I woke up in the morning with my swollen private area, the heat immediately flushed in my cheeks when I remember how manly he is on the top of the bed, habang inaangkin ako.
Dahan-dahan akong tumayo at pinagmasdan ang paligid, wala na siya sa aking tabi, tanging ang pagbagsak ng tubig sa banyo ang naririnig ko at ang nag iingay niyang telepono, kahit masakit ang aking kaselanan ay pinilit kong tumayo upang makaalis na sa kwartong ito.
Pagkarating ko sa aking kwarto ay madali akong naligo at ini impake ang mga gamit ko, mas maigi ng umalis ako habang naliligo siya ng sa ganon ay hindi niya ako pigilan, kung pipigilan man niya ko.
Nang makatapos ako sa pag iimpake ay muli akong nagtungo sa kaniyang kwarto upang ilagay ang annulment paper namin na pirmado ko na kalakip noon ay ang sulat ng aking pamamaalam sa kaniya.
Bigla akong natigilan sa akmang pagbubukas ng pintuan ng kaniyang kwarto ng marinig kong may kausap siya sa telepono,
"Babe, Liah, look im trying everything para mahulog siya sakin and guess what?......yeah paniwalang paniwala siya, hindi ko alam na may pagka uto uto rin pala tong si Cassandra..... yeah babe, I bet she's taking a bath at her room....yeah ....what!? kill her?....no that's --- okay alright, gagawin ko para sumaya ang reyna ko. I love y-" with that, I let him break me into billion pieces again. Nagsimula na ring manginit ang palibot ng mata ko ngunit pinigilan ko, walang iiyak Cassandra, malakas ka kaya hindi ka iiyak.
Matagal magbihis si Eon kaya ginamit ko nang oportunidad iyon upang makaalis ng hindi niya nalalaman,
Dali dali kong kinuha ang gamit ko sa aking kwarto at walang ingay na bumaba ng hagdan.
Inilapag ko na lamang din sa bar counter ang annulment paper para sa kanya.
nang makalabas ng gate ng bahay ay muli kong nilingon ang magarang mansiyon na naging saksi ng bawat pag aaway naming dalawa, ng bawat sakit na ayoko ng maulit pa,
Mamimiss kong alagaan ang mga yellow tulips sa Garden ko, pasensya na kayo, sobrang nasasaktan na talaga ako.
Habang naglalakad palabas ng village ay hindi ko maiwasan ang maluha sa mga sitwasyong nangyari sa akin, sa mga nagdaang buwan at taon, at ang kanina, na akala ko totoong mahal na ako ni Eon ngunit kasinungalingan lamang pala iyon, upang pasiyahin ang babaeng tunay niyang minamahal.
Siguro I used too much, masyado akong nagamit ng mga mapagsamantalang tao na kagaya ni Liah at Eon.
For now, I need to love myself more than anyone else's.
If that opportunity to love somebody knock on my door, I will instantly dump it, nakakasawa ng magmahal, nakakadala na to the point na kailangan kong masaktan ng masaktan para lang sa ikabubuti ng taong mahal ko.
Alas otso pa lang ng umaga pero sobrang tirik na ang araw, pano pa kaya mamaya?
Kampante ako na hindi rito dadaan si Eon dahil madalas sa likod ng village siya dumadaan, short cut iyon papunta sa kumpanya niya wala ring traffic at kakaunti ang dumadaan.
Tumingala ako sa langit at biglang nakaramdam ng hilo, naalala kong ni kahit isang mansanas pala ay hindi pa ako kumakain ngayong umaga, nakakainis
naman.Pagbaba ko ng tingin sa lupa ay biglang tumindi ang hilo ko at naging sanhi ng pagkahimatay ko, ang huli kong natandaan ay may mga bisig na sumalo sa akin bago ako tuluyang mawalan ng malay.
Nagising ako sa ingay ng aking paligid, naririnig ko ang boses nila Dad at Mom pati na rin ang mga kaibigan ko, nasan ako?
"Tita,tito... Im not in to the position para po sabihin to pero, si Eon, he always hurt your princess po" boses iyon ni Dianne dahil malumanay, dahil kung si Shine ang nagsasalita, malamang hanggang rooftop ay rinig ang boses niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/232435302-288-k130090.jpg)
BINABASA MO ANG
MY ABUSIVE HUSBAND (COMPLETED)
RomanceCassandra and Eon are victim of arrange marriage. Cassandra love's Eon more than she love herself. After so many years when her 18th birthday came, she wished that she wanted Eon Foster Ofracio to be his husband selfishly, and because she's the only...