CHAPTER 8

10 2 0
                                    

Hatak hatak ko ngayon si Yuri pabalik ng classroom dahil wala narin naman kaming gagawin. May pasok pa kami kaya kailangan na naming bumalik. Tsaka mas ok na nasa loob ng classroom dahil malamig kaysa dito sa labas na para kang nasa impyerno sa sobrang init! Kailangan ko mag palamig ng ulo dahil sa scenario na nangyari kanina. Kung hindi lang ako nakapag timpi malamang ay tumaas na ang boses ko habang nakikipag sagutan sakanila, pero ayokong mangyari yon.

Isa pa to si Yuri. Kanina lang determinado siyang magtulungan kami tapos kanina sa office halos mabilog na siya nung ginang na yun. Masyado siyang nag papadala sa sinasabi ng ibang tao.

Bago pa man kami makapasok ng academic building ay huminto muna ako at hinarap si Yuri.

"Yuri listen to me. Nagusap tayo kanina diba na magtutulungan tayo tungkol sa pang-bubully ni Ella? Pero bakit ka umaayon kay Mrs. Bautista kanina? Alam mo na mali sila Ella at pinag tatakpan lang ng kahit na sinong may katungkulan dito sa university dahil sa kapit nito kay Kian. Alam mo na binabaliktad nila ang sitwasyon at nag padala ka naman." 

I need to teach Yuri on how to stand firmly on her words. Kailangang panindigan niya ang kung anong lumabas sa bibig niya dahil kung bibigay siya ay malalason ng iba ang utak niya. Hindi dapat niya kalimutan kung anong pakay niya dahil sa huli, matatalo siya sa laban.

"I'm sorry Yoong. Alam ko namang mali na talaga ang ginagawa nila Ella pero hindi ko kasi maiwasang isipin din ang sinabi ni Mrs. Bautista kanina. Nagkasala din tayo kaya kailangan din natin managot. Lalo pa ng sinabi niya na nasa clinic ang mga ito at nagpapagaling. Secretary pa naman din ako pero wala akong magawa." Masyadong mabait ang babaeng to jusq! Ang tigas pa ng ulo.

"Kung ano mang nangyari kila Ella ay deserved nila yon. Sa dami ng kasalanan nila sayo actually kulang pa nga yon. Hindi mo dapat pinapaburan ang sinasabi ni Mrs. Bautista dahil nilalason lang niya ang utak mo. Oo nag kasala tayo pero hindi lang tayo Yuri, kasama sila Ella doon so dapat kasama sila sa makakatanggap ng punishment." Kung tutuusin kulang pa ang 3 days na paglilinis sa gymnasium kapalit ng ginawa nila no! Asa naman silang yun lang ang kahihinatnan ng ginagawa nila.

"Oo na. Pero kasi nung sinabi ni Mrs. Bautista na nasa clinic sila ay hindi ko maiwasang mag alala. Hindi sa kanila ah! Sa parents ko, dahil baka mag reklamo ang mga yon at mag pa tawag ng magulang. My parents don't know about this and if they found out, I'll be dead. Ayoko na din gambalain ang mga magulang ko dahil busy ang mga ito sa business namin. Kaya ganun nalang ang pag payag ko nung sinabi niya na punishment nalang ang ibibigay niya. Tapos ikaw kanina sinabi mo pa na kahit ipatawag ang parents nila! kaya ngayon kinakabahan na ako." Now I get it. Hindi sila Ella ang pino-problema niya kundi ang magiging reaksyon ng magulang niya sa kalagayan nito dito.

"Ok fine. Pero sa tingin ko naman hindi magpapatawag ng magulang ang mga yon dahil malaki ang magiging epekto sa business ng pamilya nila ang ginawa nila Ella. Isa pa, tinakot ko lang sila kanina para humarap sila Ella saatin at mabigyan din ng parusa. Hindi naman pwedeng tayong dalawa lang no! Buti sana kung tayo lang dalawa ang gumawa ng gulo!" Nakita ko namang natawa siya sa sinabi ko kaya hindi ko na din napigilang ngumiti.

"Gusto ko din naman makita sila Ella na tumanggap ng punishment dahil kahit isang beses ay hindi pa nila nagawa yun! I wonder kung ano magiging reaksyon ng mga estudyante pag nakita nila yun?"

Tumawa nalang kami habang nag iisip kung paano pagtawanan sila Ella ng mga inalipusta nila habang may hawak na walis o dustpan. Kung dati nadadaan nila sa pagrereyna-reynahan, pwes ngayon gusto ko makita silang gumawa ng isang bagay na labag sa loob nila. I'm not sure about what Kian will going to do if he found out that I hurt his girlfriend. Baka mag pa-background check siya saakin but I doubt it. Hindi naman niya siguro pag-aaksayahan ng oras ang isang beses na nanakit ng girlfriend niya. And if ever he did, wala din naman siyang mahahanap na impormasyon tungkol saakin. Ihahanda ko nalang ang sarili ko sakaling malaman ni Kian na ako ang may kasalanan. Tsk! Dapat pala dinagdagan ko ng sakit ng katawan ang babaeng yon para di na makabangon at makapang-gulo.

The Agent and The GangsterWhere stories live. Discover now