Malimit akong madulas kapag naglalakad ako sa kalagitnaan o kaya'y kakatapos lang na ulan. Pero sa kabila noon ay nagpapasalamat parin ako. Dahil hindi akon tuluyang nadadapa. Hindi dahil sa mabilis ang reflexes ko o dahil nababalanse ko ang sarili ko. Kundi dahil iyon sa 'kanya' na laging nasa tabi ko at umaalalay sakin."
Sa kabila ng lahat ng kamaliang nagawa, tinalikuran mo siya, kinalimutan, binaliwala. Pero pag tingin mo, andiyan pa rin siya. Naghihintay lang sa pagbabalik mo. Handa kang patawarin, ano mang oras mo ito hingin.
That's God. His grace is amazing and his love is unending.
--
Pure Grace.
Malapit na noon ang bakasyon nang mabalitaan ko sa isa kong kaklase na nanananggapan ang isang kumpanya ng seasonal call center agents. Isang part time job na maaring apply-an ng mga labing walong taong gulang na o pataas. Nagdadalawang isip man ay sa sinubukan ko parin. Nagdasal ako noon sa Panginoon na kung sana ay ibigay niya ito sakin. Nakita ko ang pagkakataong ito bilang isang malaking pinto na bumukas para sakin. Marami akong duda noon sa aking sarili. Kakayanin ko kaya iyon? Makakapasa kaya ako sa interview? Makakayanan ko kaya ang graveyard shift? Hindi kaya ako maligaw doon? Makakaya ko kayang i-handle ang maiinit na ulo ng mga customers? Magagawa ko kayang pasiglahin ang boses ko sa kabila ng paninigaw nila at pagmumura sakin, kung sakali?
Napailing ako. Kilala ko ng lubos ang sarili ko at alam kong ang dalawang nahuhuling tanong ay mahirap sagutin ng oo. Ako kasi yung taong mababa ang luha. Emosyonal at mahina ang loob. Noong ikalawang taon ko sa kolehiyo ay umiyak ako dahil lang sa hindi ko magawa ang basic ng table tennis. Na pressure kasi ako noon dahil ako nalang ang hinhintay at hindi kami makapagsimula sa actual practice namin dahil sa akin. Umiyak rin ako nung hindi ako makasagot sa recitation sa Biological Science. Ganun kababaw ang luha ko. Hindi sa nag iinarte ako. Bigla lang talagang tumutulo ang luha ko sa mga panahong nakakaramdam ako ng pressure. Mahina rin ako sa critisism. Madali akong madala sa sinasabi ng iba at hindi ako magaling sa pagtatago ng emosyon.
Kaya ang pumasok sa ganoong trabaho ay malaking challenge sakin. Mismong ang iba kong kaklase ay hindi kumbinsido sa ginawa kong desisyon. Anila ay baka umiiyak lang daw ako doon. Pero hindi ko sila pinansin. Pinagtuunan ko nalang ng pansin ang mga kaibigan ko na sumuporta sa akin noon at ang iba na sinamahan rin ako.
Gumawa kami ng resume at nag submit sa mismong araw rin ng interview. Marami sa mga kamag aral ko ang nakita ko doon. Lahat kami ay nag aabang sa pagtawag sa amin sa loob para sa interview. Kabado ako noon, pero panay parin ang dasal ko. Sa mga pagkakataong ito, ang Diyos lang ang tanging sandigan ko. Ang pagdarasal ang siyang nagbibigay sakin ng lakas ng loob. Nong araw na iyon ay sinabi ko kay Lord na gusto ko talaga ang trabahong ito. Dahil malaki ang maitutulong nito sakin bilang isang indibidwal. Maari nitong mapataas ang tiwala ko sa aking sarili at gawin akong mas matatag na tao. The challenge shouts "growth" to me. Kaya ayaw ko itong pakawalan.
Ilang sandali pa ang lumipas ay may pumasok na dalawang babae at isang amerikano na malaki ang katawan. Natakot ako sa laki niya, dahil para siyang bouncer na isanag pitik lang sayo ay lilipad kana sa malayo. Nadagdagan ng higit pa sa isang daang porsyento ang naging kaba ko dahil doon. Intimidating rin ang itsura ng amerikano kaya talaga namang pinangilabutan kami.
Nang kami na ang tinawag ay napabuga ako ng malalim na hininga bago pumasok. Panel inteview ang mangyayari. Lima kaming sabay sabay na iinterview-hin ng tatlong matataas na tao.
Sinalubong kami ng ngiti ng mga interviewer at malugod kaming pinaupo. Hindi parin nawala ang kaba sa dibdib ko noon. Nang umpisahan ito ay halos manginig na ako sa kaba. Ikalawa sa huli akong matatanong dahil nasa kaliwa ako at sa kanan nagsimula ang mga panelist.
BINABASA MO ANG
GOD IS GREATER. :)
רוחניNo one can ever describe God's greatness. No matter how great He is in your perception, He is always greater than that. Kasi si Lord ay si Lord. The creator of heaven and earth, the King of Kings, Lord of Lords. Therefore, no words can ever be enoug...