Its Just A Test (Series) 1

331 7 0
                                    

Episode 1: Patence Test

"The end of a matter is better than its beginning; likewise, patience is better than pride." - Ecclesiastes 7:8

Madali naman palagi ang simula. Ang mahirap ay tapusin ang nasimulan. Lalo na kapag maraming hadlang sa pagsulong mo. Pakiramdam mo, wala ng pag asa. Gusto mo ng sumuko. Ayaw mo ng maghintay sa tagumpay. Pero ang pangako ng Diyos, ang wakas ay palaging maganda kaysa sa simula. Kaya dapat tayong maghintay kaysa sumuko at tumigil sa kalagitnaan ng laban.

Introduction

"Ima-market niyo 'to? Tignan niyo nga yung kutsara niyo, mukha lang pinulot kung saan. Hindi maganda yung lasa. Ay, palitan niyo 'yan!"

Rejection. Isang bagay na iniiwasan ko. Dahil hindi ako magaling tumanggap ng kritisismo o negatibong opinyon mula sa ibang tao. Hindi sa sarado ang utak ko. Sadyang mahina lang talaga ako pagdating sa panghuhusga ng ibang tao. Dahil masyado ko iyong dinidibdib. Sa puntong, ginagawa ko na iyong basehan sa sarili ko. Nawawalan ako ng kumpyansa sa aking sarili dahil sa isang rejection lang.

--

My Testimony.

Unang semester namin sa fourth year college nang maging parte ng courses namin ang Feasibility Study. Isa iyong pag aaral tungkol sa particular na produkto o serbisyo na kung itatayo ay kikita ba o hindi. Kung posible ba o hindi.

Kaunti lang ang naging discussion ng Professor namin tungkol doon dahil more of application iyon. Title palang ay kalahating buwan na ang binigay na panahon sa amin ng aming Professor. Akala ko ay sadyang pinahaba niya lang iyon para hindi kami mag cram. Pero nagkamali ako. Dahil hindi pala ganoon kadaling umisip ng Title. Sa isang daan sigurong naisip namin ay wala man sa kalahati ang posible. Siguro ay nasa dalawangpu lang ang pwede. At sa dalawangpu na iyon, tatlo lang ang pumasa sa aming Professor.

Ayaw niya ng ordinaryo at pangkaraniwan. Na makikita mo sa market, ayaw niya yung existing na product, ayaw niya ng masyadong maliit na production. Dahil 3-5 Million ang binigay niyang Capital. May mga pagkakataong tatawanan niya kami, minsan ay sesermunan at paminsan pa ay titignan nalang kami ng masama. Para kaming linta noon na dikit ng dikit sa kanya para makuha ang approval niya. Minsan, ang tagal naming pag uusapan ang isang title. Magdedebate pa kaming magkakagrupo. Iisipin yung mga maaring maging comments ni Ma'am.

"Feasible ba 'yan?"

"3 Million ang capital niyo, yan lang ipo-produce niyo?"

"Ang higpit ng competition niyan sa market."

"Sino mga bebentahan niyo niyan?"

"Tingin niyo magtatagal yan ng limang taon? Baka isang taon lang, sawa na diyan mga customers niyo."

"Kaya niyo bang iproduce niyan?"

"Saan kayo kukuha ng gamit?"

Minsan, kakadebate namin, muntik pa kami mag away away. Kapag nasa ganoon na kaming estado, dinadaan nalang namin sa biro at paglalabas ng sama ng loob sa isa't isa. But then, kahit na approve na samin at sa tingin namin ay pwede na, para sa Professor namin, hindi pa. Kahit yung pinakamaliit na aspeto, tinitignan niya. At kapag hindi ito uubra doon, decline na agad.

Title palang ng feasibilty namin ay halos mabaliw na kami sa kakaisip. Kung anu-ano na nga ang pumasok sa isip namin. Iba't isang klase ng business ang napagdiskitahan namin. Manufacturing, service, cooperative, agency. Sige lang! Pero pagkatapos ng mahabang diskusyon, nauwi kami sa paggawa ng simple ngunit bagong produkto. Ang vegetable vocktail na counterpart ng fruit cocktail. Para iyong mixed veggies in a can, pwedeng sweetened or salted. Iyon kasi ang pumasa sa aming Professor at pinakasimpleng gawin. Pero, hinabilinan niya kami na umpisahan ng iproduce iyon dahil kailangan pa naming malaman ang shelf life nito.

GOD IS GREATER. :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon