EIGHT: FAIL

157 20 21
                                    

A/N: Happy 1k+ reads! Huwaaaah! It's so over whelming, lalo na yung positve feedbacks na nababasa ko. Hindi man ako makareply, na aappreciate ko talaga lahat yun.
Add me on FB: Stellai Maknae or go to my profile andun yung link. ✌
PS. Hindi ko alam ang itsura ng Palawan o kung anung itsura ng daan papunta dun? HAHA , so imagination ko lang lahat ng mababasa nyo dito. #Staycation

---------------------------------------------------------------

Dear Eliza,

Sorry to tell you this pero kelangan kitang iwan sa bahay ngayon. Pupunta na kasi kame sa Palawan with the girls and Tyler's friends. Woooh! Goodluck to me, I hope maka-survive ako sa 1 week na stay namin doon. 1 week with arrogant Tyler, 1week day and night that we had to pretend that were someone we are not ....

----------------------------------------------------------------

I was standing impatiently outside the school's gate, 8am ang usapan namin, dahil pag 10 tirik na ang araw at summer na ngayon napaka init mag antay lalo na at ang tagal pa nilang dumating.
Si Anhie hindi na ako nag tataka dun kung late talaga yun, pero si Kitty nako siguro nag pa sundo na naman ang babaeng yun sa kanya.

Hindi ko na din tinext si Tyler, sinend ko lang sa kanya yung details kagaya ng pinagawa ni Kitty. Dahil kung ako ang masusunod ayoko talagang kasama sya sa summer get away na to, pakiramdam ko may kakambal kase talaga syang trouble ih, I looked at the time on my phone, hindi ako nag susuot ng wrist watch because as embarassing as it my sounds, hindi ako marunong tumingin nun.

Nalilito ako pag hindi na nakatapat yung arrow sa numbers and it's pointing on a space between them ang hirap i-determine kung anung oras na pag ganun.

Maya maya pa ay may humintong Van sa tapat ko, my eyebrows raised. Magtatanong kaya to ng direksyon?


I waited na ibaba ng driver ang bintana nya at sumilip pero wala, 2 minutes na ata silang naka-park sa harap ko.


I rolled my eyes and na isip ko siguro nag park lang talaga sya at ang bastos naman para sa tapat pa ng taong may inaantay.

Hinila ko ang maleta ko at nag simula na akong mag lakad pa layo sa Van na yun, sa ibang pwesto na lang ako mag aantay yung madali ako makikita nila Kitty.

Buti na lamang at suot ko na ang white summer hat ko with black ribbon sa left side, kaya naman may pantakip ang mukha ko sa araw, I was wearing a pink shirt with yellow big star design infront, and a white lining on the sleeves and on the neckline, rip jeans and pink converse, Hindi ko alam kung bagay, madidislocate kase yung hat pag nilagay ko sa loob ng maleta.

"Bakit naman kaya napaka tagal ng mga--" I was cut off and my eyes widened ng maramdaman ang malalaking kamay na tumakip sa bibig ko, lilingunin ko sana kung sino ang tao sa likod ko pero bago ko pa gawin yun ay may bumuhat na sa akin.

Para akong sakong inihagis sa balikat ng matangkad na lalaki na my suot na unggoy na maskara, yung mga maskarang sinusuot ng mga bata na may tali sa likod at mga naka-smiling face, na hulog ang sumbrero ko dahil sa ginawa nya.

DEAR ELIZA,I HAVE A BOYFRIEND PERO DI NYA ALAMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon