog ako sakanya, bakit? hindi ko pa 'rin kasi kayang kalimutan ang nakaraan ko.. takot na akong sumugal uli baka talo na naman... pinalaya ko na siya.. KANINA.
=Flashback=
"I thought you weren't dadating" conyo pa rin pfft,ngumiti lang ako sakanya tsaka umupo sa tapat niya "ahm a-about us.." kumunot ang noo ko sa sinabi niya "6 years.....6 years had passed Pearl kalimutan na natin yon"
"no...alam kong mahal mo pa ako Bryce" so? anong gusto niyang palabasin? damn! "what you mean for?" halata sa boses ko ang inis, ha! alam ko na kung saan to tutungo "babalik ka saakin gan-"
"no, i have boyfriend Bryce and never kong gagawin na bumalik sayo." natigilan ako sa sinabi niya fvck!! sa muling pag kakataon nasaktan nananaman ako..
"i have boyfriend Bryce"
"never kong gagawin na bumalik sayo."
yan ang paulit-ulit na naririnig ko sa isip ko, never nga nya akong minahal.
"palayain mo na ako Bryce, yun ang gusto kong gawin mo" h-h-hindi ko kaya, hindi ko kayang gawin tangina "pinapunta mo ba ako dito para saktan ulit?" ramdam kong tumulo ang luha sa mga mata ko "Bryce..."
"ganon lang ba talaga kadali sayo kalimutan ang lahat?" tanong kong muli sakanya hindi siya sumagot, nakatingin lang siya saakin "oo nga pala hindi mo nga pala ako minahal.. sino ba naman ako para mahalin mo diba? Pearl ang hirap mong mahalin alam mo yon?" nananatili lang siyang nakatingin saakin at tikom ang bibig, gusto ko siyang saktan pero 'di ko magawa gusto kong iparamdam sakanya ang sakit na ipinaramdam niya saakin pero 'di ko magawa, dahil mahal ko siya....hanggang ngayon..
"naalala mo noon? kapag nag tatampo ka sinusuyo agad kita ayoko kasing nagagalit ka... nakakalimutan mo kasing mahal mo ako eh.." hindi parin tumitigil sa pag-agos ang mga luha ko habang siya pinapanood lang akong nasasaktan "sorry ha?kung pinilit ko yung sarili ko sayo kung alam ko lang noon na masasaktan lang ako sana hindi ko na pinagsiksikan ang sarili ko sayo.....'wag kang mag alala mula ngayon sasanayin ko na ang sarili kong hindi ka hanapin araw-araw...Thankyou for the memories malaya ka'na."
pagkatapos kong sabihin yun ay tumalikod na ako sakanya at naglakad paalis.
=End of Flashback=
how tragic....napaka sadboy ko amp! malapit na pala magpasko? maghahanda ba ako ganon? haist! dinala ako ng sasakyan ko sa isang lugar na maingay, mabaho, maraming tao, saan pa ba?sa palengke! bakit ako napadpad dito? minsan talaga may sariling buhay tong sasakyan ko kung saan trip pumunta doon ako dadalhin, nagtungo ako ng parking lot para ano pa ba? para mag park syempre bobo na lang kung doon ako mamalengke!
paglabas ko ng kotse ay inagaw agad ng isang babae ang tingin ko, nakasandal siya sa likod ng sasakyan nya..malayo siya saakin at naka side siya kaya hindi ko maaninag ang mukha niya parang may nag sasabi saakin na lapitan ko siya, bakit? nanakawan ko ganon? ulul mo!
nakita ko na lang ang sarili ko na naglalakad papalapit sakanya sakto naman na humarap na siya saakin---MISHCA?!!!
"Everytime you walk into the room Got me feeling crazy, chock my heart, boom boom..."
kita kong nagulat siya ng makita ako pero naglakad din siya palapit saakin, bumibigat ang mga hakbang ko palapit sakanya damn! kailangan ko ba talagang maramdaman to?
"Any other boy would say but me I look away cause you're making me scared..."
bakit ba may tumutugtog na kanta sa utak ko? ano to? nagpaparty ba mga laman loob ko?
"Try not to breathe, 1, 2, 3....Try not to freak when you look at me.."
ang ganda niya parin kaso parang lalaki parin ata siya kung kumilos....
"gotta make you move but i freeze---"
I freeze..?HAHA! linagpasan niya ako t-tangina, lumingon ako sa likod ko at kita kong tinulungan niya ang mama niya sa mga pinamili nito "oh?Bryce iho" tangkang lalapit saakin ang mama niya ng pigilan siya ni Mishca "t-tara na ma n-n-nandoon daw po sina Alyssa."
"ganon ba? sige sa susunod na lang tayo magkwentuhan ah?" naglakad na ang mama nya palapit sa sasakyan nila habang si Mishca ay--Nilagpasan uli ako, bakit hindi niya ako pinapansin? hinawakan ko ang braso niya at iniharap saakin "g-galit kaba?" matagal bago siya sumagot
"oo galit ako sayo, galit ako kasi hindi ka nag paalam saakin, galit ako kasi hindi mo tinupad ang promise mo, masaya ka'na?!! makakaalis na ako."
l-luh galit nga.
BINABASA MO ANG
Until We Met
RandomPaano kung umibig ka sa maling panahon?maling oras? maling araw? ipagpapatuloy mo pa ba?