"When you feel like you're about to fail, don't lose hope. Just keep on going. Remember, you're not declared lose in a game unless its game over."
Yan ang natutunan ko recently lang.
Na hindi pala tayo dapat bumitaw. Hindi tayo dapat sumuko agad. Lalo na kung hindi ka pa naman na-declare na talo. Kumbaga sa basketball, first quarter palang. Kung lamang ng sampu o dalawampu ang kalaban, susuko ka na ba? HINDI DAPAT. Laban kung laban. Wag kang susuko. Madami pang pwedeng mangyari. Pwede ka pang makashoot ng ilang 3points. Pwede kapang maka rebound ng bola. Pwede ka pang makagamit ng offense. May time out ka pa, if ever kailangan mo si coach. Andyan lang siya. Naka antabay sayo.
Tayong lahat, may iisang coach na laging nagbabantay, nagmamasid at nakaantabay satin. Siya yung gumagabay satin para bigyan tayo ng lakas ng loob, determinasyon at pag asa upang maipanalo ang bawat laban natin sa buhay.
Ito, ay walang iba kundi ang pinakamamahal nating PANGINOON.
-------- Testimony -------
This past two weeks has been the most tiring weeks I ever had. Panay sagad sa pagod, kulang sa tulog, maghapon sa school, practice dito, practice doon, aral dito, aral diyan, project dito, project diyan.
Well, hindi lang naman ako. Kasama ang mga kaklase at ibang ka-department ko. Busy kasi kami para sa darating naming concert.
Ito na ang second year na maghheld ng concert ang department namin, for fund raising and at the same time, requirement sa subject naming Personality Development. Every year, 3rd year ang naassign na maghandle at magsupervise ng concert. From the concept, theme, design ng stage, performances, sequencing, songs, dance, guest and such. Though, katuwang namin ang ibang year level, na inassign na sa kanya kanya nilang segment, hindi parin mawala saming 3rd year ang pressure. Lalo na at kami ang liable sa magiging outcome nito. Dagdag pressure pa, dahil sobrang sucessful ang naunang concert (which was last year) and people are expecting more from us.
Ang mahirap pa dito, hindi kami mga performer talaga.Kaya malaking challenge yun para samin. Dahil hindi naman pwedeng wala kaming performance dun. Baka sabihin ng mga lower years, puro utos lang kami at sarap buhay. Kung maaari nga lang, majority ng mga prods kami nalang ang gumawa eh. Kaso, wala talaga. Hindi kami pinagkalooban ng over over na talent sa pagsayaw o pagkanta. Though, merong iilan samin na may ganung talent. At syempre, sila ang pinag front namin.
So, that's it. Last week nagstart ang whole day practice namin. Dahil nalalapit na nga ang Feb. 13 (Day ng concert) and yet, wala pa kaming matinong prod, ayon saming adviser (siya yung prof na tumutulong samin) Halos araw-araw ata kaming nassermunan noon. Kasi talagang wala pa kaming matinong prod. May mga nagkakamali pa, at di pa masyadong kabisado ang mga steps. Ang mahirap pa, magsset ng practice tapos madaming late.
Grabe, noon ko lang naranasan ang pumunta ng school ng 7am at umuwi ng bahay at 9PM. As in, maghapon kami sa school. Pero ang practice namin, half day lang. Kasi hinihintay pa yung iba. Tapos nakakapagod din yung sayaw namin, kaya after palang ng tatlong pasada, super pagod na. Ikaw ba namang humamon sa mga sayaw ng sexbomb di ba?
Ilang araw na ganun ang set up namin. Kasama ng mga ka-grupo ko, nagppractice kami from morning hanggang 5PM. Tapos nun, papasok na kami sa school for classes which is hanggang 9PM. Pagkauwi nun, sagad kana sa pagod. Tapos gigising ka pa ng maaga kinabukasan.
Grabe ang pressure, lalo na nung pumasok yung Feb. 10 (monday) 3 days bago ang concert. Nag require na ng general practice si Ma'am. Sequencing. From top to bottom part ng buong concert. Asusual, napagalitan kami. Up to that point kasi, wala pa daw siyang nakikitang maayos na performance.
BINABASA MO ANG
GOD IS GREATER. :)
SpiritualNo one can ever describe God's greatness. No matter how great He is in your perception, He is always greater than that. Kasi si Lord ay si Lord. The creator of heaven and earth, the King of Kings, Lord of Lords. Therefore, no words can ever be enoug...