Chapter 3

34.2K 799 62
                                    

A SMILE stretched out in Angel's lips. Hindi naman pala ganon kasama ang gwapong nasa harapan niya. He give her a new work, dapat na niya 'yong ipagpasalamat. At least, hindi siya nito pinalayas katulad ng iniisip niya.

Andito siya ngayon sa loob ng office nito, sa sofa na nakaharap sa lamesa ng lalaki. He looks so handsome and hot. Mas lalong naging prominente ang pagka tangos ng ilong nito dahil sa pagkakayuko. Magulo ang buhok nito na parang bagong gising lang, pero hindi man lang naka bawas sa kagwapuhan.

Kung ito ang magiging boss niya, hindi na siya lugi. Libreng bahay na matitirhan, may sahod siya, malamang! Magta-trabaho pa rin naman siya sa bahay nito! Libreng pagkain at higit sa lahat. Araw araw gaganda ang umaga, tanghali, hapon at gabi niya! Libre lang naman siguro ang magnasa sa magiging boss?

"You hungry?" Agad natauhan si Angel nang marinig ang boses nito, napaiwas pa siya ng tingin kahit hindi naman nag-angat ng ulo ang lalaki.

"Medyo lang naman..." Makapal na sagot niya sa tanong nito.

The man chuckled while signing, "I figured. Kung makatingin ka para mo na akong sasagpangin." He said and glance at her.

Gustong lumubog ni Angel sa kinauupuan niya ngayon. Naramdaman niya ang pag-init ng pisngi niya. Kulang nalang ay pati singit at talampakan niya ay mamula sa sobrang hiya!

"H-hindi ah..." Natatarantang tanggi niya.

Umangat ang kilay ng lalaki at umayos ng upo, sumandal ito sa sandalan ng upuan at tamad na tumingin sa kanya. Jusko Lord! Ang yummy!

"Hindi ka nakatingin? Or should I say nakatitig?" Nanghahamon na tanong nito sa kanya.

Nanliit ang mga mata ni Angel. She sighed and give up.

"Nakatingin, pero hindi kita gustong sagpangin! Ang O.A non, Sir."

Humalakhak lang ang lalaki sa sagot nito. He pressed something on his table and within a second nasa loob na si Kayson, the secretary.

"Tell Yves I'm hungry."

Ayon lang ang sinabi nito at tumango na ang secretary niya. Kumunot ang noo ni Angel, at kuryosong napatingin sa katawan ng boss niya. It's built perfectly. Hindi siya expert sa pagtingin, but all in all fairness, his body, the muscles were placed in the right places. A perfect definition of Tambay sa Gym.

"Naka plan ba ang pagkain mo?" Hindi niya mapigilan na tanong.

"No? I eat what I want to eat. Why?" Nakataas ang kilay na tanong nito sa kanya.

Angel gulped and pouted. "Sino si Yves? Hindi mo nutritionist 'yon?" She asked again.

Bahagyang napaatras si Angel at napahawak agad siya sa dibdib nang bigla nalang malakas na tumawa ang kausap niya. Her brows furrowed while looking at the man, whose laughing for unknown reason. Sayang at gwapo pa naman. Mukhang may sira din ang ulo. Sayang ang lahi.

Umabot ng ilang minuto bago humupa ang tawa nito. May luha pa sa gilid ng mga mata nito at hawak hawak ang tiyan. Dahil sa kakatawa nito kanina, nagulo ang mga papel na nasa lamesa nito. May mga papel na nalukot at may mga papel na nahulog sa sahig.

Napailing nalang si Angel, ganon ba ito kasaya?

She stood up and pick those scattered papers one by one. Tinitignan niya muna isa isa ang mga papel bago pagsamahin, dahil baka magkahalo halo ang dapat hindi naman maghalo. Palagi siyang teacher's pet noong nag-aaral pa siya, kaya may kaunti siyang alam sa pag a-arrange ng mga importanteng papel.

LCS 7: Ranger Aiken Sandoval (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon