CHAPTER 9

7 2 0
                                    

"Kris! Sige naman na kasi pumayag kana! Ito naman parang others ako ah!"

"No Yoona! Ikapapahamak mo yang ginagawa mo!"

"Tsk! Wala ka bang tiwala saakin? Kaya ko protektahan ang sarili ko. Sige na please kahit dito lang pumayag ka na!"

"Bukod sa nagpapadalos-dalos ka minsan sa desisyon mo, wala akong tiwala sa kakayahang gawin ng mga yun! Kahit gaano ka pa kabihasa, Yoona kaya ka nilang saktan lalo na kung marami sila."

"Hmp! Tao kumbinsihin mo nga tong bestfriend mo kakampi kita diba?!"

"Sorry Yoong, maski ako hindi sang-ayon sa ideya mo."

"Traydor ka Tao! Hindi ko ipapa-test drive sayo ang kotse ko pag bumili ulit ako ng bago!"

"Baekhyun? Help me kung ayaw mong ilayo ko sayo si Taeyeon!"

"Wag naman Yoong! Grabe kaka-kiss lang namin kahapon tapos paghihiwalayin mo na kami? Makinig ka nalang sa sinasabi ni Kris, kabutihan mo lang din naman ang iniisip namin."

"Yak! Ang weak mo Baekhyun sa kiss palang kayo? Tss! Ang bagal mo kumilos dude!"

"Tangina mo Kai! Wag mo ako igaya sayo na lahat ng magustuhan kakanain!"

Tumingin ako kay Kyungsoo, Chen at Lay pero pare-parehas lang sila umiling. Bakit ba ayaw nila?!

Lumapit ako kay Luhan na kanina pa nasa gilid at nakikinig lang. Hinawakan ko ang kamay nito.

"Lu? Tutulungan mo naman ako diba? Please, I promise last na to!" Hinawakan din nito ang kamay ko at tumingin sa mata ko. Feeling ko papanig to saakin kasi mas matagal niya akong naging kaibigan!

"Yoona maraming beses ka na nangako na huling beses mo na gagawin yon. Ayaw ka lang namin mapahamak sa gagawin mo. Alam naming kaya mong balian ng buto ang kung sino mang bumangga sayo pero tama si Kris, hindi mo kakayanin kung pagtulungan ka ng mga yun at mag-isa ka lang. Kaya ka namin protektahan kung sakaling bawian ka nila at may gawing masama sayo pero Yoong, hindi sa lahat ng oras nasa tabi mo kami lalo pa't nasa iba't-ibang misyon tayo. Please Yoong makinig ka nalang, mahalaga ka saamin kaya ayaw ka namin mapahamak."

Napabuntong hininga nalang ako sa sinabi ni Luhan. Talaga bang wala akong kakampi sa kanila? Pinagtutulungan nila ako! 8 vs 1? Tsk! Others talaga ako dito! Maghahanap na ako ng bagong kaibigan bahala sila!

Nandito ako ngayon sa lungga ng EXO para sana humingi ng tulong tungkol sa kaso ni Yuri. Pinaliwanag ko na sakanila ang balak ko pero itong si Kris ang naunang tumutol na sinang-ayunan naman ng iba. Naiintindihan ko naman na nag-aalala sila saakin pero sana naman ma gets nila yung punto ko! Alam nila na bumibigay ako pag ganun ang sitwasyon lalo pa at kaibigan ko si Yuri. Hindi niya deserved ang makaranas ng ganung buhay.

Isa pa ito si Luhan! Parehas kami ng sitwasyon. Parehas kami humahanap ng hustisya sa pagkamatay ng magulang namin pero bakit hindi niya ako maintindihan?

Ang tagal naman kasi nila Sehun, Chanyeol, Xiumin at Suho! Baka sakaling pabor sila saakin. Kailangan ko ng opinyon nila lalo na si Suho, isa siya sa leader baka kaya niyang makausap sila Kris.

"Fine! Kung ayaw niyo ako tulungan ako nalang mag isa ang gagawa! Hindi ako hihingi ng kahit na anong tulong sainyo!"

Kaya kong ilakad ang kaso ni Yuri kahit ako lang, pero may kasunduan kami ng EXO dati pa. Pinagbabawalan nila ako na manghimasok ng buhay ng iba dahil maaari ko daw itong ikapahamak. Alam ko naman na hindi ako minsan nag-iingat dahil madalas umiinit ang ulo ko sa kalaban or naiinip ako, pero minsan lang naman yun! Sila din naman ganun pero exempted daw sila kasi lalaki sila. Nasaan ang equality doon?! Kaya ko din ang ginagawa nila pero kung ituring nila ako parang pinanganak lang kahapon!

The Agent and The GangsterWhere stories live. Discover now