CHAPTER 10

9 3 0
                                    

Another day nanaman para magpanggap na nag aaral. Nakakamiss gumising ng hapon, yung tipong babangon ka lang pag nagugutom ka tapos manuod ng movie habang may nginunguya then malamig na inumin! Tapos balik kama ulit para matulog. Nakakamiss yung ganoong scenario na kahit wala ka namang ginawa maghapon pero pagod ka. Katamaran pakinggan pero minsan lang mangyare yon!

Anyways, Naglalakad ako ngayon patungo sa building kung nasaan nandoon ang room ko. Lakad na may kasamang stretching ang ginagawa ko. Ewan ko ba wala naman akong ginawa pero pag kagising ko ang sakit ng buong katawan ko. Potek para akong dinaganan ng demonyo habang tulog. Shoulder stretch, neck roll, and shoulders roll. Ilan lang yan ginagawa ko habang nag lalakad. More on upper body lang dahil kung mag toe touch ako dito baka nakita na nila ang mata ng bagyo, isa pa mukha na akong tanga non.

Habang naglalakad ay may naririnig akong sutsut sa likuran ko. Hindi ko nalang pinapansin, bahala siya kung sinong jeje ang sumusutsut sa likuran ko, tambay yarn?

"Pst!"

"Pssst!"

"Bitch!"

"Hey!"

"Fuck! Is she deaf?"

"I don't think so!"

"Hey! Girl with a long hair and white sneakers!"

I want to laugh at those idiots. Pinagtitinginan na sila dahil sa lakas ng boses. Bat naman kasi hindi nalang nila ako tawagin sa pangalan ko? Ni hindi manlang ba sila nag tanong kung anong pangalan ko? Tsk! Para lang silang nag exam na walang ballpen na dala. Ano nanaman kaya ang kailangan nila Ella ngayon?

"What now Ella and friends?" I said as I faced them. Sounds like Barney and friends.

"Tsk! Are you deaf? Kanina ka pa namin tinatawag ni hindi ka manlang lumingon!"

"Really? Pasensya na hindi ko narinig." I gave them my mapang-asar smile para mas maasar sila.

"Tch. So you know my name already? I'm not surprised. Gosh! I'm so popular!" Kakaiba talaga ang confidence ng babaeng to. Malakas ang tama, sa utak nga lang.

"You're the notorious student here, that's why I know you. You're popular for being the mastermind of bullying, who wouldn't know you?"

It's kinda fun watching her furious but it's more fun when her punishment starts.

"Napaka yabang mo talaga samantalang transferee ka lang naman! Mag iingat ka sa binibitawan mong salita dahil baka magmaka-awa ka saamin at kusa nalang umalis sa eskwelahang to!" Sabi nung babaeng may bandage sa ilong.

"Tsaka na ako mag mamakaawa pag maayos na yang ilong mo. Pero bago mangyari yun, dudurugin ko muna ulit yang ilong mo." Nakita ko kung paano siya umatras ng banggitin ko yun. Tignan mo to takot palang mapango lalo pero kung duruin ako akala mo napakatangos ng ilong. Hind pa nagsisimula ang laban bakit nakadapa na agad sakanya?

Galit na lumapit saakin ng dahan-dahan si Ella at bumulong sa tenga ko.

"Stop messing with us bitch. Hindi mo alam kung anong kayang gawin namin. Umatras kana hanggat maaga pa, baka hindi kita matantsa."

Gusto ko matawa sa pagbabanta niya. Like, really? Ayon na yon? Bakit hindi manlang ako nasindak? Girl unting push pa baka sakaling masindak naman ako.

Hindi ako nagpatalo at lumapit din ako sakanya at bumulong.

"Mama mo blue." Inilayo ko unti ang mukha ko sakanya tsaka ngumiti ng pang-asar.

Nakita ko kung paano halos mag dikit ang mga kilay niya dahil sa sinabi ko. Hindi rin nakatakas ang pagyukom ng kamay niya. Yun lang nagalit na siya? Ow kam on!

The Agent and The GangsterWhere stories live. Discover now