A/N: Play the video and listen to the song while reading. :))
--------------------------------------------------------------------------------------------
"LIFE is God's most essential gift to us. We must learn to treasure it."
Sabi ng Psychology professor namin date, "Kahit gaano pa ka-imperfect ang physical appearance mo, dapat magpasalamat ka parin sa Diyos. Isipin mo nga, sa dinami-dami ng sperm cell na nag unahan sa fallopian tube ng Mama mo, eh ikaw ang nabuo. Ikaw ang nakaligtas, ikaw ang naipanganak, ikaw ang nabuhay. Diba? VICTORY!"
Natawa talaga ako sa sinabing yun ni Ma'am but at the back of my mind sinasabing, tama naman siya.
We should be grateful.
Sa thought palang na naisilang tayo at namasdan natin ang mundong to, we should be thankful already.
Isipin mo..
Paano yung mga bata na nabuo na sa sinapupunan ng kanilang mga ina, pero kalagitnaan eh nalaglag? O di kaya'y pina abort dahil hindi pa handa ang kanilang ina sa responsibilidad?
Isipin mo, kung gaano ka-gusto ng fetus baby na iyon na mabuhay, pero wala siyang magawa. Ni hindi man lang siya nabigyan ng pagkakataong masilayan ang mundong ginagalawan natin ngayon.
Oo, maaaring hindi nga perpekto ang mundong ginagalawan natin ngayon. Sa katunayan, ang gulo gulo na nga. Magkakababayan, nagdadayaan, nagnanakawaan, nag uutakan. Reklamo dito, reklamo doon. Away dito, away doon. Isama mo pa ang mga bagyo at unos na patuloy nating nararanasan.
Oo, marahil nga, may kaguluhan na ang mundo natin ngayon. Pero ganunpaman, hindi ba dapat magpasalamat parin tayo dahil kahit gaano pa ka-gulo eh nanatili parin tayong buhay at ligtas?
BUHAY.
Gaano nga ba kahalaga ang buhay ng isang tao ngayon?
Nakakalungkot mang tanggapin, pero sa palagay ko, hindi na pinapahalagahan ng tao ang buhay ngayon kumpara sa pagpapahalaga nila sa buhay ngayon.
Bakit ko nasabi?
Manuod kayo ng balita sa tv, magbasa sa diyaryo, makinig sa radyo.
Ano ba ang common na nakikita sa mga balita ngayon?
Rambol.
Nakawan.
Carnapan.
Kidnapan.
Barilan.
Patayan.
Nakakalungkot..
Na may mga tao na ngayon na kayang pumatay.
Na waring wala silang takot, paniniwala o pakundangan sa Diyos na siyang may likha sa kanila.
Paano nila nagagawang pangunahan ang Diyos?
WALA SILANG KARAPATAN.
Walang silang karapatang kunin ang buhay ng mga taong to na hindi naman sila ang nagbigay.
Kahit gaano pa kasama ang taong pinatay nila, wala parin silang karapatan na gawin yon. WALA.
Kapag taong nakagawa ng mali, ginawan mo rin ng mali. Wala ka ng pinagkaiba sa kanya.
Naisip nyo narin ba, paano yung may mga malalalang sakit? Pero patuloy na nakikipaglaban sa buhay?
Sobrang hirap ng pinagdadaanan nila.
BINABASA MO ANG
GOD IS GREATER. :)
SpiritualNo one can ever describe God's greatness. No matter how great He is in your perception, He is always greater than that. Kasi si Lord ay si Lord. The creator of heaven and earth, the King of Kings, Lord of Lords. Therefore, no words can ever be enoug...