Chapter 46

297 14 2
                                    

Jennie



"Ready ka na ba? Excited?" Magkasunod na tanong ni Lisa sa akin.

"Sa alin?" Wala sa sarili na tanong ko rin pabalik dahil abala ako sa pag-stalk ng kanyang instagram.

Grabe!

Ang dami niya talagang followers! Daig pa ang isang artista. Siguro kung mag-aartista itong girlfriend ko, mas lalong dadami pa at dadagdag ang mga naka follow sa kanya rito.

Haaaaaay. Ang blessed ko, hindi lang swerte, dahil sa akin na siya ngayon.

At mananatiling AKIN LANG SIYA!

Mula noong nagbago na rin ang pananamit at itsura ko sa tulong ni Nami, unti-unti na rin na binabaha ng follwers ang Instagram ko, na dati-rati ay nananahimik lang.

Sa mundo talagang ginagalawan natin, hindi maitatanggi na 90% na basehan sa isang tao ay itsura.

Tss!

"Mahal, kanina pa ako dada ng dada rito hindi ka naman nakikinig. Mukhang hindi ka naman interesado." Pukaw nito sa aking atensyon.

Napatawa ako dahil sa narinig ngunit nasa cellphone pa rin nakapako ang aking mga mata.

"S-Sorry na, may tinitignan lang ako." Paghingi ko ng paumanhin.

"Ano ba kasi 'yang tinitignan mo? Or SINO?" Bigay diin nito sa huling sinabi. "May ini-stalk ka na bang iba? At sa harapan ko pa? Grabe naman!" Pagpapatuloy niya. Nahihimigan ko rin ang pagtatampo sa kanyang boses.

Muli akong napatawa. Tss! Kulang alam lang niya na siya lang naman itong kahit kaharap ko na eh, ini-stalk ko pa rin.

Noon naman nag-angat na ako ng aking paningin at ibinaba na ng tuluyan ang aking cellphone.

Ngunit wala pang ilang segundo nang tumama ang aking mga mata sa kanya, nang mabilis ko itong hampasin sa kanyang braso, dahilan upang mapangiwi siya at inis na napatingin sa akin.

"Aww!! What was that for?" Mataray na tanong nito sa akin ngunit pinandilatan ko lamang siya ng aking mga mata.

"Sa susunod kung titingin ka sa iba, pwede bang huwag kang magpapahuli sa akin?" Inis na sambit ko bago napa-cross arms.

"At talagang sinundan mo pa ng tingin ha! Bakit hindi ka na lang tumayo d'yan at tanungin ang pangalan niya. Nahiya ka pa eh!" Pagpapatuloy ko pa na halos umusok na ang ilong. "O gusto mo ako ng gumawa para sa'yo, I support!" Dagdag ko pa.

Ngunit sa halip na mapikon ito sa akin ay pinagtawanan lamang niya ako.

Wala rin naman akong pakialam sa mga nakakarinig. Hmp! Hindi naman nila kami kilala. Isang beses lang nilang makikita ang pagmumukha namin sa restaurant na ito.

Mas lalong naging seryoso ang aking mukha dahilan para matigil ito sa kanyang pagtawa.

"Ang seloso naman ng girlfriend ko." Biglang paglambing nito bago tumayo. Umikot siya sa lamesa at tumabi sa akin.

Nasa harapan ko kasi siya kanina nakaupo kaya kitang-kita ko talaga 'yung pagsunod ng mga mata niya sa dumaan na babae kanina.

Ewan ko rin at kung bakit bigla na lamang akong nairita.

Eh paano ba naman ang laki ng boobs no'n! Nahiya bigla 'yung hinaharap ko sa kanya.

"Hindi mo kasi ako pinapansin eh." Sabay pout nito bago ako niyakap.

Hinayaan ko lang naman itong nakayakap sa akin. Pero masama pa rin ang loob ko. Pero syemre konting lambing pa eh lalambot din ako.

"Hmp! Mukha ka talagang boobs---"

"Hahahaha! Mahal, sorry na." Paghingi nito ng tawad sakin. "Hindi naman ako sa boobs  nakatingin eh."

"Eh saan? Sa bumabakat niyang katawan?" Hindi ko talaga mapigilan ang hindi magtaray at paulit-ulit na mapairap sa kanya.

Hindi naman ako selosa. Basta 'wag niyang ipapahuli sakin 'yung mga gano'ng gawain.

"Hindi rin mahal." Muling depensa niya. "Tinitignan ko lang naman kasi baka kakilala ko." Napailing ako at basta na lamang na patayo.

"Ewan ko sa'yo! Utuin mo hangin." Sabay walk-out ko. Pero ang totoo magpapalamig lang ako.

Ayoko kasi na ganitong umiinit ang ulo ko eh makikisabay din ako. Ayokong mag-away kami kaya ako na ang iiwas.

Habang naglalakad ako sa labas ng restaurant, hindi ko mapigilan ang hindi mamangha dahil may malawak pala itong likuran kung saan mas presko tambayan.

Bakit hindi kami napunta rito kanina? Mas masarap kasi rito kaysa sa loob na kulob sa aircon.

Naupo ako sa isang bakanteng lamesa roon na mayroong gawa sa kahoy at pahabang upuan sa magkabilaan.

Isa pa, wala naman masyadong customer kaya mukhang mas mabilis lang mawawala ang init ng ulo ko kay Lisa, na naiwan sa loob at hindi talaga nag-abalang sundan ako rito.

"Jennie!" Hindi ko mapigilan ang mapatalon mula sa aking kinauupuan nang marinig ang boses na iyon.

"Miyu!" Masiglang pagbanggit ko sa pangalan niya.

Malawak naman ang ngiti na lumapit ito sa akin bago ako niyakap.

"I miss you!!" Wika niya.

"Na-miss din kitaaa! Hindi na kita nakikita sa school. Busy?" Ganting sabi ko naman rito. Atsaka siguro dahil na rin sa nalalapit naming graduation kaya hindi na kami madalas magkasalubong.

Naupo ito sa aking tabi habang may alanganing mga ngiti sa kanyang labi.

"Oh! Hi Miyu." Sabay kaming napalingon sa kararating lamang na si Lisa.

Binati niya si Miyu pero sa akin naman ang mga mata nakatingin. Muling inirapan ko siya.

Hindi pa kami bati. Bahala siya d'yan!

"I'll leave you two for a moment." Agad na sabi nito bago lumapit sa akin.

Iiwan daw muna kami pero lumapit pa sa akin.

"Mahal..."

"What?" Pagtataray-tarayan ko.

Noon naman lumapit si Miyu atsaka napabulong sa aking tenga.

"Kiss raw kasi." Halatang kinikilig na sabi niya.

Hmp!

Muling ibinalik ko ang aking mga mata kay Lisa na ngayon ay parang nagmamakaawa na bigyan ko ng halik.

Tumayo ako sandali bago ito binigyan ng halik sa kanyang pisngi.

Awtomatiko na gumuhit ang malawak na ngiti sa kanyang labi.

"Thank you, mahal." Sabay mabilis na halik nito sa aking labi. Iyong smack lamang at walang sabi na iniwan na nga kami ni Miyu.

At nagawa pa talaga niyang manakawan ako ng halik sa labi. Hmmmp! Okay lang. Magrereklamo pa ba ako eh gusto ko naman.

"Awww! Am so jealous. You look so cute together!" Komento ni Miyu na halatang masaya para sa aming dalawa ni Lisa.

Lalo tuloy niya akong pinahahanga. At nalulungkot din at the same time dahil alam kong babalik na siya ng Japan para doon ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.

Nagkumustahan lang kami ni Miyuki. Sinabi nito na confirmed na ang kanyang pag-alis pabalik ng Japan pagkatapos na pagkatapos ng aming graduation.

Hindi ko mapigilan ang maging emotional. Ngunit sinabi nito na paminsan-minsan eh magbabakasyon naman siya rito sa Pilipinas dahil maiiwan pa rin ang kanyang mga magulang rito.

Sinabi rin nito ang tungkol kay Nami, na ngayon ay nasa Japan nang muli at nakaalis na pala ng Pilipinas na wala man lamang pasabi.

Pero naiintindihan ko naman siya. Alam kong isa ako sa mga dahilan kung bakit mas pinili nito na doon na lamang ipagpatuloy ang kanyang sinimulang career at pag-aaral din.

