Kabanata 8

277 34 9
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



Jamie POV

Takbo!

Takbo!

Takbo!

Narating ko rin sa wakas yung Court! Agad agad akong pumasok sa loob, at sobrang nagulat ako sa nakita ko! Grabe sobra daming tao! Punong puno ng student yung covered court.

Nung makarating na ko sa medyo harap nung kumpulan ng mga tao, nasa may malapit sa mismong court na ko. Agad kong hinanap si Cid.

Hanap!

Hanap!

Hanap!

Hindi naman nagtagal ay nakita ko na sya habang naglalaro. What happened to him? Ang laki ng pinagiba ng awra nya ngayon! Sobrang nalungkot naman ako sa nakita ko! Bakit ganyan ka ngayon Cid, sobrang lungkot ng mukha nya.

Totoo nga yung sinabi nung mga babae kanina, para nga siyang zombie! Wala syang kaamor-amor sa paglalaro.

Hindi ito pwede! May kailangan akong gawin para hindi na sya maging ganyan!

Isip!

Isip!

Isip!

Wala ng hiya hiya! Sobrang natatakot pa ko kanina ng maisip ko kung anong dapat kong gawin! Hindi ko alam if kaya kong gawin ito pero nung makita ko ulit yung mukha ni Cid na sobrang malungkot ay nawala lahat ng takot at kaba ko! Kailangan ako ng kaibigan ko ngayon.

Yes, kaibigan!

Magkaibigan naman talaga kami eh!

Tama lang na gawin ko ito! Tama Lang to!

Nilakasan ko yung loob ko at saka ko tinawag yung name nya ng sobrang lakas. Sa sobrang lakas ay halos napukaw ko yung mga mata ng halos lahat ng tao sa dito sa court.

"CID! CID! CID!"

Nakita ko naman na nagsimulang hinanap ni Cid kung saan nanggagaling yung sigaw, nung mukhang nahihirapan syang makita ako, medyo nahaharangan kasi ako ng ibang student kaya naisipan kong umakyat ng konti sa taas ng mga bench. Para mas makita nya ko! Nakatingin lang ako kay Cid, habang tinatawag sya ulit.

"CID! CID! CID!"

Hanap pa rin siya ng hanap pero maya-maya nahanap na rin nya ko at napatingin narin sya sakin. May halong gulat at pagtataka yung mukha nya. Walang umiimik samin sa loob ng tatlong segundo. Para kaming naguusap gamit yung mga tingin namin.

Tinaas ko yung isang kamay ko at nagaction ng kaya mo yan! Tiningnan ko nalang sya na parang kinakausap ko sya na sana ay galingan nya sa kanyang laro ngayon.

Gustong gusto ko syang icheer at sabihin "Galingan mo, Cid! Kaya mo yan!" kaya lang ewan ko ba natameme din ako, walang lumalabas na kahit anong salita sa bibig ko which is nakakafrustrate sobra!

Twisted Fate Book 1 ♡Completed♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon