"I was almost drown with struggles. I feel so tired that I'm about to lose hope. Then, one day I cried it all to Him and the next day, He provide me the solution. I feel healed instantly. God really works. He always did, always do and always will."
Karamihan sa atin, sa pamilya tayo kumukuha ng lakas. Yung tipong, kapag hinang hina ka na, isang hagod lang ng nanay mo sa likuran mo, lumalakas ka bigla. Isang "Kaya mo yan, anak." Lang sa tatay mo, lumalakas ang loob mo. Our family often strengthen us. They are the ones who build the foundation of confidence to us. But sometimes, our family weakens us, too..
Halos dalawang linggo na rin ang ubo ko. Uso ang sakit, kahit saan naman. And for me, it didn't bother me that much. Ilang araw na ngang namamalat ang boses ko e, pero hindi ko masyadong iniinda. Not until one day na parang lumala siya. Umiinom naman ako ng gamot and I've tried a lot of alternatives, but it just didn't work. Ayon, imbes na gumaling ay lumala pa ang ubo ko.
It came to a point na mas madalas, mas masakit na siya sa lungs. I can't even sleep straight at night. Kasi sa kalagitnaan ng pagtulog ko, bigla nalang akong magigising sa ubo ko. It was indeed becoming a struggle. As in, masakit na talaga. I felt like I'm running out of breath at pakiramdam ko ay sobrang gasgas na ng lalamunan ko. I can feel the pain in my throat and inside my lungs. Sabi ko noon, "Masakit na talaga. Promise! Masakit na." Pero kahit ganoon na ang kalagayan ko ay wala parin akong magawa kundi magtiis.
We are not financially capable of consulting to a doctor. Hindi namin kaya ang bayad sa check up dahil kulang pa sa pang araw araw naming gastusin ang kinikita ng Tatay ko. Wala rin kaming ibang mapagkukunan ng resources, bukod sa Tita ko na naka abroad. Siya ang tumutulong sakin sa pag aaral ko ng Kolehiyo. Hindi kami humihingi sa kanya kasi sobra na yung binibigay niya samin. She had her own life in California at hindi lang kami ang sinusuportahan niya. So, hinayaan ko nalang na pahirapan ako ng ubo ko. Kahit na hindi na ako makatulog ng maayos. Kahit na sobrang nahihirapan na ako.
Pero dumating talaga sa puntong hindi ko na kaya. Bakit? Kasi, pansin kong napapadalas na naman ang pagbibisyo ni Papa. Pakaunti ng pa-kaunti ang binibigay niyang pera kay Mama. Dating umaabot ng dalawang daan pero noon ay hanggang P150 nalang o mas mababa pa. Ayos lang sana iyon kung pinagtrabauhan niya iyon at wala kaming kahati. Pero aware kasi kami na may kahati kami, kaya masakit 'yon para samin. Hindi babae o ibang pamilya ang tinutukoy ko kundi ang bisyo niya. Hindi ko alam kung paano umabot sa ganoon pero naiinis ako everytime na naiisip ko na tinitipid niya kaming pamilya niya para lang doon. Na ayos lang sa kanya na magdildil kami ng asin basta matustusan lang niya yung bisyo niya at masatisfy yung needs niya. Paano naman kaming pamilya niya? Hindi ba niya naisip na kailangan rin namin siya?
Ilang araw iyon na sunod sunod siyang puyat at walang tulog. Halos gabi gabi rin silang nagtatalo ni Mama tungkol doon. Dini-deny pa iyon ni Papa at ayaw umamin kahit na minsan na siyang nahuli kay Mama. Dumagdag pa sa problema yung mga projects ng kapatid ko na naghahabol dahil malapit na ang graduation. May iilang subject kasi siyang bagsak at ilan rin walang marka. Kaya tambak siya sa projects para lang makapasa. Ayos lang sana kung simple lang ang mga projects niya, kaso hindi. Gagastusan talaga. E pangkain nga, kulang yung binibigay ni Papa, paano pa ang mga projects niya?
"Okay lang kahit may sakit ako, kaya ko namang tiisin." Sabi ko. Pero, wag na sana mag talo sina Mama at Papa. Tigilan na sana ni Papa yung bisyo niya. Pero hindi iyon nangyari. Pinagdadasal ko naman sila, ang pamilya ko noon pero walang pagbabago. Siguro, marami naring ginawa si Lord para tulungan ang Tatay ko noon, pero wala talaga. Kasi siya mismo ay ayaw magbago.
Isang gabi, nanood ako ng TV. Nakahiga na kami nila Mama noon nang dumating si Papa. Agad niyang pinalipat ang Channel ng TV. Sinusubaybayan ko pa man din yung pinapanuod ko noon pero wala akong nagawa kundi i-surrender ang remote. Medyo naasar pa nga ako nun kasi ewan ko. Parang ang unfair kasi ni Papa. O dahil narin siguro sa may hinanakit ako sa kanya kaya madali akong nabasag at sumabog ang emosyon ko. Matapos kong ibigay kay Papa ang remote ay nagtaklob ako ng kumot.
Hindi ko alam pero bigla nalang akong naiyak. Umiiyak ako habang kinakausap ko si Lord. Sabi ko, "Lord, bakit po ganoon si Papa? Ni hindi ko pa siya narinig na nagtanong, 'Anak okay ka na ba? Inuubo ka pa ba? Masakit pa ba pakiramdam mo?' Bakit po parang wala siyang pakialam? Bakit po sobrang lulong niya sa bisyo niya? Hindi niya po ba kayang iwan 'yon? Lord, ang sakit sakit na po kasi e. Ilang linggo narin po akong nagtitiis. Alam niyo naman po 'yon, di ba? Ang sakit sakit na po, Lord. Please heal me. Pagalingin niyo po ako at yung puso ko. Tulungan niyo po ang Papa ko lumayo sa bisyo niya at ang kapatid ko na magawa ang mga projects niya. Bigyan niyo pa po ng maraming lakas at pasensya ang nanay ko at sana po mag matured na ang kuya ko. Please, Lord. Bless our family. Heal our hearts, Lord. I need rest. Please heal me. Embrace me with your love, Lord. Kailangang kailangan ka po ng pamilya namin, Lord. Kailangan na kailangan po kita." Halos humagulgol ako noon sa kakaiyak. Pinipigilan kong mag ingay kahit na halos atakihin ako sa sakit ng iyak ko. Nung oras na iyon, para akong batang nagsusumbong kay Lord at humihingi ng simpatya at yakap sa kanya. Tapos noon ay nakatulog ako.
Kinabukasan, pinagbihis ako ni Mama. Papa check up raw niya ako. Malala na raw kasi ang ubo ko ay sobra na akong nangayayat. Syempre nagtaka ako kasi wala naman kaming pera. But then, si Lord ang nag provide! Pambihira! Isa 'yon sa magical moment ng buhay ko. Iyong, hindi ako makapaniwala. As in, "Lord, seryoso po kayo? Dininig niyo yung panalangin ko, sobra sobra pa po sa hiningi ko?"
Dahil doon, sobra akong nagpasalamat kay Lord. Kilig much talaga ako sa kanya. Biruin mo, natulog lang ako, sinagot niya agad ang dasal ko? I mean, sa dinami rami ng priorities niya, naalala pa niya ako? Alam mo yung, iniyak ko sa kanya ng gabi ay abot abot ang sayang dinala sakin kinaumagahan?
Well, syempre hindi naman ako selfish. Hindi naman ako magpapakasaya dahil lang sa machi-check up ako. Though, part yun kasi malalaman ko na ang kondisyon ko at malulunusan ko na iyon. Ang maganda doon, may pasobra si Lord! Hindi lang pang check up ko ang pinrovide niya kundi pang project narin ni Kapatid na graduating, o diba, ang laking relief samin? Kung kami lang, hindi namin kaya 'yon. Si Lord lang talaga ang may kakayahang magawa 'yon sa buhay namin.
"Grabe 'yung provision mo, Lord. Sobra sobra po yung blessing. Thank you po! Yii, kilig much po talaga ako sa inyo. Grabe po talaga yung mercy mo ne, Lord? Dahil po sa pag iyak ko, hindi niyo na ako natiis ng tuluyan. Thank you po talaga! Kahit hindi pa ako gumagaling, pakiramdam ko pinagaling niyo na po ako." Sabi ko kay Lord.
That just show how merciful and how gracious God is. Minsan, masyado kasi tayong nagtatapang-tapangan. We appear to be tough even though we know in our hearts that we are struggling. And not until we admit to ourselves that we are weak, and call out for God, that we can be healed and recharged. Minsan kasi, akala natin, kaya natin mag isa e. Masyado tayong pabida. We sometimes forget where our strength come from. We thought we could do things alone. Forgetting that our own strength could not make us survive but God's given strength will. Iyong lakas na kayang iprovide ni Lord, yun yung makakagawa ng lahat. Iyon yung lakas na hahamakin ang lahat, kayang lampasan ang lahat gaano man ito kahirap.
God is greater. For he is a healer. Hindi lang physical na karamdaman ang kaya niyang gamutin, kung hindi lahat ng aspeto. Emosyonal, mental, spiritual, kaya lahat pagalingin ni Lord yan! Kaya niyang alisin lahat ng mga alalanin at ano mang bumabagabag sa puso mo. He can give you rest through His loving arms. He can give you comfort through His embrace of His unfailing love. He is so powerful that he can even turn your situation the other way around.
God is greater. Kasi sobra sobra yung love niya para satin. Hindi niya kayang nakikita tayong nalulungkot, nahihirapan at nasasaktan. He never want to see us cry in pain. He heals us immediately. He embraces us with His love. At sa love palang na iyon, sobrang mapupuno kana. Hindi mo alam kung saan mo pa ilulugar kasi unending yung pagmamahal niya. No one else could love us like He does. God is greater, now and forever.
"God is my healer." -- Bless. 😇🙏
BINABASA MO ANG
GOD IS GREATER. :)
SpiritualNo one can ever describe God's greatness. No matter how great He is in your perception, He is always greater than that. Kasi si Lord ay si Lord. The creator of heaven and earth, the King of Kings, Lord of Lords. Therefore, no words can ever be enoug...