Ganoon naman talaga ang buhay, may mga taong darating sa mga buhay natin, para samahan tayo sa ating pag-iisa, katulad na lang din ng pagdating ni Miyuki sa buhay ko.

May mga tao na darating para damayan tayo sa mga darkness moments natin. Pero walang kasiguraduhan kung mananatili ba sila sa ating mga tabi.

Katulad na lamang din ni Nami na dumating sa aking buhay, para magsilbing aral sa akin. Alam kong ang pagpapalaya nito ay isang bagay na napakahirap para sa kanya, ngunit mas pinili niya kung saan ako mas sasaya. Dahil sa ginawa niyang iyon, doon ko napatunayan na mahal talaga niya ako.

Dahil minsan, hindi na natin kailangan marinig pa sa isang tao ang salitang 'mahal kita', minsan sa pamamagitan ng salitang 'gusto kong maging masaya ka', doon natin madadama kung gaanon ba tayo kahalaga sa kanila.

Kung darating man ang araw na muli kaming pagtatagpuin ni Nami, hangad ko na sana kasama na niya sa mga panahon na iyon ang taong pipiliin at paninindigan siya. Taong deserving ng pagmamahal niya.


---

Lisa



Pagkatapos ng pag-uusap nina Miyuki at Jennie kanina ay basta na lamang ako nitong niyaya umuwi. Mabilis itong nag-impake ng mga gamit na hindi ko naman alam kung para saan.

Naguguluhan man ay hindi na ako nagtanong pa, lalo na noong nagpaalam ito sa aming mga magulang na may pupuntahan kaming dalawa at bukas ng umaga pa kami makakauwi.

Siya na rin ang nagmaneho ng sasakyan papunta sa lugar kung saan ba talaga niya ako dadalhin.

Iniisip ko na baka nalulungkot lang siya dahil alam ko naman na kahit papaano eh may malaking parte na sa kanyang puso ang magpinsan na sina Miyuki at Nanami.

Napahinga ako ng malalim bago ibinaling sa kanya ang aking mga mata. Magdidilim na ang paligid pero hanggang ngayon nagbibiyahe pa rin kaming dalawa.

Inabot ko ang isang kamay nito bago iyon malambing na hinalikan.

"Thank you, mahal ha." Buong puso na pagpapasalamat mo sa kanya.

Nagtataka naman ang mga mata nito na nagpalipat-lipat ng tingin sa akin at sa kalsada.

"Mahal, para saan?"

Napangiti ako.

"For doing these things for me and for choosing me." Sagot ko na hindi ko alam kung bakit bigla-bigla eh naging madrama ako. "Salamat dahil mas pinili mong panindigan ako, 'yung tayo." Dagdag ko pa at bigla na lamang din nitong naapakan ang preno. Sandaling itinabi na rin muna ito ang sasakyan.

Napahinga ito ng malalim. Inayos niya ang kanyang pagkakaupo paharap sa akin. Kinuha nito ang kamay ko habang ang kanang kamay naman niya ay marahan na hinaplos ang pisngi ko.

"I love you, Lisa." Sinasabi niya ang mga katagang iyon habang nakatingin lamang ng diretso sa mga mata ko. "At oo, palagi kitang pipiliin at paninindigan. Kasi ikaw ang gusto kong makasama hanggang sa kumulubot ang mga balat natin." Cheesy na dagdag pa niya.

"Korni mang pakinggan pero hindi ko na hahayaan na mawala pa sa atin ang isa't isa. Kaya 'wag ka ng magpasalamat, because you also deserve to be treated and loved like this." Pagkatapos ay hinalikan ako nito sa aking noo.

"Pwede na ba tayong magpatuloy sa pagbiyahe? Itutuloy natin itong pag-uusap mamaya." Napatango na lamang ako bilang pagpayag habang muling pinasisibad nito ang sasakyan.

Hindi ko rin mapigilan ang hindi mapangiti ng palihim.

Hindi ko kasi akalain na si Jennie pala talaga ang magiging end game ko.

At siya lang ang gusto kong hahawak sa mga kamay ko hanggang dulo, wala ng iba pa.


A/N: 'Wag ng palalampasin ang naiiwan at mas nakakapanabik na dalawang kabata para sa pagtatapos ng kanilang kwento! 😊

The Girl I Love The Most (JENLISA GirlxGirl) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon