Chapter 4

382 22 1
                                    

Jennie



Nilakad na lamang namin pareho ni Miyu ang restaurant na gusto nito na kainan naming dalawa. Hindi ko na rin nagamit pa ang aking bisikleta at mas pinili na lamang ang maglakad at makipag kwentuhan kay Miyu, ngunit dala-dala namin ito hanggang sa restaurant.


Isa pala siyang transferee sa St. Wood at bukas na ang unang araw niya sa eskwela. Napadaan lamang daw ito sa University kanina para tignan at kumuha ng kanyang schedules.


Ngunit iyon nga lang at nakasalubong nito ang mga dakilang bully ng St. Wood. Kawawa naman.


Ayon sa kanyang kwento, ay nanggaling ito sa Japan. Isang Japanese ang kanya ama at isang Filipina naman ang kanyang ina. Lumipat na sila ngayon dito sa Pilipinas for good, dahil mas gusto na ng kanyang magulang ang dumito na lamang.


"Pero bakit St. Wood?" Nagtataka na tanong ko sa kanya noong makaupo na kami sa napili naming table na mayroong apat na upuan sa gilid nito.


Nagtataka talaga kasi ako bakit St. Wood ang napili nitong University, knowing na kilala itong maraming bully na estudyante.


Hindi ito nakasagot agad at mataman lamang na nakatitig sa akin bago ako binigyan ng isang ngiti. HIndi ko tuloy maiwasan ang hindi makaramdam ng pagkailang dahilan upang mapaiwas ako ng tingin.


"Would you believe me if I said that because you are in St. wood, kaya dito ko napiling mag-aral?" Mabilis na napalingon akong muli sa kanya dahil sa sinabi nito.


At swear! Napaka seryoso lamang ng mukha nitong nakatitig sa akin. Dahil doon ay kusa ko na lamang naramdaman ang pamumula ng mukha ko. Hanggang sa dahan-dahan na gumuhit ang isang matamis na ngiti sa kanyang labi.


"Kidding." Sabi nito habang naka ngiti. "I was just teasing you, Jennie. You're so cute. Paano ko malalamang nandoon ka, eh bago lang kita nakilala." Dagdag pa niya at noon naman dumating na ang waiter para kunin ang aming order.


"So, pwede ko bang malaman kung..." Natigilan ito sandali dahil inulit ng waiter ang aming order.


"K-Kung?" Medyo utal na tanong ko dahil hindi ko alam kung bakit bigla yata akong na tense na kaharap siya ngayon. Muli itong nagbaling sa akin pagkaraan ng ilang sandali noong tuluyang makaalis na ang waiter.


"Kung bakit palagi kang mag-isa?" Tanong nito. "I mean, you're pretty, you're cute, you're nice and sa tingin ko naman, hindi ka mahirap kaibiganin pero bakit wala yata akong napapansin na--"


"Because she's a bookworm? At dahil ako lang ang kaibigan niya." Putol ng isang kilala kong boses kay Miyu. Mabilis na napalingon kaming dalawa sa nagsalita.


Hindi ko mapigilan ang mapasinghap noong makita ko ang seryosong mukha ni Lisa, na matalim na nakatingin lamang kay Miyu.


Patay. Sabi ko sa loob ko. Nakalimutan ko na dito rin nga pala sila nagtungo ni Kuya kanina.

The Girl I Love The Most (JENLISA GirlxGirl) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon