Chapter 2

33.4K 1K 183
                                    

HINDI NA kayang tiisin ni Angel ang trabaho na pinasok niya. Being a maid is not easy, kailangan mong linisin ang sahig, maghugas ng pinagkainan ng mga amo, magwalis, magkuskos, maglinis ng banyo, at kung ano ano pa!

Si Angel ang maituturing na breadwinner sa pamilya nila. All of their business died in just one snap, hindi man lang sila hinayaan na maka adjust sa sitwasyon. From yayamanin to purita ang peg nila! Real quick.

Pagkatapos noon nakita nalang niya ang sarili na sumasama sa tiyahin niya pabihaye kung saang lupalop. Buong buhay niya ay naka kulong siya sa Mindoro, wala siyang alam sa travel travel dahil mas gusto pa niyang mag stay sa loob ng bahay magbasa at magbabad sa TV kakanood ng kahit anong palabas.

Her sister, on the other hand, 'yon ang sanay sa pag-alis alis. She's too spoiled that sometimes she forgot that they're old lifestyle was long gone. At mahihirapan na silang ibalik 'yon. Lalo na at baon na sa utang ang mga magulang niya. And that's because of her younger sister too.

Dahil sa kahibangan nito sa mga mamahaling bagay, pati sa paaralan na pinapasukan nito ay naging mapili pa. Angel asked her parents to convinced her little sister to transfer, pero sadyang matigas ang ulo nito at ayaw umalis sa private school. Ang sahod niya sa pagiging katulong, kulang na nga para sa kanya, at para sa gastusin nila sa bahay sa probinsya, idagdag pa ang maintenance ng Papa nilang dalawa. Wala nang matitira. Magbabayad pa siya ng utang!

"Angel?" Gustong umiyak ni Angel nang marinig na ang boses ng matandang lalaki na amo niya.

Angel blew a loud breath. "Sir?"

"Halika dito." Malambing ang boses nito. Sa sobrang lambing, pwede ka nang kilabutan at ilibing ng buhay at papayapa pa ang buhay mo.

Ito ang buhay na ilang ulit niyang tinitiis huwag lamang mawalan ng trabaho at maging continues ang pagpapadala niya ng pera sa mga magulang niya. She even broke up with his boyfriend before for this.

Nagpunas muna ng kamay si Angel bago pinuntahan ang matandang lalaki na amo. When she reached the long dining table, nakita niya ang matanda na may hawak na pahabang pipa. Lukot or marami nang wrinkles ang mukha nito. Marahil sa sobrang stress na ng matanda sa pambabae na ginagawa nito at hindi na maitago sa misis niya na nagger. Hindi na din ito halos makatayo, kung wala ang tulong ng tungkod nito.

The old man looks at her. Humithit muna ito sa hawak niya na nagsisilbing sigarilyo. Nang ibinuga nito ang usok, automatic na umilag ang katawan ni Angel. Ayaw niya sa usok ng kahit anong klase ng sigarilyo.

"Do you really want to work like this forever?" Tanong ng matanda sa kanya.

Kumunot ang noo ni Angel. Malamang ay sa hindi. Sino ba naman ang may gusto na ma stock na lang sa pagiging katulong habang buhay? Maayos at marangal na trabaho naman ang pagiging katulong, pero syempre, lahat din naman ng mga tao ay may pangarap sa buhay. Pangarap na makaahon sa hirap.

Ayon nga lang ang iba, dinaan sa madaliang paraan. Kumapit sa patalim at nawalan ng pananalig sa Diyos. At ang iba naman, andito pa rin sa kaparehang sitwasyon niya, nagsisikap, hindi sigurado ang kalalabasan. Pero at least nagsisikap. They can try and try, hanggang sa masabi nila sa sarili nila, 'Nagawa ko, nang hindi kumakapit sa patalim.'

It may be an easy way out. But it's still wrong in someone else perspective.

"Kung ang trabaho po na 'to ang bubuhay sa pamilya ko habang buhay ako, Sir. Opo." She tried to answer the old man calmly. Ayaw niya na maging tunog sarkastiko dahila una, katulong lang siya dito at pangalawa, amo niya ang kausap niya.

LCS 7: Ranger Aiken Sandoval (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon