Bryce P.O.V
"talaga bang hindi ka mag papaalam sakanya?" umiling lang ako tsaka nag patuloy sa paglalakad, lilipad na kami ngayon papuntang Canada dito na namin itutuloy ang college ni Xian.
i want to move on, kung dito ako mag m-move on mahihirapan ako, kasi nandito ang lahat ng sakit eh kakalimutan ko ang lahat si Pearl...mga nangyaring hindi maganda pwera lang si Mishca..hindi ako nakapag paalam sakanya.
"naks daming chix dito ah?" nag sisimula nananaman ang babaerong to!
humiwalay na ako sakanila dahil malayo ang bahay nila sa condo na binili ko dito sa Canada may bahay din kasi sila dito sa Canada pati sa France i guess? ewan ko ba! bakit ko ba kinukwento sainyo ang babaerong yun? "wow" napakalinis! may pa welcome pa ah? iba din ang may ari ng condong to nasaan na ba ang may ari nito at pakasalan ko naks "hi young man, do you like the condo?" tanong nung lalaki, medyo may katandaan ito ang haba din ng balbas amp
"a-ah yeah" ngumiti siya saakin at nakipagkamay, "I'm the C.E.O of my own Condominiums, i handled more than 20 buildings." s-siya ang may-ari nito? binabawi ko na ang sinabi ko kanina.
"a-ah sana all hehe" natakpan ko ang bibig ko sa sinabi, wala nga pala ako sa pilipinas "a-ah i mean that's great and you're so handsome" ngumiti siya saakin tsaka nag paalam na aalis na, sarap palang makipag plastikan dito mag uto-uto yung tao.
Mishca P.O.V
"te nababagot na ako dito mukhang walang balak mag pakita sayo yon!" mainipin talaga ang baklang to kahit kailan, napadaan sa harapan namin yung isang kasama ni Bryce sa basketball kaya agad ko itong tinawag "a-ah wait" tumigil naman ito sa paglalakad at humarap saamin "a-ako?"
"hindi yung nasa likod mo" inis na saad sakanya ni Rence "a-ah kasama mo si Bryce di'ba? p-pwede bang patawag siya?" nahihiyang saad ko, lumapit naman siya saakin tsaka ngumiti "ahhh si Captain? teka tatawagin ko siya" haist salamat naman, "nako buti nalang--"
"wala na pala si Captain nakaalis na" muli siyang bumalik habang kinakamot yung ulo "eh punyeta ka kung wala ka rin naman palang matutulong umalis ka sa harapan ko!" sigaw sakanya ni Rence kaya agad ko itong siniko "umalis? umuwi na siya ganern?" mahinang tanong ni Alyssa
"hindi, nag punta siya ng Canada doon na daw niya itutuloy yung college hehe" c-c-canada? wala sa sariling naglakad ako palabas ng paaralang yon, bakit hindi man lang siya nag paalam saakin? "nako te! pano na yan? wala ka ng ka bebetime, a-ah gusto mo saamin na lang tong adobo? hehe" tumango lang ako tsaka inabot sakanya ang niluto kong adobo na ibibigay ko sana kay Bryce, hindi man lang siya nag sabi na aalis siya yayayain ko pa naman siya bukas sa 18th birthday ko.
.
.
."te birthday mo now dapat hindi ka malungkotness" sumimangot lang ako sa sinabi ni Rence, paano ako magsasaya kung wala naman yung gusto kong dumating? ang daming niluto ni mama pero hindi pa rin sapat yon para i-enjoy yung birthday ko, sabi pa naman niya saakin non pupunta siya sa 18th birthday ko hmp sinungaling talaga!
BINABASA MO ANG
Until We Met
RandomPaano kung umibig ka sa maling panahon?maling oras? maling araw? ipagpapatuloy mo pa ba?