CHAPTER 6

11 2 0
                                    

"Class dismissed see you next meeting everyone!"

Mabilis kong niligpit ang mga gamit kong nagkalat ng marinig ko ang sinabi ng professor namin sa harapan. Hindi ko na pinansin kung magulo ang pagkakalagay ko as long as mailagay ko na agad ito lahat. Narinig kong nag simula nang mag ingay ang mga kaklase ko ng makalabas na ang professor namin.

Nang masiguro kong nailagay ko na lahat ng gamit ko ay mabilis akong lumabas ng pinto kasabay ng ibang estudyanteng nakikipag unahan ding lumabas. Malamang nag mamadali din ang mga ito dahil lunch time na.

Hindi ko na alintana kung may mabangga man ako dahil sa kakamadali ko.

"Sorry!" Paghinhi ko ng maumanhin sa bawat nakakabangga ko.

Kailangan kong makapunta agad sa cafeteria dahil gutom na gutom ako! Lunch time ngayon kaya madaming estudyante nanaman ang mag uunahang pumila para maka bili ng makakain.

Katangahan ko dahil hindi ko nai-charge ang lowbat kong cellphone kagabi kaya late na akong nagising at nakapasok kanina. Hindi na din ako nakakain ng almusal kaya hinang-hina ako sa klase. Kaya ito ako ngayon nagmamadaling makapunta sa cafeteria para kumain at mapakalma ang systema kong hindi na makapag isip ng maayos.

"Isa nga pong order ng carbonara, one slice ng pizza and caramel cake. Samahan mo na din po ng isang pirasong fried chicken and one large dark chocolate shake!"

Mukhang nagulat naman yung babae sa pagmamadali ko at mukhang hindi naintindihan. Huminga muna ako ng malalim at ngumiti sa babaeng nasa harapan ko para hindi niya isiping ang weird ko.

"Isa pong order ng carbonara, one slice ng pizza, caramel cake and fried chicken samahan mo na din po ng one large dark chocolate shake" Dahan dahan kong banggit dito na mukhang na gets din naman niya agad. Maya maya pa man ay ibinigay na din nito ang order ko at binayaran ko na rin.

Agad akong umupo sa upuan na malapit sa gitna dahil iyon nalang naman ang malapit at walang nakaupo. Bago pa man ako sumubo ng carbonarang order ko ay napansin ko ang lalaking nakaupo sa katapat ng lamesang pwesto ko na nakaharap saakin. Hindi kalayuan ang pwesto nito mula saakin.

Its Kim na malalim ang tingin saakin na para bang sinusuri ako. Sinalubong ako ang mata niyang mapanuri. Ano nanaman kaya ang problema nitong lalaking to?

Tinaasan ko siya ng kilay at nag crossed legs. Ano ngayon lang ba siya nakakita ng dyosa na kakain?

He just smirked and continue sipping his drink. May kakaiba sa ngiti nito na parang nang-aasar kaya hindi ko nalang siya pinansin at sinimulang kainin ang pagkaing binili ko.

Tuloy tuloy lang ako sa pagkain dahil sa carbonara at fried chicken na para saakin ay bitin. Hindi alintana ang mga tao sa paligid na busy makipag usap sa mga kaibigan nila. Hindi ko na din napansin na may umupo na pala sa kabilang dulo ng mesang inuukupa ko. Maski ang tingin ni Kim na kahit hindi ko tignan ay ramdam ko ang panunuri at talim nito.

Naramdaman kong may natumba sa left side ko na siyang nakalikha ng malakas na ingay dahil sa lakas ng impact nito.

"Bwiset ka talagang babae ka kahit kailan! Ako pa talaga ang kinalaban mo!"

"E-Ella h-hindi ko n-naman alam"

"Sinong niloko mo? Hindi ka pa talaga nadala huh?!"

"Hoy Yuri! Nasaan na yung activity na pinagawa ko sayo?!"

"S-sorry Thea madami kasi akong g-ginagawa kaya hindi ko n-natapos"

"Wala akong pake kung madami kang ginagawa! Yung activity ko ang unahin mo dahil mas importante yun!"

The Agent and The GangsterWhere stories live. Discover now