Chapter 18

24.9K 653 13
                                    

PAGKATAPOS niyang malaman na may nabuntis si Ranger, halos wala na itong oras para sa kanya. The woman was too demanding and keep on calling Ranger, threatening him that she'll kill her self if he didn't come within a minutes or so.

Angel busied herself with her studies, minsan ay sinusundo siya ni Angelyn at Isabella para isama sa loob ng Lust community. They all know what's happening between Ranger and her.

She appreciates that the ladies keep their mouth shut and didn't asked her about it. Pero hindi maiwasan na sa t'wing makikita siya ng mga nito ay tatanungin siya kung ayos lang ba siya.

Gamit na gamit na niya ang salitang 'Ayos lang ako' sa mga kaibigan ni Ranger na kahit papaano ay nagiging malapit na din sa kanya.

"May oras pa ba siya sayo?" Nag-aalalang tanong ni Ezecquiel sa kanya habang nakasunod ang tingin kay Ranger na tumatakbo palabas ng Lust community.

The woman called again and asked Ranger to accompany her for her monthly check up. Kasama na roon ang walang sawa nitong pananakot sa boyfriend niya.

"He's trying his best to be awake in the evening so we can talk a little longer. Pero kung hindi ako ang nakakatulog, siya naman. Okay lang, naiintindihan ko." She lied.

She understands. Sometimes. That woman was the mother of his child. And she's the girlfriend. Sa kanilang dalawa, para kay Angel ay mas matimbang ang babae na nabuntis ni Ranger.

"This is so fucked up! Bakit naman kasi ang tagal lumabas ng resulta? Naiirita na ako sa boses ng babae na 'yon." Reklamo ni Shawn habang pinapadede ang anak nito. Angel smiled a bit. "I saw her once, ang sarap niyang itulak palabas ng elevator!"

Angelyn shaked her head. "So violent. Buntis ang babae, Shawn."

"Kahit na! Nakakairita pa rin siya!" Patuloy na pagrereklamo nito.

Wala na silang nagawa sa pag ra-rant ni Shawn. Shawn said that she's too kind for letting Ranger go to that woman, nag advice pa ito na hindi daw masama kung ilabas niya ang sungay kahit paminsan minsan lang. Lalo na at tatlo ang sungay ng kalaban niya.

At dahil sa sobrang busy ni Ranger, nagka-oras din siya na mahanap ang kaibigan niya. Sabay silang umalis sa Mindoro, pagtapos noon ay nawalan na sila ng komunikasyon sa isa't isa. It turns out na nagta-trabaho pala ito sa isang bar ni Alistair, na kaibigan ni Ranger.

Angel wanted to open up to Isabella and other ladies but she's afraid that they'll tell Ranger how she really felt. Kay Mark siya nagbubukas, sa kaibigan niya ibinubuhos ang sama ng loob na palagi niyang itinatago sa harap ni Ranger.

She's not okay with the set up. Angel felt like she's the outsider. Kahit na palagi siyang ina-assure ni Ranger at nang pamilya nito na hindi na magtatagal ang ganitong sitwasyon nila. She's tired of it.

Mas lalo niyang naramdaman ang pagod nang i-uwi bigla ni Ranger ang babae sa bahay. Ranger's holding her hand while the woman was busy wandering her eyes around the house. Bumaba ang tingin ni Angel sa tiyan nito, it's huge.

"Can I stay here now? Besides, I'm going to be your wife right?" Nakangiting baling nito kay Ranger. But her smile slowly fades when she saw their intertwined hands.

"Who said you're going to be my brother's wife? Dream on." Sabat ni Jillian na nandito din sa bahay dahil nag-aalala daw ito sa kanya.

"Why? You still want that woman? Bakit? Siya ba ang nabuntis ng kapatid mo? Hindi diba?" Mataray na sagot nito kay Jillian.

Humigpit ang hawak ni Ranger sa kamay niya. Mariin niyang nakagat ang pang-ibabang labi para pigilan ang sarili na huwag magsalita.

"What? She'll get pregnant soon and they're going to get married. Kuya is planning to tie the knot, when someone," matalim na tingin ang ipinukol ni Jillian sa babae. "Came and became a total nuisance to our life, demanding shits to my brother!"

LCS 7: Ranger Aiken Sandoval (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon