Its Just A Test (Series) 2

232 5 0
                                    

Episode 2: Test of Faith

"For this reason the Lord is ready to show you mercy; he sits on his throne, ready to have compassion on you. Indeed, the Lord is a just God; all who wait for him in faith will be blessed." - Isaiah 30:18

--
Testimony

It was almost my graduation day. Ilang araw nalang ang binibilang ko bago ang masayang araw na iyon. Nalaman ko narin na ang grupo namin ang nagkamit ng Most Viable Feasibility. Walang pagsidlan ang tuwa ko. Halos perpekto ang lahat. Hanggang sa may dumating na bagyo. Isang malakas na bagyo na halos tangayin lahat ng kaligayahang nararamdaman ko.

"Nasa hospital raw si Tito Rob." Nabigla ako nang ibalita ito sa akin ng isa kong pinsan. Saktong kaarawan pa noon ng isang Tita ko nang malaman ko iyon. Kahapon pa pala siya sinugod doon dahil tumaas raw ang prisyon nito. Nabalot kami ng pag aalala nang mga oras na iyon. Hindi inaasahan ang biglaang pangyayari.

Akala ko noon ay simpleng problema lang iyon. Dahil alam kong malusog si Tito Rob at walang gaanong bisyo kaya imposibleng magkaroon siya ng malubhang sakit. Akala ko ay simpleng pagtaas lang ng presyon ang nangyari. Ngunit makalipas ang ilang araw ay napagtanto kong hindi pala basta basta ang problemang iyon.

"Insan, pag pray raw natin si Tito Rob. Nagwawala daw siya."

Mabilis akong ginapangan ng kaba at pag aalala nang marinig iyon sa aking pinsan. Bakit siya nagwawala? Ano bang sakit ang meron siya? Malubha kaya ito? Kaya nagagawa niyang mag histerikal ng ganoon?

Teribleng pagdarasal ang ginawa ko. Si Lord ang naging sandigan ko sa problemang iyon, pati sa problema sa aking Ama. Na hindi parin maawat sa kanyang bisyo. Naiinis ako na mas lumala pa iyon. Umabot pa sa puntong halos wala na siyang maibigay sa amin para lang matustusan ang kanyang bisyo. Naawa ako sa aking ina sa tuwing nakikita ko siyang lugmok at tulala sa isang tabi. Nang mga panahong iyon ay gusto ko ng madaliin ang mga araw. Sana ay magtapos na ako. Para makahanap na ako ng trabaho at hindi na kami mahirapan. At maitaguyod ko ang pamilyang unti unti ng binabaliwala ng aking Ama.

Kinabukasan, sinalubong ako ng balitang inilipat raw si Tito Rob sa pribadong hospital malapit sa amin. Doon raw kasi sa public ay tila hindi naman siya inaasikaso ng mga doctor at nurse. Kahit raw nagwawala na ay kinukuhanan lang siya ng prisyon. Kaya napilitan silang i-admit ito sa pribadong hospital. Hindi na namin alintana ang bayarin. Basta ang importante ay magamot siya ng mabuti.

Doon namin nalaman ang tunay na dahilan ng kanyang pagwawala. Ilang araw na palang terible ang sakit ng kanyang ulo. At ang findings ng doctor ay may pumutok na ugat sa kanyang utak. Marahil ay nangyari raw iyon nang minsang mapukpok ang kanyang ulo. Na hindi na matandaan ng Tita Ae ko, (asawa ni Tito Rob na kapatid ng aking ama) kung kailan iyon nangyari. Ang suhestiyon ng kanyang doctor ay operahan ang kanyang ulo para matanggal ang kumalat na dugo sa kanyang utak. Mas kilala sa tawag na blood clot ang sakit na iyon.

Saktong araw ng practice namin sa graduation ay ang araw na ooperahan rin si Tito Rob. Sa mga sandaling iyon ay ayos pa ako. Dahil baon ko naman ang panalangin ng paggaling niya. Nang makauwi ako ay saktong paalis ang ilang Tito ko, Tita at pinsan papuntang Hospital. Hindi pa man nakakauwi ay sumakay na ulit ako sa jeep na inuupahan ng Tito kong iyon at nagdesisyong sumama sa Hospital.

Nasa ground floor kami nang mapadaan ang isang pasyente sa aking harapan. Labis akong nahabag sa itsura ng pasyenteng iyon. Dala dala ng ilang nurse ang kanyang higaan, may benda ito sa ulo na tila malaki ang sugat at pinapump ng oxygen para makahinga. Ang tunog ng kanyang bawat hininga ay pumiga sa aking puso. Batid kong nahihirapan ang pasyenteng iyon. Kasalukuyan pa akong nagmamasid nang biglang may humawak sa aking kamay. Nang lingunin ko kung sino iyon ay nagulat ako. Si Tita Ae! Kasunod siya ng pasyenteng tinitignan ko.

GOD IS GREATER. :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon