Chapter 15

28.3K 728 12
                                    

HINDI magawang ituon ni Ranger ang atensyon sa trabahong nasa harapan niya. He let his secretary, Kayson, handle everything. Ito ang nag represent sa kanya sa mga meeting, at si Kayson na din ang nag e-entertain sa mga bagong kliyente nila.

Wala siyang silbi sa buong araw na nasa opisina siya.

His mind was clouded with the thoughts of Angel. Kung siya lang ang masusunod, hindi na siya papasok at mag stay nalang sa bahay at magkulong sa kwarto kasama ito.

He massaged the bridge of his nose. He picked up his phone and dialed the house phone number. Mababaliw siya kung hindi niya makakausap si Angel.

After a few rings his forehead crease when no one picked the phone up. With the thought that her soon to be wife is busy, he dropped the call and pushed himself to work.

"Sir, may invitation na dumating. It's from the client you,ahm" Kayson cleared his throat when he glared at him. "I'll just put it here." Aniya at inilapag ang invitation sa lamesa niya.

He scanned the envelope, by the looks of the invitation, Ranger already knew that it's a restaurant for rich people. Gusto man niyang pumunta, but he doubted Angel would agree to come out with him.

"Did you receive one?" He asked his secretary, still scanning the invitation.

"Yes. But I'm not coming." Umangat ang ulo ni Ranger at nakakunot ang noong tinignan si Kayson. "What? I'm already taken. I can't entertain her."

Shock was written all over Ranger's face.

"Don't be so shocked, Sir. Mas nakakagulat nga ang balita na may girlfriend ka at nasa bahay mo pa." Pabalang na sabi sa kanya ni Kayson bago lumabas ng office niya.

Oh well, people change.

Ranger forced himself to work. He needs to go home early today, he needa to finish at least three piles of papers or he'll lose his sanity for not seeing Angel!

HINDI MAPAKALI SI Angel sa bahay. Nalinis na niya ang kwarto ni Ranger pati na din ang kwarto niya. Kinuha niya ang cellphone niya na nakatago lang sa cabinet, wala pa ring tawag o text man lang sa mga magulang niya sa probinsya.

Pero kahit walang paramdam ang mga ito sa kanya hindi pa rin niya nakakalimutan ang responsibilidad niya sa mga ito.

Tumayo na siya sa pagkakahiga at dumeretso sa kusina, alas diyes palang ng umaga kaya may oras pa siya para magluto.

She's bored to death! Mabuti na ipagluto nalang si Ranger at dalhin niya ito sa opisina. Besides, nakalimutan din ata nito na katulong siya nito sa bahay simula ng maging girlfriend nito. She needs a work. Kakausapin niya ang lalaki.

Nagluto nalang siya ng simpleng putahe, tutal ay hindi naman pihikan si Ranger sa pagkain. Pinalamig niya muna ito, bago inilagay sa Tupperware container.

Angel smiled at her self. Mukha na siyang asawa sa ginagawa niya. Gusto niyang kutusan ang sarili sa naisip.

Ranger wasn't a bad catch after all.

Pagkatapos niyang ayusin ang dadalhin niya, patakbo siyang umakyat sa kwarto niya. Naligo na siya kanina, pagkatapos niyang maglinis. Inilatag niya ang mga pinamiling damit ni Ranger sa kanya. She's not actually asking for these. Ayaw lang talaga magpa awat ni Ranger at panay pa rin ng order sa boutique ni Frances!

She picked up the nude sleeveless turtle neck and pair it with a blue jeans. Pumili nalang siya ng komportable na sapin sa paa at nag spray ng kaunting pabango at kinuha ang wallet niyang kahit papaano ay may lamang pera bago bumaba.

She tied her hair into a messy ponytail, naglaglag din siya ng kaunting hibla ng buhok.

Nagmamadali niyang kinuha ang bag kung saan nakalagay ang pagkain ni Ranger. Kung sasakay siya ng jeep, kailangan niya talagang magmadali lalo na at bukod sa traffic, nagtitigil tigil ang jeep para magbaba at magsakay ng kapwa niya pasahero.

LCS 7: Ranger Aiken Sandoval (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon