CHAPTER 4

17 2 0
                                    

WARNING: CURSE WORDS/VULGARITY ARE VISIBLE IN THIS CHAPTER. BINALAAN NA KITA.

YOONA'S POV

Ngayong araw mag sisimula ang misyon ko and I'm here in front of this this huge Gate. Grabe mukhang malawak talaga tong eskwelahang to.

Nagsimula na akong humakbang papasok dahil sa anong oras na din. Kung titignan, mukhang mayayaman talaga ang mga nag-aaral dito. Di rin mapagkakaila na malinis ang bawat kanto dito lalong-lalo na ang napakalaking building na kala mo ay kagagawa lang kahapon.

Students are seen everywhere. May ibang naguusap na malamang ay nag chi-chismisan lang.

Mula naman sa pwesto ko ay aninag ko ang mga basketball player na mukhang nagwa-warm up. Hmm.. mukhang exciting ang stay ko dito ah, mukhang maraming pogi.

Nagsimula na ako maglakad papunta sa classroom ko. Alam ko na ang bawat sulok nitong eskwelahan dahil kailangan kong malaman ang mga pasikot-sikot at para nadin mapadali ang misyon ko.

"Gurl! May kaguluhan nanaman doon malapit sa garden!"
"Ha? E ano ngayon? Ang tsismosa mo talaga!"
"Gaga ka wag kang mag panggap! tsismosa kadin kaya mag kaibigan tayo!"
"Gaga ka din! Tara na nga baka mahuli tayo sa balita!"

Narinig ko naman yung pinag uusapan ng dalawang babae. Kahit pala mayayaman ang mga to tsismosa din.

Sinundan ko naman ang dalawang babaeng nag-uusap kanina para malaman kung ano yung kaganapang sinasabi nila. Malay natin may kinalaman pala yun sa Poison Gang dahil nga sa gangster sila.

Pagkadatin doon ay mapapansing maraming nakikinood sa nagaganap na pag-aaway. Tignan mo tong mga to, basta away ang bibilis.

Nakita kong may tatlong babae ang nakatapat sa babaeng nakaluhod habang may mga gamit na nakakalat sa side na ito. Umiiyak yung babae habang nakayuko.

"How many times do I need to tell you to avoid blocking my way?! Bobo ka ba at hindi mo maintindihan na naiinis ako sa pagmumukha mo?!"

"I-im sorry"

"You bitch don't know how to respect us huh?"

/PAAAK!/

"Umagang-umaga sinisira mo ang araw ko! Dahil diyan sisiguraduhin kong hindi ka ngingiti hanggang matapos ang araw na to!"

"P-please, hindi ko napasin na parating ka Ella"

"Hindi napansin huh? Tsk! Girls! Let's make a memorable memory that she will never forget in her fucked up life!"

Pagkatapos sabihin yun ng Ella ay nagsimula na silang tatlo na pagsisipain yung kawawang babae. Kita sa mukha nila na nag-eenjoy sila sa ginagawa nila.

Tsk! Ganito ba mga tao dito? Ang sasama ng ugali! Pinag-aral nang magulang sa magandang eskwelahan tapos yung ugali patapon! Kawawa ang mga magulang nitong estudyanteng to, mukhang walang manners ang naisingit na kapiranggot na utak.

Tsk! Maka-alis na nga dahil sampong minuto nalang magsisimula na ang klase. Pero bago ako umalis ay kinunan ko muna ito litrato.

Nasaan ba ang mga guro at bakit walang sumisita sa pang-bubully ng mga yun? Wala manlang ni isa ang tumulong.

Nang makapasok ako sa pintuan ng classroom ay napatingin saakin yung iilang Estudyante na naroon. Mukhang nagtataka sila dahil sino ba naman ang mag e-enroll sa kalagitnaan ng semester? Edi ako tanga.

Nginitian ko nalang sila at naupo sa bandang likuran malapit sa may bintana kaso may nakaupong lalaki doon kaya sa tabi nalang niya.

"Hi!" - pag bati ko sa lalaking nasa tabing bintana.

The Agent and The GangsterWhere stories live. Discover now