CHAPTER 7

5 1 0
                                    

I pour small drops of water on my stained uniform to removed it, but since dark chocolate ang tumalsik saakin ay mahihirapan akong tanggalin ito. Patuloy ko lang tong pinapasadahan ng tubig na may kasamang pag kusot para kahit papaano ay hindi dugyot tignan.

Tsk! Ang bobo naman kasi ng babaeng yun may nalalaman pang pagtapon ng shake! Feeling ata nasa pelikula! Kaka cellphone niya yan!

I look at the girl beside me who's having hard time than me. Kumpara saakin ay mas malala ang inabot nito dahil sakanya ang sentro ng pagtapon ni Ella ng shake. I feel bad for her lalo na at halos buong uniform nito ay may mantsa.

"Don't you have extra uniform? You should change hindi basta-basta matatanggal ang mantsa sa damit mo" napatingin naman ito saakin habang hawak naman ang buhok na natalsikan ng shake kaya basa din.

"Yes I have! Since alam ko naman na mangyayari to" malungkot na ngumiti ito saakin. I can sense na aware naman siya sa pambubully nila Ella pero bakit hinahayaan nalang niya ito?

"I hope you don't mind, is there a problem between you and Ella with her friends? Sa nakikita ko kasi malaki ang galit nila sayo, so baka may pag aalitan kayo kaya ganun nalang ang galit nito sayo?" Napatawa naman ito habang sinusuklay ang buhok niyang basa dahil sa pag hugas nito sa sink.

"Problem? I don't know. Ilang beses ko na din tinanong yan sakanila dahil sa tuwing makikita or masalubong nila ako ay hindi nila maiwasang magbigay ng masasakit na salita saakin" nakangiti man ito pero bakas parin ang lungkot sa mga mata nito habang nagkekwento.

"Hindi ka na dapat nakisali kanina. Madadamay ka lang sa galit nila saakin at isa pa panandalian lang sana yun kung hindi ka na tumayo" dagdag pa nito.

What? So ano yun sanay na siya sa gawain nila? na normal nalang yung ganoong scenario? Damn! Ang kakapal pala talaga ng mukha ng mga yun.

"Wait did I hear it right? Bakit mo hahayaan ang mga yun na maliitin at saktan ka sa harap ng maraming tao? Malinaw na pambubully ang ginagawa nila sayo at dapat lang na lumaban ka!" Pangingialam na ang ginagawa ko pero hindi ko maatim na makakita ng taong walang laban na pinagkakaisahan ng marami.

This girl in front of me is a stranger but I don't care! Everyone deserves a justice! Umiinit ang ulo ko sa mga ganitong usapan! Ayoko na may taong minamaliit dahil sa kagustuhan ng iba. Ayoko ng ideya na may natatapakang tao para lang mataas ang tingin ng iba dito. Hanggat maaari pipilitin kong abutin ang hustisya na siyang karapatan ng bawat tao. Hindi ginawa ang batas para i display lang. Kaya kahit ano pang dahilan, hustisya ang dapat managot. Hustisya ang dapat na matanggap ng biktima. Hustisya na hinahanap ko noon pa man.

"Every student here knows who Ella and her friends are. Hindi lang sila bully ng school na to, kaya ganun nalang ang pananahimik ng mga tao dito tuwing madadaanan sila" saad nito habang nakatingin sa salamin ng comfort room na pinasok namin kanina lang. Nakita ko kung paano bumagsak ang mga balikat nito at humarap saakin.

"They are gangsters called 'Queens' sa pangunguna ni Ella bilang leader ng mga ito. Kilala silang marahas at walang sinasanto maski sino ka pa kaya ganun nalang kung umiwas kami dito" dagdag niyo sa sinabi niya kanina.

Really? A gangsters huh? The way they fight a while ago parang pusa lang kung lumaban. I believed gangsters are really strong especially in fighting since yun naman palagi ang hanap nila, ang sakit ng katawan. Hindi na bago saakin kung gaano bihasa ang ganuong klase ng tao dahil na din sa mga naka-engkwentro ko before. But compare to those students sa cafeteria? Jusq! parang tambay lang sa kanto kung makipag hamon ng away! Walang pinipili gusto sakit ng katawan lagi ang hanap! Tsk!

"Queens? The fuck? Sa dami na maiisip na pangalan yun pa?! Ang bantot ha!" Nakita ko naman ang pagtawa nito na sinabayan ko naman din.

"I know! But shh! Wag ka maingay dahil pag narinig ka ng mga yun malalagot tayo!" Pagpapa-alala naman nito saakin habang nakangiti.

The Agent and The GangsterWhere stories live. Discover now