Pumasok kame sa bahay ni Xander, tahimik ang living room nila, sobrang lawak. May LCD TV, Long light green sofa na wooden yung arms and head rest, ganoon din sa mga Arm chair neto na nasa mag kabilang gilid, may coffee table sa gitna na may flower base with different kinds of flowers inside. Sa likod ng TV andoon ang staircase papunta sa second floor, the walls are creamed colored and the floor is marmole. May three steps stairs din pababa sa kitchen, I think.
Akala ko ba makikilala ko ang mga tropa nya? Eh mukhang si Xander at Rex lang ang andito "Nasa taas na naman ang mga yun ano?" Suddenly Tyler spoke beside me na para bang nabasa na naman nya ang sinasabi ng utak ko.
"Ano pa nga ba, May gusto ka Lexi? Drinks or Snacks?" Sbi ni Xander na nakatoothy grin, "Okay lang sa akin kahit ano wag lang alak ha?" Sabi ko with an unsure smile, hindi kase ko sanay makipag usap sa lalake ng ganito, ang mga boys na nakakausap ko lang ay sa school,mga nag tatanong lang kung ano ang assignment, kung nakita ko ba ang homeroom teacher namen, pero hindi ganito na close at outside the school pa.
"Naku, Hindi naman kame umiinom" Tawa ni Xander, "Hindi umiinom? Ng Alak?" I frowned "Oo Anung tingin mo sa amin may mga bisyo?" Lalo syang natawa at napailing, So wala silang mga bisyo? Eh bakit nung nakita ko sila sa mall at kung kausapin nila kame nun parang mga delinquent sila. "Tara na sa taas" Nabigla ako ng bigla akong hinigit ni Tyler pa taas, kasunod naman namen si Rex na parang laging excited. "Damihan mo chicha ha!" Sigaw ni Tyler na nakatingin sa baba, "Malamang kawawa naman si Lexi kung konti lang ibibigay ko mga halimaw pa naman kayo" Xander yelled back bago kame nag dirediretcho sa hallway sa second floor.
The walls are still cream colored pero may red carpet ang floor ng hallway, May tatlong kwarto kameng nadaan bago kame tumigil sa dulo ng hallway kung saan maririnig mo ang tawanan ng mga lalaking nag aasaran. "Putek! Wag nyo na nga palaruin si Zach lage syang nanalo eh" A husky voice yelled, Naramdaman ko na naman ang kaba paano kung asarin lang nila ako o kaya ay paiyakin? Mabait si Xander, pero lahat ba ng tropa nya ay ganun? Wala pa naman si Anhie at Kitty ngayon.
I watched as Tyler grab the door knob and he slowly twisted it. Bumukas ang puting wooden door ng dahan dahan pero kahit dahan dahan pa yun, naramdaman ng lahat ng tao sa loob ng kwarto yun, Lahat sila nakatingin sa direksyon namen, Para silang mga batang paslit na dumating ang parents nila kaya tumigil sila sa pag lalaro.
Meroong tatlong tao na nakaupo sa King Size Bed na mukhang pinag gulungan nila dahil ang gulo gulo na ng red na blanket neto, Yung mayabang na sharp ang jawline ay prenteng prenteng nakalean ang ulo sa headboard ng kama, habang nakastrecth ang paa nya at nakapatong ang mga elbows nya sa isa sa mga pillows ng kama, may hawak hawak syang controller na X-BOX ang nakalagay. Nakasuot pa sya ng uniform ng school nya na black pants at black socks, nakabukas ang polo nito na may sando sa loob, Ang brown na buhok nito ay nakaspike na naman. Nakatingin sya sa amin na parang inaantok o talagang ganun lang ang mga mata nya? Mukha talaga syang masungit na mayabang.
Yung isa naman ay naka indian seat beside him, yung meroon one eyelid, grabe isa nga lang talaga ang eyelid nya, Nakaspike din ang buhok neto, Hindi sya nakauniform, nakablack jacket sya and black sando sa loob na may pang rakistang design, parang skull or something. May head phones na nakalagay sa leeg nya, nakarest ang mga elbows nya sa pillow at mukhang enjoy sya sa panonood dahil nakagrin sya nung napalingon sa amin.
Sa kabilang side ng kama andun yung mukhang Bad boy na nakasuot ng white polo shirt na may purple design sa right side, hindi naman yun mukhang uniform ng school nila, siguro ganoon lang sya lage mag damit akala mo may okasyon, nakastyle din ang black hair nito na medyo may spike din. Pero may ilang strands ng hair nya ang nag fall sa may left eyebrow nya kaya kahit tan ang skin nya gwapo din pala sya.
BINABASA MO ANG
DEAR ELIZA,I HAVE A BOYFRIEND PERO DI NYA ALAM
RomansNBSB o NO BOYFRIEND SINCE BIRTH .. Isa si Alexia Marie Montoya sa mga yun, bibihira na lang ang NBSB sa panahon ngayon at para sa kanya isang malaking kahihiyan yun para sa pag ka babae nya. Walang suitors or even flowers, chocolates and love letter...