"Stacy Pov"
Bakit? parang iba yong sinasabi ng isip ko sa sinisigaw ng puso ko. Nahihirapan akong mag decide kung tama nga ba ang gagawin ko ngayon.
Alam ko naman sa sarili ko na kahit patayin ko pa lahat ng mga taong naging dahilan ng pagkawasak ng pamilya ko ay hinding hindi ko na rin naman kayang ibalik ang kanilang buhay. Sapat ba ang paghihiganti para maging tahimik ang buhay ko o ito pa ang magiging dahilan ng ikakapahamak ng buhay ko.
I'm ready to pull the trigger of this gun...... pero bakit ang tagal kong magawa. Kapag sinisilip ko na ang mukha ng target dito sa scope ng riffle ay nawawalan na lang ako bigla ng focus. Sanay naman ako sa ganitong gawain pero bakit pag sa kanya na ay sobrang nanginginig na ang aking mga kamay. Nahihirapan akong isakatuparan ang aking mga plano.
Napabuntong hininga na lang ako at ibinaba muna ang aking baril. At nag isip isip ng mga ilang sigundo.
Kaya ko ba talagang patayin si Mikhail?
Iniisip ko pa nga lang ay para ng sinaksak ng sanlibong punyal ang aking dibdib, paano pa kaya kapag nagawa ko na nga syang patayin. Ano kaya ang mararamdaman ko. Bakit ba kasi ganito ang nararamdaman ko. Dapat ko syang patayin, pero ang hirap hirap gawin. Hindi dapat ganito ang nararamdaman ko, matagal ko ng pinatay ang dating ako at pinalitan ito ng walang emosyong Stacy na nakikita ngayon ng karamihan bilang ako. Malayo sa dating Stacy na nagpaka baliw ng dahil sa lintik na pag ibig. Na nagiging dahilan ng kahinaan ng isang tao.
Sumilip ulit ako sa scope ng rifle at sa pangalawang pagkakataon ay nakita ko ulit ang mukha nya. Hindi pa rin talaga sya nagbabago. Yong facial expression nya ay ganon na ganon pa din ng magkasama pa kami. Ang gwapo nyang mukha na napaka daling mang akit ng babae at ang matipuno nyang katawan. Na minsan na din kaming naging isa. At ang mga mata nya...... na hinding hindi ko makakalimutan.
Hindi na dapat ako nagpapa apekto sa kanya dahil isa syang taong .......
Mapanlinlang....
"Violet pov"
Hindi nga talaga ako nagkamali, nandito nga talaga si Stacy..
Handang- handa na syang kalabitin ang gatilyo.
Gumamit din kami ni Amber ng isang telescope para makita kung sino ang target nya.Si Mikhail Cvetko.......
What happening to her? Parang hindi nya alam ang ginagawa nya.
Isang daliri na lang at makakalabit na nya ang gatilyo ng baril. Pero hindi namin hahayaan na gawin nya ang isang bagay na ikakapahmak nya.
Mabilis na napigilan ni Amber si Stacy ng kakalabitin na nya ang gatilyo. At naiputok na lang ito sa hangin imbes na sa kanyang target.
Ano ba! Bakit ba kasi kayo nandito !
Pabayaan nyo nga ako.Mabilis na dinampot ni Stacy ang kanyang sniper rifle at tinalikuran kami. At naglakad na ito paalis.
Bago pa man kami umakyat ni Amber sa building na ito ay sinigurado muna namin na nai off namin ng maayos ang lahat ng cctv sa lugar na ito. Para walang maiwang bakas sa naging pagtatangkang pagpatay ni Stacy kay Mr. Cvetko. Kapag nagkataon kasi ay malaking problema ang haharapin ni Stacy. At syempre hindi din namin sya pweding pabayaan pagnagkataon. Kaya habang maaga pa at kaya pang mapigilan ay gagawin na namin.Hinabol namin si Stacy at ng maabutan namin sya ay hinawakan ko sya sa kamay para kausapin.
Ng una ay tumitig lang sya sa akin at hindi pa din sya umiimik. Kitang kita ko sa mga mata nya ang sakit ng nakaraan na magpasahanggang ngayon ay nananatili pa din pala sa kanya
BINABASA MO ANG
The Mafia Lords Princess( Mafia Series 1. ) Nate Tyler Rodriguez
RomanceIts all about a world in Underground Society and Military. Ano ang mas pipiliin ni 1st Leiutenant Sammara Violet Alvarez, ang sundan ang yapak ng kanyang ama at kapatid at mapa bilang sa Mafia Society o Ang mag buwis ng sariling buhay para magampana...