Nang makarating sa bahay ay nasa garahe na ang kotse nila mommy, meaning to say nandito na sila. Pagka park ng kotse ay agad akong bumaba ikinanguso pa iyon ni Eon at ngayon ay nagmumuka na siyang pato dahil sa haba ng nguso niya habang papasok kami sa bahay, medyo na curious ako kaya hinarang ko ang aking braso sa harapan niya dahilan upang mapatigil siya sa paglalakad at bumaling ang atensiyon sa akin na naguguluhan sa mga ikinikilos niya.
"teka nga, ano bang nginunguso nguso mo diyan Eon Foster?" tanong ko habang nakapameywang sa kaniyang harapan.
"just uhh...never mind, let's go" akmang hahawakan niya ako nang taasan ko siya ng kilay, pansin ko ang paglunok niya at bahagyang pamumutla kaya natutuwa akong pagmasdan siya..
"fine.... fine..... I want to open the door for you but ikaw na yung nagbukas wala naman akong magawa kundi ang panoorin kang bumaba sa kotse" napahalakhak ako sa sinabi niya embarrassment was plastered in his face "Don't laugh at me woman I swear"
"swear what?" pang aasar ko pa.
" I swear that I'll marry you right away" bahagya akong namula at nagpatiuna na lamang sa kaniya papasok sa bahay. Si mommy ang bumungad sa akin na may malalaking ngiti sa labi.
"hey mom, how's your date with daddy and Heather?" saad ko bago mag mano sa kaniya.
" It was fine anak, kayo? how's your date?" malawak ang ngiti nitong tanong sa aming dalawa wala akong balak sumagot at naramdaman yon ni Eon kaya siya na ang sumagot para sa akin.
" It was also fine Tita, I drop her at the cafe nearby where she talked to Sid for some reason" lumungkot ang mga mata ni mom ng marinig ang pangalan ni Sid, marahil ay naaawa ito dahil sa set-up namin pero alam kong maiintindihan din iyon ni mom.
Sabay sabay kaming kumain ng makarating sa hapag, ang senaryong iyon ang pinakamagandang senaryo na naranasan at natuklasan ko simula nuong huli kaming kumain kasama si ate Cassidy maraming taon na ang nakalilipas.
Ang senaryong si Eon na sinusubuan ang nag iisa naming anak habang nakikipag usap ng matiwasay sa aking mga magulang ay ang pinakamagandang tanawin sa lahat ng magagandang tanawin na nakita at napuntahan ko buhat nang ako'y magkaisip hanggang sa magkaanak sa lalaking lubos kong minahal simula pa lamang nang ako'y wala pa sa wastong gulang, ang lalaking lihim ko lamang na minamahal at pinagmamasdan, ang lalaking buhat mag-umpisa ang lahat ay akala ko'y kaibigan lamang ang turing sa akin ngayon ay nasa aking harapan mataman kong pinagmamasdan at patuloy na pinagdarasal sa panginoon na sana ay magtuloy tuloy ang magandang scenario na ito na paulit-ulit kong gustong matuklasan hanggang sa ako'y bawiin ng may kapal.
Nang matapos ang pagkain ay nagtungo kami sa kwarto, ganon rin sila mom dahil napagod daw sila kakagala kanina.
Kanina ko pa rin na pinagmamasdan ang mag-ama ko na naglalaro habang nakaupo sa pink mat ni Heather.
"Hey little Heather, you're so cute, I can't imagine that I can produce that kind of genes, you're a goddess anak" pagkausap nito sa anak na animo'y nagkakaintindihan silang dalawa dahil panay din ang huni ni Heather. Napupuno ng tuwa at galak ang aking damdamin sa pagnood lamang sa aking mag ama, I can't imagine that this will happen.
That the Eon Foster Ofracio, my childhood bestfriend, my first love, my first heartbreak, will be this kind of father to our daughter Heather. Maybe in the past he's a jerk but I know he has a reason why he does that kind of things to me.
Nakangiti siyang tumingin sa akin kaya ngumiti akong pabalik sa kaniya he mouthed 'I love you' kaya mas lalo akong napangiti
"I love you too Eon Foster" he blushed and that made him cute.
___
Naramdaman ko ang paglubog ng kama sa tabihan ko , nakatulog na pala ako habang pinapanood ang mag ama ko habang naglalaro. Bahagya akong nagmulat ng maramdaman ang labi ni Eon sa aking noo, kaya ngumiti ako sa kaniya.
"what time is it?" I asked.
"it's already six in the evening and nagpunta si tita dito kanina, tinatawag na tayo para kumain at nagluto daw siya" mahabang paliwanag nito.
"ang aga naman magpa dinner ni mom, usually seven o'clock kami nag di-dinner" nagtatakang saad ko pero nagkibit balikat din siya.
"where's Heather?"
"ahh, she's downstairs, inaalagaan ni Shine
"oh? she's here?"
"yeah"
"why?"
"ang sabi niya napadaan lang siya, hinahanap ka niya kanina pero ang sabi ko natutulog ka kaya kinuha na lamg niya si Heather."
" oh I see, let's go downstairs na, I'm hungry na rin kasi"
Inalalayan niya akong makababa sa kama hanggang sa bigla niya akong buhatin nang pababa na kami sa hagdanan, I was really confuse so I ask him.
"Why are you carrying me? anong meron?" he just ignored me that made me roll my eyes.
"I saw you woman"
"so what?"
"how sweet of you my Cassandra" I blushed, he always knew how to make me mute.
Buhat buhat pa rin niya ako hanggang sa makarating sa garden sobrang dilim naman dito at sobrang tahimik din, kaya alam kong walang tao kundi kaming dalawa lang.
"anong ginagawa natin dito?" I asked innocently.
"Cass, you want to marry me again?" my forehead creased .
"what do you mean?"
"I said if I ask you to marry me right now, will you accept my proposal?" he asked that make my heart race like I ran on a marathon.
"baby I'm asking you"
" I.... I....Of course mi amore, why not? I always want to have a better-" I stopped when he kneeled in front of me, holding a small emerald box, when he opened the box biglang nagliwanag ang paligid at nandoon ang buong pamilya naming dalawa, ang kaibigan si Sid, sila Gen, at ang mga magulang at kaibigan naming dalawa.
" Cassandra Andrea Villa-Ofracio, will you marry me again?" wala akong pakialam kahit wala akong sapin sa paa at nagtatalon ako sa halo-halong emosyong nararamdaman ko.
"Of course mahal, I do, I will marry you again" he sid the ring onto my finger and the crowd cheered as he kissed me on the lips and hugged me.
"I love you Cassandra, and I love Heather too" magkayakap kaming tumingin sa mga taong nanonood sa amin at nakatingin sa amin ang isang taong gulang naming anak na nakaupo sa stroller nito kaya nginitian namin ito.
We may not have a nice begining, but atleast at this moment we can make things right, and I promise that in order to make our family happy, I will always be a good wife and mother to Heather and our future kids.
This is Cassandra Andrea Villa-Ofracio, signing off.
END.
BINABASA MO ANG
MY ABUSIVE HUSBAND (COMPLETED)
RomansaCassandra and Eon are victim of arrange marriage. Cassandra love's Eon more than she love herself. After so many years when her 18th birthday came, she wished that she wanted Eon Foster Ofracio to be his husband selfishly, and because she's the only...