CHAPTER 5

11 2 0
                                    

WARNING: CURSE WORDS/VULGARITY ARE VISIBLE IN THIS CHAPTER. BINALAAN NA KITA.

Kung nakakamatay lang ang masamang tingin, malamang pinaglalamayan na ako ngayon.

Grabe kung makatingin tong lalaking to! Kasalanan ko bang magugulatin pala siya? Bulong nalang yung tanong ko pero nagulat pa siya. I facepalm.

"Are you mushroom? Para kang kabute bigla bigla nalang sumusulpot" mahinang sabi nito.

Ang cute ko namang mushroom kung ganon.

Kung alam mo lang Kim, mas nauna ako sayo.

"I saw you kaya lumapit ako" Nakangiting sabi ko.

"Anong tinitignan mo doon at mukhang seryoso ka?" Dagdag kong tanong. Tinignan lang ako nito ng masama. Gwapo sana to kaso maattitude!

"You don't care."

Aba tignan mo to. May attitude problem talaga tong lalaking to! I wonder kung may mga kaibigan ba to na nagtatyaga sa ugali niya. Hmp!

"Aba?! Alam mo napaka sungit mo tala-" naputol naman yung sasabihin ko ng takpan niya ang bunganga ko.

Yawa bat ambango ng kamay nito?

Sheez! Bat ang bilis mag bago ng mood ko? Naiinis dapat ako!

Narinig ko namang may paparating dahil sa yapak nito.

"Bobo ka pre ayan si garfield oh! Mukha bang aso yan?!"

"Aba malay ko bang may pusa pala dito. Nung nakaraan hindi ko naman nakikita yan!"

"Paano mo makikita e puro sa babae lang naman naka tuon ang mata mo!"

"Gwapo kasi ako"

"Gago kamo!"

"Shut up! Mabuti at pusa lang yon. Kung hindi, malamang lagot na tayo dahil sa ang dadaldal niyo!"

"Boss wala namang magtatangka na pumunta dito dahil sa mga kwento-kwento tungkol dito"

"HAHAHAHA mga bobo na naniniwala sa multo!"

"Tsk! Tara at pumasok nalang ang init dito"

"Papasukan pa natin yung last subjects? Nakakatamad!"

"Sanaol pinapasukan"

Nakarinig naman kami ng mga yabag papa-alis. Nag antay pa kami ng ilang minuto bago umalis sa pinagtataguan namin.

Jusq ang init! Ang tagal naman kasing umalis ng mga yun! May ka halayan din ang mga bunganga.

"Yah! Kim saan mo ako dadalhin?!"

Bat ba bigla biglang nanghahatak itong lalaking to?

"Hoy Kim! Sinasabi ko na nga ba!" Bata pa po ako!

"Shut up Lim! Itikom mo nga yang malaki mong bibig."

Potangena? Bastos talaga tong lalaking to! Babalian ko to ng buto naiinis ako! Malaki bunganga ko pero dyosa ako!

Binitawan naman niya ako ng makarating kami sa school garden. Hindi ko alam bakit ako dinala ng lalaking to dito. Naiinis ako ang sarap niya sapakin. Last time na may nagsabing malaki ang bunganga ko nabangasan ko sa mukha.

"What? Bat ang sama mo makatingin?" Tinarayan ko naman siya.

"Bakit mo ako dinala dito?" Tanong ko na may halong inis.

"Anong ginagawa mo doon sa lumang building?"

Sinong matino ang sasagot ng isa pang tanong?

"Bungol ka nga talaga! Sinabi ko na kanina na nakita kita kaya ako lumapit!"

The Agent and The GangsterWhere stories live. Discover now