CHAPTER THREE

768 12 2
                                    

"oh hey there, Andrea, gusto mo bang kumain tayo ng sabay-sabay, like we used to, before?" paalis na sana ako ng makita ako ni Liah.

Mabilis ang naging pag iling ko, sign na tumatanggi ako, "hindi na, moment ninyo yan ni Eon, hindi ako pwede" napansin ko ang pagtigil ni Eon sa pagluluto ngunit mabilis niya itong pinagpatuloy ulit.

"bilis na Andrea, i missed you na kaya, ang tagal na nung huli nating nag bonding" nginitian ko lamang siya at bumuntong hininga.

"may pupuntahan kasi ako Marliah e, kailangan ko nang umalis doon na ako kakain" lumungkot naman ang muka niya pero bumuntong hininga

"okay, ingat ka, ako na muna ang bahala sa asawa mo" tinanguan ko siya, kita ko rin ang pag ngisi niya.

Marliah De Jesus is a brat, kung brat ako mas brat siya, she knows as a campus queen, noong nag aaral pa kami, totoong maganda siya at mabait sa lahat ng tao, yun nga lang ay nagbago ang lahat sa amin ng magpakasal kami ni Eon, lahat ng pinapakita niyang kabaitan ngayon ay puro kaplastikan lamang.

"i want to eat with you talaga Andrea, please pwede naman ipagpabukas yan e" pangungulit pa rin niya.

"pasensya ka na talaga Liah, hindi pwede-"

"h'wag mo na lang pilitin honey, if she wants to eat alone then let her, umalis ka na Cassandra pakibilisan mo " that's Eon and he cut my words again.

Tumango lang ako at tumalikod, sa paghakbang ko ay unti unting nagsituluan ang mga luha ko.

Why do i feel so homeless when my parents aren't around?.

Nagmamadali akong umakyat sa kwarto at naligo, nagbihis na din ako ng isang dress.

Balak kong bisitahin ang ate Cassidy ko.

Nagtext si mommy na nandoon na sila kaya dali dali akong sumakay sa kotse ko at nag drive papuntang private cemetery.

Dumaan muna ako sa bilihan ng mga bulaklak, isang yellow tulip ang nakaagaw sa atensyon ko, my ate really love tulips so much,

"hello, isang bouquet nga po ng yellow tulip gandahan po ninyo ang pag arrange ha" nginitian naman ako ng babae

"right away ma'am just wait lang po ng ilang minuto"  nginitian ko lamang siya.

Maganda ang shop na to, tyaka madaming mga bulaklak, magaganda rin ang qualities, well maganda din naman ang qualities ng bulaklak sa flowershop ni Shine pero masyadong malayo iyon at salungat sa daan kaya dito ako bumili,

Pagkatapos ng pag a arrange ng bouquet ay kinuha ko na ito at nagbayad at umalis na.

Nang makarating sa sementeryo ay nandoon na nga sila mom at dad, may handa din silang lamesa.

Did i mention na parang isang maliit na bahay ang puntod ng ate ko, may regular din na tagalinis dito araw araw.

Hindi ako nag abalang batiin sila mom at dad at pinuntahan ko agad ang puntod ni ate at nilapag ang kulay dilaw na tulips sa ibabaw ng puntod niya.

"hi ate ko! Im twenty-four na tapos ikaw stuck sa eight years old, anduga mo...hmmp nakakainis ka talaga" ngumiti ako at sinindihan ang kandila.

"belated happy birthday my one and only, i really miss you Cassidy Villa"

"Cassidy Andrei Villa,"pagbasa ko sa pangalan niya sa lapida "i really love your second name! kapag nagkaanak ako ipapangalan ko sayo ate para cool hihi" saad ko,

Tumayo ako at humarap kila dad na kanina pang nanonood sa akin.

"hi mommy and daddy" bati ko sa kanila.

"wow dad, ngayon lang tayo napansin ng anak mo" sarkastikang saad ni mommy kaya natawa kami ni daddy

"Cass... anak maupo ka," si daddy na pinaghila pa talaga ako ng upuan "salamat daddy" I don't know pero kapag kasama ko sila mom at dad pakiramdam ko bata pa rin ako at wala pang asawa.

"mommy na miss ko ang luto mo, ang sarap sarap po" saad ko at kinurot nito ang pisngi ko si daddy masaya lang na nanonood sa amin.

"anak"

"po?"

"nag-usap kami ng daddy mo, about sa company, kailan ka ba mag papractice anak, kailangan nang mapalitan ang CEO ng kumpanya, hindi na kami malakas ng daddy mo" yes my mom and dad is 63 years old na, matagal na silang kasal bago magkaanak, dahil madalas nakukunan ang mommy ko.

"mommy i always wanted to be a full-time wife" saad ko kay mommy.

"pero anak" si daddy pero natigil siya ng hawakan ni mommy ang kamay niya

"mahal, if she's not yet ready to be a CEO, then, let her be, balang araw maiisip din niya na mahalaga ang kumpanya, right anak?" napangiti ako at tumango

"give me some time po mommy, daddy, "

Inabot kami ng hapon doon sa cemetery.

Nang papauwi na kami ay dumaan kami sa isang bakery at bumili ng nga pasalubong for our maids, yes, my mom and dad love our maids and servants.

They don't treat them like a maid or servant instead, they treat them like a family, same as I treat them.

Madami rin akong kasundo na mga maids lalo na si Gracia, she's at the same age at mine,kapag umuuwi ako sa mansion namin ay palagi ko siyang pinasasalubungan.

Sila mom lang ang bumaba sa kotse habang ako ay nagpa-iwan sa loob.

Naalala ko na naman ang scenario bago ako umalis sa bahay kanina.
Pakiramdam ko unti-unti akong namamanhid ng dahil sa paulit ulit na sakit na ibinibigay niya sa akin.

Naramdaman ko ang pangingilid ng luha sa mata ko at agad na pinunasan ang mumunting butil na kumawala dito ng makita ang mga magulang ko na patungo nang muli sa kotse.

Nginitian ko si dad ng abutan niya ako ng paborito kong desert, together with my favorite drinks.

"thank you dad" nginitian niya ako, kita ko din ang mga wrinkles na namumuo sa muka niya.

"anything for my princess" saad niya at nagtungo na sa drivers sit, upang magdrive pero bago niya gawin iyon ay inalalayan niya muna si mommy papaupo sa passengers sit.

They are 63 and still love each other, kami kaya ni Eon, may pag asa ba na mahalin namin ang isa't-isa kahit sa saglit na pagkakataon lamang?

MY ABUSIVE HUSBAND (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon